Laura pov..
Naka tingin ako sa kawalan habang nilalaro laro nang mga daliri ko sa kanang kamay ang isang black sign pen. Sobrang daming gumugulo sa utak ko nang sandaling ito, isa na yung pag alis ko sa apartment kanina ni Monica nang hindi man lang kami nakakapag usap. Basta nalang akong sinarhan nang pintuan nang kanyang kuwarto. Wala akong nagawa kaya naman umalis nalang ako na may pagdaramdam sa kanya.
Hindi ko tuloy malaman kong pupuntahan ko ba sya o hahayaan ko nalang muna. Kaya lang, paparating na si Steven kailangan ko nang sanayin ang sarili kong hindi mag stay sa kanyang apartment--
"Ma'am..." Napa baling ako sa may pinto nang bigla itong bumukas at naka ngiwing bumungad si Jessa ang aking Secretary. Awtomatiko tuloy na nagsalubong ang kilay ko nang sandaling ito. Hindi man lang marunong kumatok! "Ma'am Laura-- ano kasi-"
"Jessa pwede ba, huwag mo muna akong iistorbuhin!" May diin kong bigkas sabay bagsak nang hawak kong sign pen sa ibabaw nang lamesa na kina pitlag nito. Lalo tuloy sumama ang mukha nya. Sanay na si Jessa sa akin at mula noong naitayo ko ang firm na ito kasama ko na sya.
"Ma'am Laura, tayo nalang po ang natitira dito sa loob nang building bukod po sa mga guards.. hi-hindi pa po kayo uuwi?" Naalangan parin nyang bigkas. Napa hilot naman ako sa aking sentido. Akala mo naman napaka laki nang problema nya. Pasimple ko namang sinulyapan ang aking wrist watch. Alas otso na pala nang gabi.
"Oh- bakit hindi ka pa kasi umuwi.." Hugot ko nang malalim na pag hinga at sinimulan ko nang iligpit ang mga gamit ko. Hindi naman ito kumibo at nanatili lang sa kanyang kinatatayuan na para bang hinihintay na matapos ang aking ginagawa. Kunot noo tuloy akong nagbaling sa kanya. "Umuwi ka na.."
"S-sabi ko nga po ma'am aalis na po ako.." Taranta itong tumalikod at tumungo nang muli sa may pinto. Napapa iling naman ako sabay dampot nang aking shoulder bag-- ''Maam Laura--""Ano??" Tumaas tuloy ang timbre nang boses ko. Nai-stressed na nga ako dagdag pa itong secretary ko.
"Ah- e, ano po kasi. May nakalimutan pa pala akong sabihin!" Napa ngiwi nitong muling wika habang hawak hawak na nya ang doorknob at bahagya nang naka awang ang pinto. Lalo tuloy nagsalubong ang aking kilay sa kanya.
"Mag aadvance ka ba? Sabihin mo na kong magkano ang kailangan mo, bago pa magbago ang isip ko.." Litanya ko naman.. ganun naman kasi eh, kailangan pang magpa ligoy ligoy.. kaya lang mabilis naman syang napa iling bilang tugon. Inuubos talaga nya ang pasensya ko..
''Hi-hindi po ma'am Laura. One year advanced na nga po ako sa inyo eh.." Tugon naman nito. Buti at hindi niya yun malimutan, pero okay lang naman kong kailangang kailangan talaga nya nang pera-- "Kaya po pala ako nagpunta dito kasi, itinawag po nang guard sa ibaba na kanina pa po naghihintay ang girlfriend ninyo sa may lobby.." Monica? Ewan pero bigla nalang sya ang unang sumagi sa isip ko.
Pero kaagad ko din lang pinilig ang aking ulo at biglang napa ngisi. Bakit naman si Monica, syempre si Dominique yung tinutukoy ni Jessa.. Pagka tapos ay bigla akong napa kunot noo. Anong ginagawa ni Dominique dito? Wala naman kaming usapan--
BINABASA MO ANG
"So, It's You!" (GxG)
RomanceWarning!! Girl to girl story°°° Ang kwentong ito ay tanging kathang isip lamang po sa malikot kong imahinasyon... Magka ibang magka iba ang buhay na kinalakhan ni Laura at Monica.. Lahat nang hilingin sa magulang ay binibigay kay Laura...