Laura pov..
Akala ko pa naman kong anong surprised na sinasabi ni Dominique sa text message niya. Nagpadala pala sya sa office ko nang isang bouquet of flowers at isang box nang ferrero rocher'. Pero nakaka tuwa parin syempre, dahil may nag eeffort na sa akin katulad nito.
Kinalong ko ang malaking bouquet nang red roses, habang naka upo ako sa aking swivel chair. Kusang sumilay ang ngiti sa aking labi, kaya lang bigla ding nawala ang ngiting iyon nang hindi maiwasang sumagi sa isip ko si Jeri. Kaming madalas ang nagbibigayan nang bulaklak dati, may okasyon man o wala.
Kailangan na kitang kalimutan Jeri, masaya ka na kay Hanna. Buntong hininga ko at mukhang si Dominique na nga ang taong makakatulong para maghilom nang tuluyan ang sugat sa aking puso. Dinampot ko ang aking cellphone na nasa ibabaw nang glass table at kaagad na nag dial nang numero.
"Hi!" Kagat labi kong turan nang sinagot nito ang tawag.
"Natanggap mo na!" Malambing nyang wika. Napa baling naman ako sa kandong kong bulaklak. "Nagustuhan mo ba?"
"Uhuh!"Tipid ko namang tugon. Hindi ko kasi alam kong anong sasabihin ko nang sandaling ito. Hindi lang siguro ako sanay na may nagbibigay nang atensyon sa akin katulad ngayon. "Thank you- Dominique.." Nilambingan ko din ang himig ko na kina tawa nito nang mahina.
"Baby.. baby nalang, masyado namang pormal pag first name bases tayo." Ako naman ang biglang napa tawa nang malakas. "Gusto kong maging masaya ka baby, masaya sa piling ko." Aba binabanatan ako. Napakagat labi na naman tuloy ako. Hay naku!
"Okay it's up to you.." Gosh! Ang lakas ko maka teen-ager samantalang malapit na akong lumagpas sa kalendaryo..
"Lunch tayo later!" Aya nito. Mag Oo na sana ako nang maalalang pupunta pala si Mommy ngayon dito sa office ko.
"Ahm- may lunch date kasi kami ni Mommy." Napa ngiwi kong sabi. Hindi naman sya kaagad naka kibo dahil narinig kong parang may ibang taong nagsasalita. Asan kaya sya?
"How about-- dinner, my treat.." Sumang ayon nalang ako kaagad. Wala naman akong gagawin mamaya at gusto ko din syang makilala nang husto. Nagpaalam na din sya kahit ayaw pa daw sana nya at gusto pa akong maka usap. Kaso may dumating itong client, na kina kabog nang dibdib ko dahil naalala ko bilang isa din pala syang dentist. I promise myself, one of this days bibisita ako sa clinic nito.
Napapa hugot nalang ako nang malalim na pag hinga. Tsaka marahang pinatong yung bulaklak sa ibabaw nang aking table.
____
"Aba, hindi pwedeng si Dominique lang ang nag eeffort sa inyong dalawa." Turan ni Mommy habang magka salo kaming kumakain dito sa isang restaurant malapit lang sa office ko. Nai kwento ko kasi yung tungkol sa pa bulaklak ni Dominique. Nasabi din ni Mommy na sa San Fernando pa pala ang clinic nito at three hours ang beyahe nun mula doon hanggang dito.
At nasabi nga nang guard sa firm ko na si Dominique daw mismo ang naghatid nang mga yun. Talagang nag drive pa sya nang ganung kalayo.
"Okay Mom! Deskarte ko na po." Tugon ko naman. Ni wala pa ngang official na kami na talaga. Gusto ko din namang maging formal kong sakali. First relationship ko kaya sya. Wew! Ngayon palang, iniisip ko palang halo halo na ang aking nararamdaman.
BINABASA MO ANG
"So, It's You!" (GxG)
RomanceWarning!! Girl to girl story°°° Ang kwentong ito ay tanging kathang isip lamang po sa malikot kong imahinasyon... Magka ibang magka iba ang buhay na kinalakhan ni Laura at Monica.. Lahat nang hilingin sa magulang ay binibigay kay Laura...
