Laura pov..
Awtomatiko ang pag ngiti sa aking mga labi, dahil pagmulat nang mga mata ko ay napaka gandang mukha ni Monica ang masisilayan ko. Nakayapos sa akin nang mahigpit, as in naka siksik ang kanyang katawan, habang payapang natutulog at rinig ko pa ang mabini nitong pag hilik. Hindi ko kasi namalayan kong papaano sya napunta sa tabi ko, pero hindi na yun importante pa.
Gusto kong kumilos para tignan sana kung anong oras na ba! Kaya lang baka maistorbo ko ang mahimbing nitong pag tulog.Tuluyan na kasing nagising ang diwa ko. At mukhang hindi na rin naman ako maka balik sa pag tulog.
Ang ginawa ko nalang ay pinag sawa ang aking mga matang titigan ang napaka inosente at maamo nyang mukha na habang lumilipas ang mga araw lalo lang syang gumaganda sa aking paningin.
Hindi ko tuloy napigilang gawaran sya nang masuyo at mariing halik sa kanyang noo.. Na kina ungol nito nang mahina at marahang kina kilos nang kanyang katawan. Napa ngiwi tuloy ako dahil naistorbo ko ang mahimbing nyang pag tulog.
"Laura..." Anas nito.. na kina lunok ko dahil tumama ang mainit at mabango nitong hininga sa aking mukha na kina init nang aking pakiramdam. Gosh! I miss her and I want her so bad.. Baka hindi ako makapag timpi. "Ahm- nakatulog pala a-ako.." Tila nahihiya nyang sabi. At nag iwas nang tingin.
Pasimple sana syang aalis sa tabi ko, pero maagap at pasimple ko din syang pinigilan. Iniyakap ko nang mahigpit ang isa kong braso sa katawan nito. Rinig ko ang pag protesta nito sa pamamagitan nang pag ungol nang mahina. Pero kunway hindi ko yun napansin at lihim kong kina ngiti.
At simpleng pag ungol nito, kaagad akong naapektuhan, mabilis na nag react ang aking katawan... Please Monica.. baka tuluyan akong mawalan nang control.
Mula kasi nang magising ako matapos kong mag collapse sa may rooftop, hindi na sya umalis sa tabi ko. Hindi maitatangging nagdiriwang ang puso ko nang sandaling ito. Na, kasama ko sya ngayon dito sa kuwarto, kung saan ako naka check in. At nasa kabila lang nito ang inookopa nila ni Steven--
Gusto ko man syang tanungin about kay Steven- kaya lang andun kaagad yung takot sa dibdib ko. Na baka hindi ko magugustuhan yung isasagot nya, baka masasaktan lang ako.. Ang mahalaga lang sa akin ngayon- nandirito sya kasama ko nasosolo ko, yakap sya nang mga bisig ko.. Hmmnn Monica.. sana manatili nalang tayong ganito habang buhay. Dalangin ko sa maykapal.
Sana totoong akin ka na at hinding hindi na kita papakawalan pa-- "Laura..." Rinig ko na naman ang malamyos nitong tinig. Lalo tuloy akong nag sumiksik sa kanya habang naka pikit ang aking mga mata. "Kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong nito. At may pag aalala nyang himig. Na lalong kina diwang nang aking puso.
Bigla tuloy nagkaroon nang napaka gandang idea ang utak ko. Na lihim ko na namang kina ngiti "Monica- nahihilo ako.." Inartehan ko pa ang boses ko.
"Ha- may- may masakit pa ba sayo?" Halata ang pagka taranta sa himig nito pagka tapos, na lihim ko na namang kina ngiti. Pero nagpupumilit parin sya na gusto talaga nyang umalis sa tabi ko. Syempre hindi ako papayag. "Laura.. sabihin mo naman para hindi ako nag aalala.."
BINABASA MO ANG
"So, It's You!" (GxG)
Lãng mạnWarning!! Girl to girl story°°° Ang kwentong ito ay tanging kathang isip lamang po sa malikot kong imahinasyon... Magka ibang magka iba ang buhay na kinalakhan ni Laura at Monica.. Lahat nang hilingin sa magulang ay binibigay kay Laura...