CHAPTER 3

9.7K 201 8
                                    

(KYLE'S POV)

Dumating na naman ang school year. Di bale, last year ko na to sa Royal Academy. As usual, alam ko na ang eksenang maabutan ko sa school. May mga babae na namang nag-aabang pagdating ko sa gate.

Nakarating na kami sa school. At hindi nga ko nagkamali. May mga tao na nag-aabang pagdating ko mula palang sa gate.

Pakiramdam ko, rinig ko na kung anoman ang isinisigaw ng mga to. Sa apat na taon ba naman ng pagstay ko dito, sanay-sanay na ko sa mga tili, sigaw at regalong natatanggap ko.

Mula sa loob ng tinted na salamin ng kotse, natanaw ko na kaagad si Dana. Nakatingin sya dito sa kotse.

Si Dana ang childhood friend ko. Simula pre-school, kasama ko na sya at classmate. Matagal ko na syang gusto. Pero, binabalewala ko muna ang nararamdaman ko para sa kanya para sa friendship namin. Kung darating man ang araw na kailangan ko ng magkaroon ng magiging prinsesa, sya ang pipiliin ko.

Bumama na ko sa kotse.

"Prince Kyle! I wanna marry you!"

"We love you Prince Kyle!"

"We missed you Prince Kyle!"

Iba't ibang sigaw ang naririnig ko. Mabuti na lang at may mga bodyguards ako, kundi niyakap at pinagkaguluhan na ko ng mga to.

Dumiretso na lang ako sa room. Eto ang masarap sa pagiging prinsipe, hindi ko na kailangan pumila at sumama sa mga assembly-ng yan.

Sinalubong ako ni Anthony.

"Bro! Napakapopular mo talaga kahit kelan." Inakbayan nya ko.

Si Anthony, kuya ko.

Napakapasaway ng isang to. Hindi alam ng mga nag-aaral dito na magkapatid kami ni Anthony. Alam ng lahat may kapatid akong kasamang nag-aaral dito. Pero hindi nila alam na si Anthony yun.

Umupo ako sa upuan ko. Hinihintay na lang ang pagtapos ng assembly kung nasan ang mga classmate ko.

Si Anthony, classmate ko rin pala sya. Dapat graduate na yan e. Dahil sa pasaway, umulit tuloy at classmate ko pa sya.

"Ang suplado mo naman bro! Porke't madaming chikas na tumitili at nagkakandarapa sayo ah."

Tumingin ako sa kaniya ng seryoso.

"Hindi ka umuwi sa palasyo kagabi. San ka naman natulog?"

Umupo sya sa may lamesa ng prof namin at napangisi.

"You don't care!"

"Of course I care! Nakalimutan mo bang kapatid kita?"

Naging seryoso ang tingin nya sakin.

Ay bigla syang tumawa.

"Haha! Are you kidding? Kyle. I mean PRINCE KYLE. Oo, tayong dalawa lang naman nakakaalam na magkapatid tayo e."

Napakunot ang noo ko. "I'm not kidding. What are you talking about?"

"Bakit? Totoo naman diba? Yung nanay at tatay mo? Kinikilala ba nila akong anak nila? Dito nga sa school, ni hindi nila alam lahat na ako ang kapatid mo e."

How dare you to talk to them like that? Hindi nya kasi alam ang dahilan kung bakit ganun sa kanya ang mga magulang namin e.

Lalapitan ko na sana sya.

"Hi Guys!"

Biglang dumating na ang mga classmate namin, including Dana. Nilapitan nya kami at niyakap ni Anthony.

Si Dana nga lang pala nakakaalam na magkapatid kami.

"Namiss ko kayo!" Tinatanggal ni Anthony ang kamay ko sa likod ni Dana.

Oo nga pala, may gusto si Anthony kay Dana. Halata naman kahit di nya sinasabi.

My Little Miss PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon