CHAPTER 25

7.7K 118 6
                                    

(NICOLE'S POV)

"Eto! Eto na lang mas maganda pa yung view."

"Yes madam. And not just the view, pati yung food and everything. Saka hindi kayo magsisisi dyan. Once lang mangyayari ang kasal kaya engrande na dapat!"

"Talaga panalo ba?"

"Yes Madam! Sure."

"Oh?" Kinalabit ako ni Mama. "Tignan mo anak! Ang ganda-ganda oh! Tignan mo ang la-"

"Anak?"

Hindi ko sila pinapansin. Kanina pa sila ganyan. Naririnig ko, "Maganda ba dyan?" "Masarap ba pagkain dyan?" "Maganda ba ang view?" Hay ewan, rinding rindi na ko. Si Mama lang ang kausap nun mga organizers. Yung designer kasi kanina pa umalis. E ano naman kasing alam ko dyan? Wala akong kaalam-alam sa nangyayari, naglalaro kasi ako ng Angry Birds sa cellphone ko kanina pa.

Kinuha bigla ni Mama yung cellphone ko. At nakita nyang may pinagkakaabalahan akong iba at kanina pang hindi nakikinig sa kanila.

"Angry Birds? Ano ka ba naman Nicole?" Narinig nung dalawang organizer yung sinabi ni Mama.

"Ay Madam. Wala po kaming nirerecommend na Angry Birds theme ah."

"Ah hehe. Hindi hindi. Ah excuse me lang ah." Bigla akong hinawakan ni Mama sa braso at hinila papuntang pintuan para hindi ata marinig nung dalawa kung anong sasabihin nya sakin.

"Mama, ang higpit naman ng pagkakahawak mo sakin." Binitawan na nya ko.

"Ano ba naman yung ginagawa mo? Hindi ka man lang mahiya sa mga pinaggagawa mo? Akala ko pa naman nakikinig ka, Yun na man pala naglalaro ka lang." Halatang inis si Mama sakin kahit medyo pabulong nya kong sinesermunan. Para hindi marinig nung dalawang organizer.

Napakamot na lang ako sa noo.

"Mama naman kasi, ano pong alam ko dyan? Hello? 14 palang po ako. Ni flower girl o abay sa kasal di ko pa nararanasan e." Tapos biglang ako na kagad yung bride.

"Basta! UmOo ka lang kapag tatanungin ka nila. Magagaling naman yung mga yan e. Kaya nga sila pinadala ng palasyo."

Umirap na lang ako. Wala, talo na ko.

Biglang bumukas yung gate.

O______O

Tama ba tong nakikita ko? Ang aking Prince Charming? :">

Kasama niyang dumating si Mr. Randy yung tagapagbantay nya.

"Ay! Prince Kyle, pasok po kayo." Agad-agad sinundo ni Mama si Prince Kyle mula sa gate.

Nginitian nya si Mama. Tapos, napatingin sya sakin. Napakaseryoso nyang tumingin talaga. Grabeeeeeeee. Kumakabog-kabog ang dibdib ko. Palagi ko naman sya nakikitang ganyan tumingin sakin. Pero ngayon, iba na nararamdaman ko. May malisya na. Dati kasi hindi ko pa naman alam na ikakasal pala ko sa Prinsipeng katulad nito. Tapos, malalaman ko na lang na ang prince na ito, magiging asawa ko? Harujusko. Kung pwede lang himatayin ulit, pwedeng-pwede.

Hindi ko napansin na nasa harapan ko na pala sya. Nakatitig parin sya sakin. Pakiramdam ko, hindi na ko kumukurap sa sobrang titig na titig ko sa kaniya. Ang tangkad nya. Hanggang balikat nya lang ata ako e. Nakatingala na ko sa pagtitig sa kanya.

Naramdaman kong may humawak sa kamay ko. >___<

Ay jusmiyo. Nag-aabnormal na yung tibok ng puso ko. Ang lamig. Ang lamig ng kamay niya na malabot pa. Teka? Ako pala yung malamig yung kamay. Ang lambot lambot ng kamay nya. Dinaig pa yung kamay ko. Halatang walang trabaho na ginagawa. >___<

My Little Miss PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon