Laura pov..
My gosh! Sobrang sakit nang ulo ko parang tinatambol. Kong wala lang akong meeting nang nine o-clock hindi talaga ako babangon nang maaga para tumungo nang office.. Napa rami kasi ang nainum namin ni Monica kagabi.. Hindi ko na nga alam kong anong oras na kami nakatulog.
Napa ngisi naman ako nang maalala ang kapilyahang ginawa ko..Yung promise ko sa kanyang ihatid ko sya sa apartment nya-- well, kasalanan nya yun dahil ang sarap pa nang tulog nito nang iwan ko sya sa bahay. Nagbilin nalang ako sa mga maid na huwag syang gigisingin, hayaan lang nilang magpa hinga total off naman nito ngayon.
Mabilis ko na ngang tinapos ang meeting, gusto ko kasing mag half day lang ngayong araw.. Gusto ko nga bago magising si Monica, makauwi na ako nang bahay--
"Ma'am..." Naalangang turan ni Jessa nang bigla nalang syang pumasok dito sa opisina. "Pasensya na po kong hindi- hindi na ako kumatok may bisita po kasi kayo--""What??" Buska ko namang sabi. "Hindi ako tumatanggap nang bisita ngayon araw. At tsaka mag half day lang ako dahil masama ang pakiramdam ko.." Turan ko pa sabay hilot sa aking sentido..
Napapa ngiwi naman ito katulad nang palagi nyang ginagawa kapag mainit ang aking ulo."Yun nga po ang sinabi ko sa kanya ma'am. Pero, sabi po nya inaasahan niyo daw po sya ngayong araw!?" What! Wala akong inaasahang bisita at kong meron man hindi ako tumatanggap nang bisita dito sa trabaho. Maliban nalang kong pamilya ko yun! Or si Jeri--
"Hi bie.." Napa awang nalang ang labi ko nang biglang bumukas ang pintuan nang office ko at may isang dyosang pumasok. Ngiting ngiti ito at nagniningning ang kanyang mga mata. "Ako to si Dominique.." Pakilala nito sa kanyang sarili habang naka tulala pa rin ako.
Samantalang si Jessa ay nagpalipat lipat nang tingin sa aming dalawa.Si-siya na si Dominique Guevarra?
"Ahm- sige na Jessa maiwan mo muna kami.." Utos ko sa secretary ko. Napa tango naman ito at kaagad na tumalima.
Marahan naman akong tumayo sa swivel chair at humakbang patungo sa kinaroroonan nitong nakatayo malapit lang sa may pinto."Hi, Dominique.." Pasimple kong bati.. Nagulat pa ako nang bigla nalang nya akong yakapin nang sobrang higpit.
"I was expecting your call..." Malambing nyang turan. Oo nga pala, nawala na sa isip kong tawagan sya. "You're so beautiful Laura." Lalo kong kina gulat nang basta nalang nyang kinulong ang aking mukha at ginawaran nya ako nang mariing halik sa labi. To think na ngayon lang kami nagkita, mga bubwit pa kami dati..
"Dominique..." Natatawa ko namang turan nang marahan akong kumalas mula sa pagkaka yakap nito. Masyado kasi akong nabibigla sa mga nangyayari. "Halika maupo muna tayo.." Aya ko si iginiya ko syang maupo sa may couch.
"So, pwede na ba nating pag usapan ang tungkol sa atin!" What?
"Your single, I'm single.. you're a lesbian and I'm a bi-- so bagay na bagay tayo.." Napa tawa nalang ako sa sinasabi nito sabay hilot sa aking sentido. Mas lalo yatang sumakit ang ulo ko sa babaeng ito."Dominique... Mas mainam siguro kong kilalanin muna natin ang isa't isa--"
''Kilala na kita Laura.. My baby.." Pa pout pa nyang wika. "Naikwento kana sa akin nang Mommy mo okay.. Tsaka pwede naman na magkaroon na tayo nang commitment habang kinikilala pa natin ang isa't isa..." Problema to'
Narinig ko naman ang pag vibrate nang phone ko na nasa ibabaw lang nang office table ko. May dahilan tuloy ako para iwan muna saglit si Dominique.

BINABASA MO ANG
"So, It's You!" (GxG)
RomanceWarning!! Girl to girl story°°° Ang kwentong ito ay tanging kathang isip lamang po sa malikot kong imahinasyon... Magka ibang magka iba ang buhay na kinalakhan ni Laura at Monica.. Lahat nang hilingin sa magulang ay binibigay kay Laura...