Chapter 22 (SIY)

2.6K 113 88
                                        

Laura pov..

              "Mom!" Hindi ko na naisatinig ang katagang iyon, gusto ko sanang humingi sa kanya mismo nang saklolo pero mukhang--
"Let's go anak, ikaw nalang ang hinihintay para makapag hapunan na tayo." Aya na ni Mommy. Matapos syang kumalas mula sa pagkaka yakap sa akin.







             Muli akong napa baling sa maaliwalas na mukha nang magulang ni Dominique, maliban sa kanya na- ewan kong nababasa ba nito ang isip ko nang sandaling ito at seryoso syang tumitig sa aking mga mata.. Binigla kasi nila ako, kahit man lang sana sya mismo nag nabi  akin.  Naramdaman ko nalang ang paghatak ni Mommy sa isa kong braso.





             "Batiin mo naman ang ninong at ninang mo.. Ang magiging mga in-laws mo." Tila excited pang bulong ni Mommy sa akin bago kaming tuluyang naka lapit.. Dad! Saglit akong napa baling sa gawi nang Daddy ko, kaso- kasiyahan din sa kanyang mukha ang nakikita ko nang sandaling ito. Paano naman ako!







             "H-hi po.. Tita- I mean ninang--"







            "Anong ninang, Mommy na ang itatawag mo sa akin, okay!.." Putol nito kaagad sa sinasabi ko. "Mommy Precious at si Daddy mo Damian.." Baling nito sa kanyang asswa na, todo ngiti din sa akin. Kaya pinilit ko nalang ang sarili kong ngumiti sa harapan nilang lahat, lalo na nang bigla nalang akong niyakap bahagya nang Mommy ni Dominique.





                "Tara na at lumalamig na yung pagkain.." Untag ni Mommy. Kaya nagpasya na ang lahat a dumulog sa may dining area. Hahakbang na sana ako nang biglang hawakan nang mahigit ni Dominique ang kamay ko na kina baling ko naman sa kanya.







           "Magpapaliwanag ako pagka tapos nang dinner. Baby!" Bulong nito na kina buga ko naman nang hangin. Dapat lang, kasi binigla nila ako. Hindi nalang ako kumibo at napa sunod nalang kami sa may dining area.. Ang daming pagkain na naka hain sa ibabaw nang mahabang lamesa  pero pakiramdam ko hindi ko kayang lumunok nang sandaling ito.






            Pinag hila ko parin si Dominique nang upuan sa tabi ko, kahit na may pagdaramdam ako sa kanya. Pagka tapos ay ako pa talaga ang pinag lead nila nang prayer, nakaka hiya naman sa mga bisita kong tatanggi pa ako.





         

               "Napag usapan namin ni kumare na next month gaganapin ang engagement party ninyong dalawa." Excited na wika ni Mommy nang mag uumpisa palang kaming kumain. At ang masaklap sila na din ang nag sabi kong kailangan ang date na magaganap ang engagement..







            "Mom!!" Di ko napigilang turan. Habang nilalaro laro ko ang pagkain na nasa plato ko gamit ang tinidor. Nakaka stressed sa totoo lang. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari--







          "Bakit pa ba natin papatagalin eh dun din naman ang punta ninyong dalawa, hindi na kayo bumabata.." Turan pa ni Mommy. Kapwa naman kaming tahimik ni Dominique at mukhang hindi din ito makakain nang maayos. "Bakit hindi pa ba kayo sigurado sa isa't isa?" Bigla pang tanong ni Mommy na kina kabog nang dibdib ko.







              "Ahm- mahal ko po si Laura.." Walang kagatol gatol na sagot ni Dominique na lihim ko namang kina singhap. Tsaka ito napa ngiting nag baling sa akin. Alam kong nasa aming dalawa ang atensyon nang lahat kaya pinilit kong sumilay ang matamis na ngiti sa aking mga labi at marahan ko pang ginagap ang isang palad ni Dominique na naka patong sa kanyang kandungan. Mukhang naging satisfied naman sila sa nanging  tugon nito..







"So, It's You!" (GxG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon