Monica pov..
Pasimple tuloy akong umalis nang kusina, nahiya ako bigla sa sinabi ko kay Laura. Dapat siguro hindi ko nalang tinanong ang tungkol doon kasi mukhang hindi naman nangyari, baka kong ano anong imahinasyon nalang ang pumasok sa isip ko dahil sa kalasingan. At naimagine kong habang naka higa daw kasi sa kanyang kama ay bigla nya akong hinagkan sa labi?
"Monica sandali--" Pigil naman ni Laura sa braso ko na kina hinto ko at kina pikit ko nang mariin.
Kaya lang marahan din nito akong binitawan nang makasalubong namin sa ate Digna na mukhang pupuntang kusina.
"Ahm- tapos na yung niluluto ko ate.." Turan ko naman sa isang maid ni Laura. Pasimple naman itong nagpalipat lipat ang tingin sa aming dalawa.
"Sige at maghahain na ako para makakain na, excited na kaming matikman ang kaldereta mo.." Masaya naman nitong sabi bago kami lagpasan ni Laura. Patay malisya naman akong humakbang patungo sa may sala nang bahay habang itong isa ay ramdam kong naka sunod parin sa akin.
"Ahm- pasensya na kong- kong ano ano nang sinasabi ko!" Buntong hininga kong turan bago ako humarap kay Laura. Gusto ko nang bawiin yung nasabi ko kanina, habang nilalaro ko ang mga daliri ko sa kamay. Sabihin na nga nating close na kaming dalawa, kaso syempre magka-iba parin kami nang estado nang pamumuhay. Hindi ko dapat kalimutan ang bagay na iyon..
Napa tango tango naman ito habang seryoso ang mukha sa akin. Gusto kong kalimutan nalang namin kong anong nasabi ko.. Lumalabas kasi yung pagka pilya nya kanina, kinabahan talaga ako dun. Akala ko din talagang hahalikan nya ako- at kong ginawa man nya yun, hindi ko din alam kong anong gagawin ko.
Ilang saglit pa ay tinawag na kami ni ate Digna para makakain na, tinawag narin namin si Micah at sabay sabay na kaming dumulog sa lamesa.
Isa ito sa mga napansin ko kay Laura, kapag kakain hindi sya nangingiming kaharap ang mga kasambahay. Kaya tama din yung sinabi nito kanina na kahit may pagka maldita ito hindi sya nilalayasan nang mga kasama sa bahay. Talagang sinusumpong lang siguro minsan nang katarayan.
Mukhang nagustuhan din nito yung hinanda kong ulam dahil sobrang magana itong kumain. Lihim ko lang na kina ngiti.
"Gusto mo bang ihatid na kita.." Wika nito Laura habang pasalampak itong umupo sa may sofa. Pagka tapos naming kumain nang lunch.. Sa inaasal nya ngayon parang tinatamad naman nya akong ihatid. Nakakahiya tuloy sa kanya. Kong mag commute naman kasi ako ang layo pa nang guard house dito. Ang layo layo din kong lakarin ko hanggang gate nang subdivision. Marahan tuloy akong naupo sa may single couch sa kabilang side.
"Ahm- wala naman akong gagawin, kahit mamayang hapon nalang siguro." Pagsang-ayon ko naman. Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.. Maya maya ay bigla naman itong napa tayo. At ang kinagulat ko ay bigla nalang akong hinila sa kaliwang braso.
"Ihatid na pala kita." Ha! Ang bilis naman magbago nang isip niya. Hindi ko talaga sya maintindihan. Teka- yung gamit ko nasa loob pa nang kuwarto nya.. nagpaalam naman ako saglit para kunin muna yung mga dala kong pumunta dito. At nagmamadali na akong pumanik nang hagdanan.. Yung bag ko lang naman, tsaka iyong pinagbihisan ko. Tsaka itong damit na pina hiram nya lalabhan ko nalang siguro.
Wala naman kaming imikan habang nasa loob kami nang kanyang sasakyan. Ang labo nya talaga ngayon, parang ibang awra ni Laura ang nakikita ko. Pinilig ko tuloy bigla ang ulo ko dahil kong ano- ano nang naiisip ko. Hindi lang siguro ako sanay dahil masyado syang tahimik. Pagka tapos nung pangungulit nya kanina sa may kusina. Más, mas gusto ko yung awra nyang ganun.
BINABASA MO ANG
"So, It's You!" (GxG)
RomanceWarning!! Girl to girl story°°° Ang kwentong ito ay tanging kathang isip lamang po sa malikot kong imahinasyon... Magka ibang magka iba ang buhay na kinalakhan ni Laura at Monica.. Lahat nang hilingin sa magulang ay binibigay kay Laura...
