Monica pov..
"Laura.." Tawag ko.. Paglabas ko nang banyo, pagka tapos kong naligo ay nadatnan ko syang gising na. Naka upo sa kama habang naka takip ang kanyang mukha gamit ang dalawa nyang palad.
Kaagad syang nagbaling sa akin nang marinig ang aking boses.. "Monica.." Mabilis pa sa alas kuwatrong kumilos. Umalis ito sa ibabaw nang kama. Napa Oh! pa ako nang dinaluhan nya ako nang mahigpit na yakap.. Na kina bilis din nang pag tibok nang aking puso. Hmn Laura..
Kaya lang biglang-- "Hi-hindi ako maka hinga!" Reklamo ko. Paano ba kasi halos pigain naman nya ako sa sobrang higpit nang yakap niya.
"Sorry, sorry- I'm sorry.." Sunod sunod naman nitong pag hingi nang paumanhin. Tsaka marahan na nito akong binitawan.. Problema ba nya-- napa kunot tuloy nang aking noo sa pagtataka sa kinikilos niya. At the same time may halong kilig.
"Ahm- sarap kasi nang tulog mo kaya, hindi na kita inistorbo." Wala sa loob kong sabi. Tila ba gusto kong magpaliwanag sa kanya kung bakit wala ako sa tabi nya nang magising ito. Sobrang himbing kasi nang tulog nya-- ni hindi nga nito namalayan nang binihisan ko sya kanina.. malaya ko tuloy napag masdan ang kanyang kabuuan.
Bigla tuloy akong napa kagat nang pang ibabang labi, naalala ko na naman yung- namagitan sa amin ilang oras palang ang nakakaraan. Hindi ako makaniwala sa sarili kong nagawa ko yun, ang nasa isip ko lang kasi nang sandaling iyon ay mapa ligaya ko sya. At kitang kita ko naman kung gaano sya nasiyahan sa ginawa ko..
Bigla bigla tuloy akong nakaramdam nang hiya sa kanya nang naramdaman kong nag init ang magkabila kong pisngi. "Monica.." Hinawakan nito ang aking baba at masuyong pinaharap ang mukha ko sa kanya.
Nahihiya akong tumingin- kaso baka bigla nya akong tarayan. Si Laura pa, kilalang kilala ko na mula ulo hanggang-- "I love you.." Malambing na bigkas nito. Na kina singhap ko at parang may malamig na hanging humaplos sa puso ko nang sandaling ito. Oh- Laura..
Malamlam ang kanyang mga mata, nang salubungin ko ang titig nito. Laura.. Bigkas ulit nang isip ko. Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala sa sarili ko. Na ang isang katulad ni Laura Crisostomo, mayaman, edukada at napaka ganda.. ay may nararamdaman para sa akin. Hindi lang yun-- mahal nya ang isang katulad kong..
Bigla tuloy akong nag iwas nang tingin. Nakaramdam ako bigla nang hiya, lalo sa pamilya nya-- "Sasabihin mo na naman ba kung bakit ikaw pa- kung bakit sayo ko pa naramdaman ito?" Buntong hininga nito at ramdam ko ang kalungkutan sa kanyang himig. Tila nababasa kong anong nasa isip ko nang sandaling ito.
"Monica hindi ko din alam.." Hugot nitong muli nang malalim na paghinga. "Kung bakit ikaw pa-" Dugtong pa nya. Sa sinabi nyang yun ay bigla akong nagkaroon nang lakas nang loob para salubungin muli ang kanyang mga mata. A-anong hindi nya din alam, na bakit ako? Nagsimula na tuloy akong maguluhan.
''Laura--"
"Patapusin mo muna kasi ako--" Nagsisimula palang ako nang sabihin pero kinontra kaagad nito. Okay, baka magsusungit na naman. "Totoo namang yung-- hindi talaga kita type--" Aba! Bigla tuloy naningkit ang aking mga mata. Habang naka titig parin sa kanya. Parang nasasanay na akong ganito, sobrang lapit lang namin. Habang naka titig sa kanyang napaka gandang mukha. Hinding hindi pagsasawaang titigan.
BINABASA MO ANG
"So, It's You!" (GxG)
RomanceWarning!! Girl to girl story°°° Ang kwentong ito ay tanging kathang isip lamang po sa malikot kong imahinasyon... Magka ibang magka iba ang buhay na kinalakhan ni Laura at Monica.. Lahat nang hilingin sa magulang ay binibigay kay Laura...