Monica pov..
"Laura.. A-anong ginagawa mo dito?" Kinakabahan kong tanong. Hindi ko aakalaing susundan nya ako dito. Tapos naabutan ko pang kausap nya ang pinsan ko. Hindi lang yun, magka sama pa kami ni Steven-
"Bibisitahin ko lang sana si- Butchok.." Hugot nito nang malalim na paghinga ni hindi man lang sya maka tingin sa akin nang diretso.. "Kaya lang-- sabi naman nitong si Anthony maayos na ang kalagayan nya!" Tsaka ito seryosong nagbaling sa akin na lalong kina kabog nang dibdib ko. Baka kong anong--
"Laura.. Ang yaman mo siguro no!" Sabat naman bigla nang pinsan kong si Claudette sabay himas sa sasakyan nung isa. "Sarap sigurong sumakay sa loob nang kotse mo- pa experience nga ako minsan." Tila nang aakit pa nyang turan. A-ano bang nangyayari dito sa pinsan ko, mukhang sinapian nang masamang espiritu. Samantalang si Laura ay napa ngiti lang naman nang tipid sa kanya.
Buti nga nginitian pa sya, kilalang kilala ko na itong si Laura buti at hindi lumabas ang katarayan-- "Ang swerte talaga nitong si pinsan, palibhasa beautiful!" Baling ni Claudette sa akin sinabayan pa nang pag kindat.. "Biruin mo naman dala-dalawa ang sinsakyan!" Maka hulugan nyang wika na kina kunot noo ko naman nang sandaling ito. Sinabayan pa nito nang pagtawa nang nakaka loko.
"Ops- sorry! Ibig kong sabihin kotse, sinasakyang kotse.." Bawi nito, kunway tinakpan pa ang bibig gamit ang isang palad.. Pero alam ko namang pinapatamaan nya ako nang hindi ko maintindihan kong bakit.
"Ahm- aalis na din ako!" Biglang paalam ni Laura. "Wala pa kasi akong pahinga e-" Makahulugan din niyang turan sabay sipat sa suot nitong wrist watch. Gusto ko syang pigilan, kaya lang- Napabaling ako kay Steven. May pag uusapan pa kasi kami nitong isang ito..at hindi na pwedeng ipagpaliban pa.
Isa sa mga dahilan kaya nagmadali akong maka uwi dito, kaso- nauna pang dumating si Laura sa akin-
"Huwag ka na munang umalis!" Nagulat ako nang biglang kumapit ang mga kamay ni Claudette sa kaliwang braso ni Laura nang akmang bubuksan na sana nito ang pintuan nang kanyang sasakyan. Ano bang pinaggagawa nang pinsan ko, feeling close masyado. Samantalang pangalawang pagkikita palang nilang dalawa.
"Oo nga ate Laura, namiss ka kaya namin!" Segunda naman ni Tuto. Na kaagad kong kina baling dito at tinitigan nang makahulugan. "Miss na miss kana din ni Kunoy, lalo naman si Butchok. Parati kang tinatanong kila nanay." Pangungumbinse pa nang kapatid ko. Na kina hilot ko nang aking sentido. "Tsaka, gusto pa kitang ipakilala sa kuya Steven ko!" Nagniningning ang mga mata nito.
"Teka-"
"Oo nga naman Laura.." Magsasalita palang ako nang muling magsalita ang pinsan kong tudo kapit parin sa braso nito. Sabagay hindi pa kasi alam nang mga kapatid ko na magkakilala na si Steven at Laura.
"Para maka bonding ka naman namin, pwedeng pwede ka naman sa bahay mag stay.." Pangungulit parin ni Claudette. At- Aba! inalok pa nito na mag over night sa bahay nila? Napa ingos tuloy ako na kina baling sa akin ni Laura nang sandaling ito. Pero kaagad ding nag iwas nang tingin. Bakit ba lagi syang umiiwas?
"Ahm- guys thank you sa offer ha! Mukhang nakaka abala lang kasi ako e. De bale next time babalik ako dito." Tanggi nito sa alok nang pinsan ko. Buti naman!! Turan naman sa isip ko. Habang ngiting ngiti sya na sinasabi iyon kay Claudette. Na todo pa cute parin sa kanya..
BINABASA MO ANG
"So, It's You!" (GxG)
RomanceWarning!! Girl to girl story°°° Ang kwentong ito ay tanging kathang isip lamang po sa malikot kong imahinasyon... Magka ibang magka iba ang buhay na kinalakhan ni Laura at Monica.. Lahat nang hilingin sa magulang ay binibigay kay Laura...
