(NICOLE'S POV)
Ngayon ang first day ko sa Royal Academy. At magsisimula na ang highschool life ko. Medyo kinakabahan ako dahil hindi basta-basta mga simpleng tao lang ang makakasama at makakasalamuha ko sa school na yun. Puro kilala at may matataas na katungkulan ang mga magulang nila dito sa bansa, at isa pa, may mga prinsesa't prinsipe pa.
Kinuha ko ang bag ko sa may kama at nagmamadaling lumabas ng kwarto.
"Ma! Alis na po ako." Kinuha ko sa lamesa ang baon ko.
Tinignan ko si Mama, nag-aayos ng sarili nya sa tapat ng salamin.
As usual, si Papa ang naghanda ng baon ko. Masarap magluto si Papa kaya sya ang napiling maging tagaluto sa palasyo.
"Ma, may bumili na naman po bang isang unit sa inyo?"
Si Mama naman, isa syang real state agent. Kaya kapag nakabenta sya, nabibili nya lahat ng luho nya. Masyado nyang mahal ang mga shoes, dresses at make-ups. Tinalo pa ko.
"Oo anak, kaya mabibilhan kita ng cellphone pagbalik ko mamaya." Tinignan nya ko mula sa salamin.
"Talaga po?" Natuwa ako dun. Ako na lang kasi ang walang cellphone nung elementary pa ko e.
"Osya, pumasok ka na at baka mahuli ka pa. First day pa naman ngayon." Niyakap ko at hinalikan si Mama mula sa likod.
"Sige po mama! Ingat po kayo ah! Yung cellphone ko po."
"Oo sige, ingat din."
Haaaaaay. Naglalakad na ko papuntang school. Walking distance lang ang Royal Academy mula sa bahay kaya medyo marami rin ako nakakasabay na naglalakad. Kahit na mayayaman sila, naglalakad parin dahil malapit lang talaga.
Mula sa likod may papalapit na boses ang naririnig ko.
"Excuse me! Excuse me! Excuse me!"
"Ay! Ano ba yan. Masyado kasing nagmamadali e."
"Sino ba yun?"
"Excuse me! Excuse me po! Excuse me!."
Hanggang sa konti na lang at malapit na sakin ang boses na yun sa direksyon ko.
*BOOGSH!*
Napaupo ako dahil nabunggo ako nung taong nagmamadali. Buti nalang at di ako nasubsob.
"Sorry miss. Hindi ko sinasadya. Pasensya na talaga ah. Nagmamadali kasi ako e." At tuluyan na syang tumakbo palayo. Hindi ko nakita kung sino yun. At ni hindi man lang ako tinulungan.
Tumayo na ko at ipinagpag ang ang uniform ko. Ano ba yan. Di pa ko nakakarating ng school nadumihan na ko kaagad.
Tinignan ko sa malayo ang lalaking nakabunggo sakin. Matangkad sya at sa sa Royal Academy din sya nag-aaral dahil sa uniform nya. Mukhang hindi sya Freshmen katulad ko. Maglalakad n asana ako ng may natapakan ako.
Mm?
"Ballpen?"
Pinulot ko to. Siguro dun yun sa lalaking nakabunggo sakin. Nahulog nya sa kakamadali nya.
Napatingin ako sa Relo ko.
O___________O
"Susme, Malelate na ko." Kumaripas na ko ng takbo.
![](https://img.wattpad.com/cover/2294060-288-k448223.jpg)
BINABASA MO ANG
My Little Miss Princess
Teen FictionSi Nicole ay isang 14y/o na commoner highschooler sa isang pinakasikat at pinakaluxurious na school sa kanila. Ang Royal Academy, kung saan ang mga anak ng mga pinakamataas at iginagalang na tao sa lipunan ay doon nag-aaral. Isang chef/tagapagluto s...