Chapter 31 (SIY)

2.5K 112 44
                                    

Monica pov..

               "Are you alright love?" Ha? Untag ni Steven na kina kurap kurap nang aking mga mata at napa ngiting nagbaling sa kanya. Hindi ko parin kasi maiwasang  isipin at sisihin ang aking sarili, kung bakit nagkasakit si Laura. Pagka tapos, ilang araw syang na confine sa hospital--  pasimple ko tuloy pinilig ang aking ulo. Pero ang mahalaga ngayon ay okay na daw sya, ayon na din sa text message na natanggap ko kahapon galing kay Hanna. At mukhang naka labas na ito nang hospital..








             Isa din sila sa dumalaw kay Laura sa hospital, nakapagtataka man  dahil mukhang nagka ayos na rin ang dating mag best friend- Si doc Jeri at Laura. At kung anuman ang naging rason sa pagkaka bati nang dalawa. Masaya din ako sa nangyari, at nagka patawaran na sila.







               Bahagya pa akong napa pitlag nang marahang  kinuha ni Steven ang isang palad ko at dinala sa labi nito. Masuyo nitong hinagkan na kina singhap ko naman nang sandaling ito.  Si Steven, ang aking boyfriend heto at kasama ko na sya ngayon-- masasabi ko lang sa kanya.. Napaka buti nang kalooban nang  taong ito, napaka sweet and caring nito..  At noong dinala ko sya sa aking probinsya, pinakilala sa magulang at mga kapatid ko.. Sobrang magiliw sya sa pamilya ko na kina taba nang puso ko. Ni  walang ka arte arte sa katawan.. Basta wala akong maipintas sa kanya..Ang sarap nyang mahalin-- lihim akong napa hugot nang malalim na paghinga.







            "Huwag ka parin sanang magpa dalos dalos nang desisyon anak.. pag isipan mong mabuti ang mga bagay bagay bago ka magpasya..  Isa pa, hindi dapat kami ang isipin mo kundi ang sarili mo. Ang kaligayahan mo anak-- pero kong si Steven nga ang magpapa saya para sayo.. Andito lang kami nang tatay mo laging naka suporta sayo."







                 Kusa na namang  sumasagi sa isipan ko ang mga habilin sa akin nang nanay.. Nung minsang nagkaroon kami nang pagkakataong mag usap na kami lang dalawa.. Alam ko na kahit hindi  nagsasalita si Tatay, marami din syang gustong sabihin sa akin. Pero nanatili itong walang imik.. Napapa buga tuloy ako nang hangin.







              "Are you nervous Love?" May pag aalalang himig ni Steven sabay masuyong  hinaplos ang aking pisngi.. Kita ko sa mga mata ang sinseridad sa kanyang sinabi.. Marahan naman akong napa tango biglang tugon habang naka titig ako sa kanyang mukha.. Fisrt time ko lang kasing sasakay nang eroplano. Kaya lang- hindi naman yun ang dahilan nang pananahimik ko, kundi sobrang dami lang kasi nang pumapasok sa utak ko nang sandaling ito.






              Imbes na papasok na sana ako sa trabaho- tuluyan na din akong pinag resign nitong si Steven.. Nakaka lungkot man dahil matagal na din ako sa cafe na yun at sobrang mamimiss ko ang aking mga katrabaho.. Lalong lalo na si Celine.






          Kaya lang kasi, hindi ko naman na daw kasi kailangang magtrabaho turan nitong kasama ko. Unang una sobrang busy ko na simula nang dumating sya. Syempre, hindi ko naman sya basta basta hayaan nalang dahil ako naman yung dahilan kung bakit sya andirito ngayon sa bansa.






             Pangalawa, ang dami kong pinapa process para sa pagsama ko na sa kanya sa US-- at three weeks lang ang ilalagi nya dito. Kung sa tatlong linggo na yun ay hindi parin tapos ang lahat, malamang mauuna syang lilipad pabalik nang America ay susunod nalang ako.  Sigurado kang gusto mong pumunta?  Biglang tanong nang isip ko.. Oo naman! Buntong hininga ko.





             

               Yung pangarap ko para sa pamilya ko, para sa mga kapatid ko. Nanatili yun sa puso at isip ko. Gusto ko silang makapag tapos nang pag-aaral. Ayokong maranasan nang mga kapatid ko ang naranasan ko sa buhay na maagang nag banat nang buto. Gusto kong mabigyan ang parents ko nang komportableng tirahan..






"So, It's You!" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon