Chapter 33 (SIY)

2.3K 150 49
                                    

Laura pov..

                  "Uhhmmpp.. Laura!!" Marahas akong itinulak ni Monica. Taas baba ang dibdib nito at matalim ang tinging pinukol sa akin. "Bakit mo ginawa yun- paano kong madatnan tayo ni Steven..." Nanggigigil nyang wika at halata ang matinding galit dahil namumula nang husto ang kanyang mukha..







              "Monica.. let's talk, let me explain--"






               "Explain!?" Pag uulit nito sinabayan pa nya nang pagtawa nang pagak. "Anong ipapaliwanag mo? Na hinalikan mo ako!"  Akmang lalapitan ko sana sya pero maagap na nag senyas ang isang kamay nito. Na para bang sinasabing hanggang dito nalang ako sa kinatatayuan ko.







             Mariin ko tuloy na isinuklay ang mga daliri ko sa aking buhok sa sobrang frustration.. Alam kong hindi dapat ako nagpa dalos dalos, kaya lang kasi- Pagpasok ko sa loob nang unit kanina, sinalakay ako nang matinding selos nang isiping nasa iisang unit lang ang dalawa.. Na sa iisang kuwarto lang silang magkasama at magka salo sa iisang kama- Damn it!!






                    Pero ramdam ko na gumanti sya sa mga halik ko kanina.. Kaya naman nagtatanong ang  mga matang muling nagbaling sa kanya. Tsaka ako tumitig nang husto sa kanyang mga mata. "Monica..."  Alam mo kahit ako naiinis na sayo, wala ka kasi sa ayos palagi eh. Yan tuloy lalong lumalayo ang loob sayo nang tao.  Tuya tuloy ni inner self..







            "Sabihin mo nga sa akin Laura! Aminin mo nga ang totoo.. Sinusundan mo ba kami ni Steven!?" Bigla tuloy kumabog nang husto ang dibdib ko nang sandaling ito. "Laura, pwede bang tama na! Oo kaibigan mo ako kaya lang-- huwag mo naman sanang sirain ang masayang bakasyon namin.."  Monica.. argh! Hayaan mo sana akong magpaliwanag..







               "Kung ano man ang pinagdadaanan mo ngayon, sana man lang bigyan mo muna ako- kami ni Steven nang privacy!!" Ouch ang sakit! Sapol na sapol sa puso ang sinabi nito. Parang gusto ko na naman tuloy umurong.





              Oo, sinadya ko lahat nang ito. Kay Jeri ko din lang malaman ang tungkol dito sa out of town nang dalawa.  Kaya ang ginawa ko kaagad akong nag utos nang isa kong tao para alamin lung anong araw ang alis nang dalawa. Kung anong flight- kung saan sila tutuloy pero-- balak ko lang sanang pasusundan. Kaya lang-- hindi ko lang kasi matiis at hindi din lang ako mapakali na magkasama yung dalawa..






              Alam ko, sobrang kahibangan na itong ginagawa ko..  Na dapat nasa bahay lang muna ako magpapa galing nang husto. Dahil ramdam pa nang katawan ko na panghihina.. Kaya lang kasi- habang lumilipas ang mga araw, palapit naman nang palapit ang tuluyang pag alis ni Monica, sasama na sya kay Steven.. Paliit nang paliit yung chance para masabi ko sa kanyang--    "MAHAL KITA MONICA!!"







             "A- anong sabi mo?" Kita sa mukha nito ang matinding pagka bigla sa pinagtapat ko at pagka lito. "Laura.." Na bigla din lang nyang kina iwas nang tingin. "Oo naman alam ko." Buntong hininga pa nyang turan. A-alam na nyang mahal ko sya- na inlove ako sa kanya--.







              "Monica--"







            "Tama nga naman.." Magsasalita palang ako nang muli itong nag wika. At kitang kita ko ang pag ngisi nito. "Mahal mo ako dahil kaibigan mo ako diba! Hindi mo na kailangang ulit ulitin pa Laura.."  What? Sunod sunod naman ang aking pag iling. Kailangan ko nang sabihin ang lahat sa kanya habang may lakas nang loob pa ako..







"So, It's You!" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon