Chapter 5 (SIY)

2.8K 105 29
                                    

Laura pov..

              "Ma'am, ma'am.." Tawag sa akin nang secretary ko kaso dire-diretso lang ang lakad ko paalis nang opisina. "Ma'am Laura--"






          "What??" Iritado kong bigkas nang harangan nito ang dinaraanan ko.. Kita ko naman ang kanyang pag ngiwi at nahihiya itong tumingin sa akin.





            "A-alis po ba kayo ma'am.. sa-saan po kayo pupunta- may meeting po kasi kayo nang three pm..." Litanya nito na kina buga ko naman nang hangin.  I miss her so much, gusto ko syang makita.. kahit anong pilit ko sa utak kong kalimutan ko na sya-- Kahit makita ko lang sya masaya na ako.





             "Ipa cancelled mo nalang.  Sabihin mo re-schedule nalang bukas!" Pairap kong sabi. Kailangan kong puntahan si Jeri sa clinic nya, bago pa ako madatnan doon ni Hanna, katulad nung huli kong punta..  dapat talaga ganitong oras ang punta ko yung habang nasa school pa sya.





          "Eh, pero ma'am--" Kakamot kamot nang batok ang aking Secretary na si Jessa..





         "Sige na at nagmamadali ako sa lakad ko, kong hindi ako maka balik. I'll see nalang tomorrow.." Wala na syang nagawa nang nilagpasan ko na itong naka tunganga at dali dali na akong sumakay nang elevator patungong ground floor kung saan doon ang parking area nang building ko. Pag dating ko doon ay kaagad ko nang pinasibad ang aking sasakyan. Napapa buga ako nang hangin, habang nagmamaneho dahil bigla nalang akong sinalakay nang kaba.






           Lagi akong pinapayuhan nang parents ko,lalo na ang Mommy ko na kalimutan ko na sya. Sinusubukan ko naman eh, kaso-- sobrang hirap hindi ganun kadali. Pakiramdam ko nga, habang tumatagal na ganito na yung sitwasyon ko, ganito na yung nangyari lalo ko lang minamahal si Jeri..
Hindi ako duwag katulad ni Xander na basta sumuko nalang, mas piniling bumalik nalang sa ibang bansa kasama ang anak nila ni Tanya..






          Ako, de bale nalang na magpakatanga. 





             Napa hinto ako sa tapat nang flower shop na lagi kong pinagbibilhan nang bulaklak at pasimple ko noong binibigay kay Jeri. Napa baling ako  sa flower shop at napa ngiti nang mapait. Hindi na din pala pwede, hindi na pwedeng kong gusto kong bigyan si Jeri nang bouquet katulad nang dati. Kaya napa hugot nalang ako nang malalim na pag hinga tsaka pinagpatuloy ang pag da-drive ko.






           Nag isip din kong anong masarap na snack na pwedeng e-take out, kaso naisip ko din na kung gagawin ko yun. Baka mag iisip na naman si Jeri sa akin nang iba nang masama kaya huwag na nga lang. Ang mahalaga makita ko sya.






          Nagpark na ako malapit sa clinic   habang sobrang kabog nang dibdib ko. Wala pa yung sasakyan ni Hanna, kailangan ko ding makaalis kaagad bago pa nya ako maabutan..Inayos ko muna ang sarili ko bago ako umibis nang aking sasakyan. Huminga ako nang malalim, pagka tapos ay humakbang na ako papuntang clinic..






           Marahan kong kinatok ang glass door, ilang saglit pa ang marahan nang bumukas ang pintuan.
"Hi!" Napa ngiti kong bati kay Jeri. Namiss ko sya sobra,ang ganda ganda talaga nya.  Hindi naman na sya nagulat nang makita ako.






          "Laura.. What brought you here?" Pormal nitong sabi. Pero pina tuloy parin nya ako sa loob.. Napa ngiti uli ako nang makita ko si Janus habang abala sa panonood nang animé sa may television. Ang anak ni Hanna na pamangkin din lang ni Jeri..






"So, It's You!" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon