CHAPTER 21

7.2K 121 5
                                    

(NICOLE'S POV)

Hawak-hawak ko ang ilong ko habang nagsasagot ng seatwork namin sa algebra. Pakiramdam ko kasi may tutulo na lang na dugo sa ilong ko sa sobrang hirap ng problem na to. Kainis naman kasi tong X na to kung san-san nagpupupunta.

"Nicole, pakopya naman oh. Sige na..."

Si Laurie na naman. Mapapahamak na naman ako dito sa babaeng to e. Naturingang galing sa kilalang elementary school, ang hilig kumopya. Napaghahalataan tuloy na mas magagaling kaming mga tagapublic kesa sa private.

"Oh eto, scratch magsolve ka. Nagnonosebleed na ko dito tapos kokopya ka lang." Inabutan ko sya ng scratch paper.

"Ang Damot. Akala mo ba ikaw lang nagnonosebleed."

Napalingon ako sa kaniya.

O_________O

Siomai! May tissueng nakasalpak sa magkabilang butas ng ilong nya.

"Sssshhh.. Baka marinig kayo ni Sir. Akalain nyang nagkokopyahan kayo dyan." Saway sa min ni Pamela.

Napalingon naman ako kay Pamela. Wow! Cool na cool lang ang isang to. Kung tutuusin, si Pamela ang pinakaserious type saming tatlo. At may pinakapositive outlook sa buhay. Di sya ganun katalino pero porsigido. Oha! Ryhme na rhyme.

Bumalik na ko sa pagsasagot ko.

"Nicole?"

Bigla kong inangatang ulo ko. Tinawag ako ni Mr. Peterson ang algebra prof namin.

"Yes, Sir!" Napatayo ako.

Okay? Ano naman ang kasalanan ko? >_____<

"Pakidisposed naman tong basura oh. Puno na kasi hindi pa dumadating yung janitor."

>_______<

So ganun? Mukha ba kong janitress? Kainis na baklang to. Ako pa natipuhang pagtapunin ng basura. Lumapit na ko sa pintuan at dinampot ang maliit na trash can.

Nakakahiya, dadaanan ko pa ang ilang classroom bago makalabas ng building. Makikita ako ng ibang section na tagatapon ako ng basura. >_____< Bwiset naman kasi tong si Mr. Peterson na isang Peppermint e. Porket alam nyang nag-iisa lang akong commoner dito.

Nakayuko ako hanggang sa makalabas ng building. Ang layo pa ng pagtatapunan ko.

"Prince Kyle, pagsabihan mo naman si Mr. Peterson, inaapi ako." Mukha na naman akong tangang kinakausap ang picture ni Prince Kyle sa cellphone ko habang naglalakad.

Dirediretso lang ako. Wala naman akong nakakasalubong na estudyante dahil oras ng klase lahat. Kaya ayos lang na kausapin ko mag-isa ang si Prince Kyle sa cellphone ko.

"Naku, pag ako naging prinsesa, sya ang pagtatapunin ko ng basura. Nakakainis naman kasi, Hindi na lang hinintay dumating yu—"

*TUUUUUUUUGSH!*

Napaupo ako sa sobrang lakas ng pagkakabangga ko. Nabitawan ko pa yung basurahan kaya nagkalat tuloy sa semento.

"Aray..." Habang hawak-hawak ko yung likod ko.

"How can you do this?! Ee, ang baho! Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo!"

Ako naman, pinupulot ko yung mga kalat na natapon. Hindi ko sya tinitignan.

"Sorry, sorry po talaga. Hindi ko po sinasady—"

O_________O

"Ikaw?! Sinasadya mo ba talaga to?!" Pinapagpag nya yung uniform niya.

Napabitaw ako sa hawak kong kalat at naglaglagan ulit ang mga yun sa semento.

"Naku, Prince Kyle. Kayo Po Pala. Pasensya na po talaga. Hindi ko po sinasadya." Habang pinapagpag ko na rin ang uniform niya gamit ng kamay ko.

Itaboy nya yung mga kamay ko sa damit nya.

"Ano ba! Pinulot mo yung mga mabahong kalat na yan, pagkatapos pupunasan mo ko! Disgusting.." Pinunas punasan nya ulit yung uniform niya.

"Sorry tala—" Hahawakan ko sana sya.

"Don't you dare to touch me again." Pinigilan na nya ko.

"O-okay, pero sorry talaga."

Tumigil sya sa pagpupunas nya at tumingin sakin.

"Sabihin mo nga, pinagplanuhan mo to no?"

"H-ha? E, hindi po. Patawarin nyo po ako Prince Kyle."

Napakunot ang noo nya. Ano ba yan. Bakit ba sa tuwing makikita ako nito ganitong eksena palagi? T_____T

"You're Nicole Solomon right?"

"Ha? O-oo ako nga po yun. Paano mo nalaman pangalan ko?"

Imbes na sagutin nya ko. Naglakad na sya palayo. Hindi naman sya suplado no.

Haaaaay, pero ang cute nya parin. :"> Naiwan akong nakangiti sa gitna ng campus. Teka? Uuwi na sya? Hindi pa naman nila uwian ah.

(KYLE'S POV)

Ba't ganun? Parang wala syang alam sa mga nangyayari? Parang hindi nya alam na ikakasal na sya sa linggo. Mukha naman wala talaga syang alam e. Isip bata pa. Kainis! Hindi ko matanggap na sa isang tulad nun ako ikakasal. Ano bang dapat kong Gawin?

Napasipa ako sa isang bato sa sobrang inis habang naglalakad.

"Errr! Kainis talagaaaaaaaa!!!!!!"

*

*

*

*

*


(SA BAHAY NILA NICOLE)

(PAPA'S POV)

"Magandang hapon po Prince Kyle at King Martin."

Tahimik ang lahat sa loob ng bahay. Walang nagsasalita ni Isa man samin ni Grace. Nandito ngayon samin sina Prince Kyle at King Martin. Ngayon kasi ang araw ng pamamanhikan. Hindi pa naman to nasasabi kay Nicole. Kaya pag-umuwi yun alam kong magugulat sya. Ilang minuto na lang at darating na sya.

Si Prince Kyle, inililibot ang mga mata nya sa buong bahay. Gwapong gwapo talaga tong si Prince Kyle, nagmana sa tatay nya nung kabataan.

Tumingin sya sakin.

"Anong oras po ba darating ang anak nyo?"

"Ah Prince Kyle, wag po kayong mag-alala, darating na po yun." Asan ka na bang bata ka? Dapat nandito ka na sa bahay sa ganitong oras ah.

"Tinext mo na ba si Nicole?" Bulong  ko kay Grace asawa ko.

"Oo, padating na yun."

My Little Miss PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon