CHAPTER 45

6.3K 105 9
                                    

(RANDY'S POV)


Dumating si Prince Anthony sa townhouse at nakapasan sa likod nya si Princess Nicole na mukhang pagod at tulog. Sinalubong ko sila.

"Prince Anthony. San nyo po nakita si Nicole?" Inalalayan ko sya para maibaba sa sofa ang natutulog na prinsesa.

"Nasaan si Kyle?" Medyo may tono ng galit ang boses ni Prince Anthony.

"Po? Ah eh nasa kwarto na nya po e. Baka po natutulog na."

"Ano? Tulog na sya? Nakatulog na sya ng hindi man lang nag-aalala kay Nicole kung ano nangyari?"

"Ah e. Kamahalan. Ako naman po ako inutusan nya para maghintay dito e."

"Aba talagang T*R*NT*DO! SYA! Mahimbing na syang natutulog samantalang si Nicole hindi nya alam na giniginaw na nakita ko sa isang abandonadong park? Di man lang sya nag-alala?"

"Anong sabi mo? San mo nakita si Nicole?"

Patay na. Napatingin kami pareho kay Prince Kyle sa may hagdanan at nakacrossed arms. Bumababa sya at lumapit kay Prince Anthony.

"Ha! Buti naman at nagising ka. Bakit gusto mong malaman? Kung may pakelam ka man lang sa kaniya kahit konti, sana nagawa mo syang hanapin diba?"

Sa tono at pagtitinginan ng dalawang to, mukhang nakakamoy na ko ng away inakyat ko na si Princess Nicole sa Kwarto nya.

"Akyat ko lang po si Princess Nicole."

Hinarangan ako ng kamay ni Prince Anthony.

"Kamahalan."

"Wag mo na syang iakyat Randy. Isasama ko na lang sya." Sabi ni Prince Anthony.

"Ano?! Hindi ka na ba nakuntentong sinira mo ang birthday ko? At isasama mo pa talaga si Nicole. Ang kapal din naman ng mukha mo e." Tumingin sakin si Prince Kyle. "Sige na Randy! Inuutusan kitang iakyat mo na si Nicole!"

"Randy!" Pagpipigil naman sakin ni Prince Anthony.

"Randy! Ako ang prinsipe mo hindi ba? Sakin ka makikinig!"

Ano ba? Naguguluhan na ko ah. Napaparami namasyado ang POV ko. XD

Imbes na ituloy ko si Princess Nicole, inalabas ko na lang sya at isinakay sa kotse.

"Randy! Sinabi kong iakyat mo si Nicole! Saan mo sya dadalhin!"

"Kita mo na? Pati sarili mong tagapagbantay nakikita kung pano mo pinahihirapan si Nicole. Tama lang ang ginawa ni Randy. Hindi ka kasi marunong magpahalaga sa isang tao. Alam mo? Sayang. Sayang dahil hindi mo alam ang mga sinasabi ni Nicole tungkol sayo kapag kasama ko sya. Pero okay lang. Dahil hindi mo naman deserve na marinig yun." Ibinigay ko ang susi ng kotse kay Prince Anthony. At umalis na sya.

Pero hinabol sya ni Prince Kyle. Kaya lang humarang na ako sa dadaanan nya.

"Paumanhin mo kamahalan. Mas okay po muna sigurong isama ni Prince Anthony si Princess Nicole para sa ikabubuti."

"Ikabubuti? Alam mo bang sinasabi mo Randy? Ako ang asawa ni Nicole. Bakit mo hinayaang isama sya ni Anthony? Bakit mo to ginagawa? Dapat sakin ka kumakampi diba? Umalis ka dyan." Itinutulak nya ko sa dadaanan nya pero hindi ko sya talaga pinapaalis.

"Kamahalan tama na po. Sumosobra na po kayo. Hindi nyo po alam kung anung pinagdadaanan ni Prinsesa Nicole kapag nag-aaway kayo. Ako po nakakakita nun. Kaya mas mabuti pong kay Prince Anthony muna si Princess Nicole."


(KYLE'S POV)


Bakit ba sakin nangyayari to? Ang ikinakatakot ko lang naman na mawala sakin si Nicole e. Yun lang kaya ayoko syang nakikitang kasama si Anthony. Pero nangyayari na.

"Kamahalan, bakit po ba kayo ganyan kay Princess Nicole? Minsan sweet naman kayo sa kanya. Pero madalas, sinusungitan at inaaway nyo sya."

Nandito kami ngayon ni Randy sa terrace. Medyo nahimasmasan na ko sa pangyayari. Pero hindi ko lang maintindihan kung bakit ganun na lang ako kagalit kay Anthony kapag nakikita ko silang magkasama ni Nicole.

"Hindi ko din alam Randy. Basta. Kapag nilalambing nya ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko at bigla na lang akong nagagalit. Kapag nakikita ko sila ni Anthony na magkasama at masaya. Hindi ko talaga mapigilan na sungitan sya kahit na sinasabihan nya kong mahal nya ko. Hindi ko alam kung bakit ganun ang nagiging reaksyon ko."


"Ano pong sabi nyo?"


"Ang sabi ko, nagagalit ako kapag nakikita ko sila ni Anthony na magkasama. Naiinis ako."


Biglang natawa si Randy.

"Hahaha! Hindi nyo po alam kung bakit?"

"Anong nakakatawa dun?"

Tuloy parin sya sa pagtawa.

"Kamahalan. Isa lang po ang ibig sabihin nyan."


"Ano?"


"Nagseselos po kayo. Kaya nagagalit, o kaya naman naiinis kayo kapag kasama ni Princess Nicole si Prince Anthony. Nagseselos kayo dahil mahal niyo siya. Ayaw niyong makita syang masaya sa iba. Ganun ang selos. Diba ganun ang nararamdaman niyo?"

Ano? Nagseselos? Tsss.

"Ako nagseselos?" Tsss. "Imposible yun Randy. Hindi na ako yun. Oo ganun nga nararamdaman ko. Pero hindi ako nagseselos." Malayo yun. Hindi ko pa naramdamang magselos kahit kelan. Kahit kay Dana hindi ko naman naramdaman yun e. Kay Nicole lang. Pero imposibleng magselos ako. Mas gwapo naman ako kay Anthony. "Hay ewan ko sayo Randy. Matutulog na ko. Bukas na tayo uuwi ng pilipinas. Tawagan mo si Anthony at sabihin yun. Kung okay na si Nicole, ihatid na nya sa palasyo."

"Prince Kyle. Normal lang na magselos. Abnormal ka na paghindi mo pa nararamdaman yun." Pagtutuloy nya.

Hindi ko na lang sya pinansin at tumuloy na sa kwarto ko.


My Little Miss PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon