Chapter 30 (SIY)

2.4K 130 34
                                    

Laura pov..

           "Monica... Monica please sandali lang--" Pagmamakaawa ko at pilit kong inaabot yung kamay nito kaya lang pilit din syang umiiwas na para bang napapaso sya sa bawat pag dikit nang balat ko sa kanya.







                  "Umalis kana..." Pagmamatigas parin nito. "Hindi kita kailangan-- hindi ko kailangan ang isang duwag na katulad mo!!" Tiim bagang nitong turan. Sa totoo lang basang basa na ako nang ulan, para sa akong basang sisiw.. Ni ayaw man lang nya ako pasukubin sa payong nyang dala..







              Nagpunta ako sa apartment niya nang maaga, kaya lang walang tao. Hindi na kasi ako napanatag sa sinabi ni Jeri sa akin na  dumating na nga si Steven sa bansa.. Yung puso ko, hindi ko na maintindihan, ang dami nang tumatakbo sa isip ko. Paano kong- tuluyan ko na syang hindi makikita.. Kung kukunin na sya ni Steven sa States-- No, no please  it can't be..






               Nangingilid na yung mga luha ko, sumusikip na yung pag hinga ko- iniisip ko palang na ganun yung mangyayari. Lalo na nang tumungo ako sa café na pinagtatrabahuan nito at nalaman kong naka leave daw sya nang isang linggo. Laura, mag isip ka nang gagawin! Bago pa mahuli ang lahat..  Pangungumbinse nang isip ko. Kahit- kahit makita ko lang sya at maka usap sa huling pagkakataon.







             Kaya kahit hindi maganda ang lagay nang panahon.. Nagpasya akong tumungo sa probinsya nila Monica, yung lugar nalang na yun ang huling pag asa ko na makikita ko sya.. Gosh!! Buong akala ko hinding hindi na ako babalik sa lugar na yun! Pero totoo din ang kasabihan, na kapag mahal mo ang isang tao. Gagawin mong posible ang imposible, babaguhin ang pagka tao mo na sa hinagap mo hindi yun mangyayari. Pero- heto na nangyayari na!







             Sinuong ko ang napaka lakas na ulan at nagmaneho nang halos limang oras.. Pagka tapos, pagpasok ko sa baryo nila Monica grabe na yung putik. Alam kong sobrang dugyot na nang sasakyan ko pero wala yun sa isip ko ngayon. Ang nasa isip ko lang, si Monica-  miss na miss ko na sya. Gustong gusto ko na syang makita at mahawakan..
Ang tanong-- kaya mo ba syang agawin kay Steven.. 







               "Monica please.. mag usap lang tayo!" Nanginginig na ako sa sobrang ginaw pati boses ko. Pero hindi parin nagbabago ang ekspresyon nang kanyang mukha.. Madilim parin ang awra nito at walang kabuhay buhay ang kanyang mga mata.





           "Nag uusap na tayo diba!!" Sarkastiko nyang wika. Asan na yung kilala kung Monica, yung- maamo, yung sweet na inosente at hindi marunong magalit.. "Tsaka, wala naman tayong  dapat pag usapan..  Kung anong problema ninyo ni Dominique hindi na kita matutulungan.." Hindi naman tungkol kay Dominique ang dahilan nang pag punta ko dito.







               Kung ganun, ano pang hinihintay mo, sabihin mo na sa kanya ang totoong pakay mo kung bakit ka nagtungo dito. "Monica mahal---"






              "Mahal ko Steven-- at sasama na ako sa kanya pagbalik nya sa States.." Putol kaagad nito sa sinabi ko. Na pakiramdam ko, libo libong punyal ang tumarak sa puso ko nang sandaling ito. Buti nalang basang basa ako nang ulan, pati sa aking mukha kaya naman sumabay ang pag agos nang masaganang luha sa aking mga mata. At alam kong hindi na nya pansin nang sandaling ito.







                "Kaya, kong ano mang pinagdadaanan nang relasyon ninyo ngayon ni Dominique,labas na ako dun Laura. Hindi mo na kailangang mag effort na pumunta pa dito, magdrama at magpaka basa nang ulan para kombinsehin akong tulungan ka.." Ano?? Hi-hindi naman kasi ang tungkol doon ang pinunta ko dito, wala na akong pakialam kung umurong na si Dominique na engagement.. kundi-- "Ang duwag duwag mo talaga.. Wala akong kaibigan-- kaibigang duwag.. Umalis kana Laura.." Kita ko ang pag patak nang luha sa kanyang mga mata, na kina iwas nito nang tingin..








"So, It's You!" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon