Chapter 16 (SIY)

2.9K 113 61
                                        

Laura pov..

Napapa hymn pa ako habang hinahalo halo ko ang anim na pirasong hotdogs sa may kawali. Pagka tapos ay bigla akong napa tawa nang pagak sabay napa mura sa isip ko. Laura ikaw ba talaga yan! Okay fine, bumabawi lang naman ako sa kapilyahan kong ginawa kay Monica.





Ewan ko, kong bakit bigla nalang nag init ang ulo ko nang makita ang ayos at suot ni Monica na pumunta sa birthday party. Bata yung nag birthday tapos yung suot akala mong nasa bar at binubugaw ang sarili! Litaw na litaw yung cleavage nya. Buti nalang talaga ako yung sumundo sa kanya na lalong kina init nang ulo ko, paano kong yung driver nang Mommy ni Jeri--





Biglang bumukas ang pintuan nang banyo, kaya mabilis akong nagbaling doon. Dumungaw si Monica.
"Laura, pwede bang paki kuha ko yung towel ko sa kuwarto saglit. Naka limutan ko pala." Napa ngiwi nyang sabi habang basang basa pa ang kanyang mukha. Kita ko din ang litaw nitong balikat, ibig sabihin wala syang kahit anong saplot! Hindi ko tuloy mapigilang mapa lunok..





"Laura bilis na.." Untag nito sa akin. "Giniginaw na ako!"






"Ah- heto na kukunin na!" Sabay talikod at basta ko nalang iniwan yung niluluto ko. Infairness ang kinis nang balat nito sa balikat, mas lalo na siguro-- pinilig ko bigla ang aking ulo kong ano ano na naman ang kadumihang pumapasok sa utak ko. Asan na ba yung towel!






Nasa loob na ako nang kuwarto, hinanap ko yung towel nito pero.. Saan ba nito nilagay? Napa singhot naman ako nang may naamoy akong parang nasusunog-- hala yung niluluto ko pala!!
Narinig ko nalang ang pag hiyaw ni Monica sa may kusina.. hindi ko naman alam ang gagawin ko kong tatakbo ba ako pabalik nang kusina or hahanapin ko yung tuwalya.






Bahala na nga.. Taranta akong humakbang muli pabalik nang kusina nang---
Bigla nalang kaming nagkasalubong ni Monica sa may hallway.
"Ayy!!" Tili nito nang dambahan nya ako, dahil hindi ko yun inasahan na out of balance ako kasama sya.







Napa higa ako sa sahig, habang si Monica ay pumaibabaw sa akin. Lalong hindi ko inasahan ay yung pagsayad nang dibdib nito sakto pa sa mukha ko nang wala syang kahit anong saplot sa katawan. Shit!!
Bigla itong nag angat nang katawan na kina laki nang dalawang mata ko na naka tunghay sa dalawang bundok nito.







Bigla nalang syang napa singhap. Ang hindi ko inasahan ay ang pag dapo nang palad nito sa kaliwang pisngi ko.
"Bastos!!" Rinig ko pang turan nya. Pagka tapos ay mabilis na syang umalis sa ibabaw ko, habang ako ay sapo ang kaliwang pisngi sa sobrang sakit nang pagkaka sampal nya sa akin.. Narinig ko pa na pabalibag nitong sinara ang pinto nang kuwarto.







Gosh! Ano bang kasalanan ko sa pagkakataong ito at kailangan pa nya akong sampalin.. Marahan na akong bumangon mula sa pagkaka higa, sa totoo lang ang bigat nya..
Nang tuluyan na akong napa tayo, hindi ko mawari kong anong gagawin ko nang sandaling ito. Naglakad ako patungo sa pintuan nang kuwarto, kakatok na sana ako sa may pintuan nang biglang nag bago ang isip ko. Napa buga nalang ako nang hangin at muling humakbang patungo sa may kusina.






Tsk! Medyo umuusok usok pa, pero naka off na yung stove at naka bukas na pala ang exos fan. Napa ngiwi nalang ako nang makitang sunog na sunog yung niluluto kong hotdog habang nasa may kawali pa ang iyon! Napa hilot tuloy ako sa aking sentido. Hinango ko ang mga iyon sa kawali sabay lagay sa may trash bin..







"Excuse me ako na dyan!" Cold nyang turan na kina pitlag ko pa sa pagka gulat. Nang nagbaling ako sa kanya ay naka bihis na sya nang pambahay habang naka pulupot ang tuwalya sa kanyang ulo..
Sorry naman daw! May ginagawa kasi yung tao uutos utusan pa nya ako. Yan tuloy--






"So, It's You!" (GxG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon