Monica pov..
"Sigurado ka bang papasok ka ngayon sa trabaho!" May pag aalalang himig ni Hanna, habang kumakain kami nang breakfast dito sa bahay nila ni doc Jeri. Kasalo din namin si Janus na lalong nagiging pogi habang lumalaki.. Marahan nalang akong napa tango bilang tugon sa sinabi ni Hanna. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko kahapon, para akong masisiraan nang bait kaka isip kay Laura tapos kay Steven.. Basta sobrang gulo na nang utak ko.. kaya naisipan kong umalis nang apartment bago magdilim at tiniyak kong naka uwi sa bahay nila itong si Hanna para may madatnan ako dito sa bahay nila. At dito ako nagpalipas nang magdamag, nagdala na din ako nang ilang pirasong damit. Kasama na pati yung uniform ko sa trabaho..
"Mahirap talaga magka sakit kong mag isa ka lang sa bahay.." Rinig ko namang turan ni doc Jeri. Dahilan para sa kanya naman ako mapa baling.. Sumimsim ito nang kanyang kape tsaka tinusok ang isang pirasong hotdog gamit ang tinidor.. "Anytime naman na kailangan mo nang tulong namin ni Hanna andito lang kami ha.." Sincere pa nyang wika bago kumagat nang kaperaso.. Napa ngiti lang ako nang tipid sa kanya bago ko tinuon ang atensyon sa pagkaing nasa harapan ko ngayon. Kaya lang, parang wala naman akong ganang kumain.
Ewan ko ba, hanggang ngayon nahihiya parin ako kay doc Jeri. O dahil-- nakakaramdam din ako nang guilt sa sarili. May gap sila ni Laura at samantalang ako, inililihim kong kaibigan ko yung isa. Hindi lang basta magka-ibigan, kundi dalawang beses nang may namagitan sa aming dalawa. At hindi lang yun--- wala, saway ko naman bigla sa aking sarili sabay pilig nang aking ulo. Pagka tapos,napa hugot pa ako nang malalim na paghinga..
"Monica.." Napa angat muli ako nang mukha nang biglang magsalita si Hanna. Naglalakbay na naman kasi ang diwa ko sa babaeng gumugulo sa utak at sa puso ko. " Ramdam ko, hindi lang basta masama yung pakiramdam mo, maraming bumabagabag sa isip mo. stressed ka pa!" Seryoso nitong wika na kina iwas ko naman kaagad nang tingin.
Sa totoo lang gustong gusto ko nang sabihin ang lahat-- kaya lang natatakot ako. Hindi ko alam kong paano ko sisimulang sabihin ito kay Hanna, sa kanila ni doc Jeri.. "Ah---"
"Mahal.. hayaan mo muna si Monica, baka masama lang talaga yung pakiramdam nya." Saway naman ni doc Jeri kay Hanna. Imbes na magsasalita na sana ako, umurong tuloy muli yung dila ko.. Siguro hindi pa ito ang tamang timing.. Nakaka inggit lang kasi andun parin yung sweetness sa pananalita ni doc Jeri lalo kapag kausap nito si Hanna. Sana magkaroon na din ako nang ganito ka simple at kasayang pagsasama nang taong mahal ko--
Bigla tuloy akong nagulat sa sarili ko, bakit lumitaw sa utak ko ang imahe ni Laura na ngiting ngiting sa akin.. Gosh! Bakit si Laura-- dapat si Steven, Oo si Steven ang tamang tao at deserve nang pagmamahal ko. Hugot ko na naman nang malalim na paghinga.
"Monica, wala man lang bawas yang pagkain mo.. paano bubuti ang lagay mo nyan." Puna na naman ni Hanna.
At nang nag angat muli ako nang mukha, doon ko lang napagtanto na tapos na pala silang kumain. Pati si Janus. Pagka tapos ako, nilalaro laro ko lang yung pagkain sa plato ko gamit ang tinidor. Napapa ngiwi tuloy ako. "Sorry, wala talaga akong ganang kumain.." Hingi ko naman nang paumanhin. At marahan na akong napa tayo mula sa pagkaka upo.
"Monica, kagabi ka pa hindi kumakain. Masama yan!" Nag aalalang himig muli ni Hanna. "Sigurado kang papasok ka parin sa trabaho? Kaya mo!?" Tanong pa nito. Kaagad naman akong napa tango na may kasama pang pag ngiti. Actually, kahapon palang nang lunch walang laman ang aking tyan.. pagka tapos nang nangyari sa amin ni Laura-- basta nalang umalis nang apartment nang hindi nagpapaalam..
BINABASA MO ANG
"So, It's You!" (GxG)
RomanceWarning!! Girl to girl story°°° Ang kwentong ito ay tanging kathang isip lamang po sa malikot kong imahinasyon... Magka ibang magka iba ang buhay na kinalakhan ni Laura at Monica.. Lahat nang hilingin sa magulang ay binibigay kay Laura...
