Chapter 17 (SIY)

2.4K 109 31
                                    

Laura pov..

              "Laura..." Singhap nitong muli nang nasa balikat na nito ang labi ko. "Bi-bitawan mo na nga kasi ako-." Dinampi dampian ko sya nang halik doon, habang mahigpit ko parin syang yapos sa kanyang baywang. Nakaka adik sa ilong yung natural scent nya--





          "Nope, hanggat hindi mo sinasabi sa akin yung karugtong nong sinabi mo kanina." Pakikipag matigasan ko naman, habang naka dantay na yung baba ko sa kanang balikat nito.






          "Napaka big deal na ba sayo ang bagay na yun!" Buntong hininga nito, habang pinipilit alisin yung dalawang braso ko na nakapulupot sa maliit nyang baywang. Mukhang naubos ko na naman yung pasensya nya. Monica ang dakilang pikon, natatawa kong turan sa isip ko.
Tsaka masama ba kong gusto kong malaman-





              "Sige, sasabihin ko na pero bitawan mo muna ako."




             "Na ah, sabihin mo muna bago kita papakawalan..'' Wala akong tiwala sa sinabi nya, alam kong tatakbuhan na naman nya ako. Muli kong hinalikan ang leeg nito na kina ungol nito na nang mahina. Gosh! Parang ang sarap sa pandinig nang mumunting ungol na kumakawala sa kanyang labi..






          "Laura naman-- hmn." SHIT! Gustong gusto ko na syang ipaharap sa akin at siilin nang halik ang kanyang labi- ''Yayain mo si Dominique na lumabas, basta--" Napa hinto naman ako sa aking ginagawang paghalik sa leeg at batok niya, kaya lang binibitin na naman nya ang kanyang salita.. Humugot ito nang malalim na pag hinga..






              "Basta.. uuwi ka rin sa akin-- dito pag gabi!'' Turan nito. Dahilan para dahan dahan kung kinalas ang dalawang braso kong naka yakap sa kanya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero bigla nalang may malamig na hanging humaplos sa puso ko nang sandaling marinig ang sinabi nito.






              Marahan syang pumihit paharap sa akin. "Ano masaya ka na!" Pairap nyang sabi sabay talikod sa akin, mabibigat ang hakbang nitong tumungo sa loob nang kayang kuwarto at basta nalang sinara ang pinto. Naiwan naman akong naka tigagal habang paulit ulit na nag e-echo sa utak ko ang mga sinabi nito..






            Okay lang na makipag date ako, basta sa kanya- sakanya ako uuwi! Ganun ba yun? Gosh! Wait, teka-- gusto kong klaruhin nang husto yung narinig ko mula sa kanya. Napa baling tuloy ako sa harapan nang naka pinid na pintuan. Wala sa loob kong napa hakbang ako patungo sa may pinto, hinawakan ko ang doorknob inikot- naka lock!







               Bakit sya nang lock nang kuwarto? Nanggigigil akong itinulak tulak yung pinto-- "Monica, buksan mo ito.." Bigkas ko. "Hey, bakit ka naman nag lock dyan! Buksan mo ito.." Alangan naman na iiwan nalang nya ako basta basta dito sa labas nang kuwarto nya. Pilit ko paring tinutulak tulak yung pinto na para bang ang lakas ko naman para mabuksan ko ito.






             "Monica.. ano na naman bang ginawa--"






         "Umalis ka na nga.." Sumagot ito mula sa loob.. What? Aalis, bakit naman nya ako papaalisin. Ano na naman bang maling nagawa ko-- sa ugali nyang ganyan, ayoko din syang maging girlfriend. Nakaka stressed!! Papaalisin nya ako, tapos pipigilan din lang nya. Napa buga ako nang hangin at parang tangang naka tayo parin sa harapan nang pinto.






             Inuubos na din nya ang pasensya ko.. "Damn it Monica!!" Hindi ko na napigilang turan. ''Kapag hindi mo ito buksan--"
Nagulat tuloy ako nang biglang bumukas ang pintuan. At napa awang nalang ang labi ko nang makita kong umiiyak ito.. Para yun lang iiyakan na nya? 






"So, It's You!" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon