CHAPTER 11

8.4K 175 11
                                    

(NICOLE'S POV)

Ano bang nangyayari sa loob? Natatakot na ko baka kung ano ng nangyari kina Mama't papa. Napatingin ako bigla sa singsing. Mukhang eto ata yung hinahanap nila e.

Maya-maya'y naglabasan na yung mga Men in black.

Huh? Ayos lang sina Mama at Papa. Nakangiti pa. kumakaway pa sa paglabas nung pinakangangunguna sa kanila. Binuksan na nung isang lalaki yung pinto ng kotse.

"Ipagpaumanhin po ninyo, maari na po kayong bumaba." Nakapagtataka, kanina lang ang wa-wild nila. Tapos parang prinsesa na kong trinatrato.

Nasa harapan ko na yung lalaking nag-utos na ilabas ako. Yumuko sya sa harap ko.

~__________-

Anong nangyari?

Nakita ko sina Mama at papa ata patakbo akong lumapit at niyakap sila.

Tinignan lang naming makaalis yung mga men in black na yun. Hanggang sa nakalayo na sila.

"Mama? Papa? Ayos lang po ba kayo?" Tanong ko sa kanila.

"Ayos lang kami anak." Habang yakap ako ni Mama.

"Pumasok na tayo." Naunang pumasok si Papa. Ewan ko, parang di sya okay.  Pero si Mama, parang wala lang.


(SA PALASYO)

(RANDY'S POV)

Pagkarating na pagkarating namin, dumiretso ako sa silid ng hari.

"Kamahalan, naririto po ang tagapagbantay ng prinsipe na si Randy."

Bumukas ang pinto. Nakita ko ang hari, nasa tapat ito ng bintana. Bigla syang humarap sakin. Yumuko ako at nagbigay galang.

"Kamahalan, nahanap ko na po ang taong sinasabi niyo." Sabi ko.

"Nahanap mo rin ba ang singsing? Nasa kanya pa ba ito?" tanong ng Mahal ng Hari.

"Opo kamahalan. Nasa kanya pa po ito at naitago nya po. At ipinasuot sa kaniyang anak na babae."

"Anak? May anak sya?" Tanong ng Mahal ng Hari.

Oo nga pala hindi alam ng hari na may asawa at anak na ang dating kaibigan.

Tumango ako.

"Nag-aaral din po ito sa Royal Academy." Napansin ko yun kanina dahil nakasuot ng uniform ang batang babaeng yun.

"Kung ganun, hindi na pala tayo mahihirapan pa sa paghahanap ng makakaisang dibdib ng Prinsipe." Ngiti niyang pagkakasabi.

Kahit alam ko na yun. Bigla kong naitanong to sa hari. "Pero po kamahalan, bata pa po ang prinsipe. At maayos pa naman ang kalusugan niyo. Hindi po ba masyadong maaga na maikasal ang prinsipe? Saka mas matanda kay Prince kyle si Prince Anthony na sya po dapat ang mau—"

"Nakikita mo bang hindi magandang ehemplo si Anthony? Paano ko syang hihirangin na susunod na hari kung kaming mga magulang nya'y pinagrerebeldehan nya?!" Sagot nito.

Napayuko ako bigla.

Oo medyo pasaway nga si Prince Anthony. Sya ang panganay na anak nila King Martin at Queen Deanna.

Rebelde kasi ang panganay nilang anak.

"At tungkol naman kay Kyle, mas magandang maaga siyang maikasal. Para maging handa sya sa darating na panahon.  At maranasan na nya ang maging responsible bilang asawa. Sa asawa pa lang niya, maipapakita na nya kung paano sya magiging hari sa darating na panahon." Paliwanag ng Mahal ng Hari.

"Tama po kayo kamahalan. Nais ko lang po malaman niyo na ang anak na babae nina Robert ay bata pa. Sa pagkakatantsa ko po, mga labing apat na taong gulang pa lamang po ito. Saka sa inasal ng mga magulang ng bata kanina, mukhang ayaw pa po nila ito ipakasal dahil po nag-aaral at bata pa po ito." Sagot ko habang nakayuko.

Napatingin sakin ang hari at napakunot ang noo.

Napayuko ulit ako.

"Walang makakalabag sa utos. Ang utos ay utos. Yung ang nakalagay sa aklat. Na kung kanino man mapunta o maibigay ang singsing, wala syang magagawang ibang dahilan kundi ang pumayag." Napaharap ito sa bintana. "Sa totoo lang, hindi naman ibinabatay sa edad ang mga ganitong tradisyon. Kung sa ibang Pamilya nga e, mga sanggol palang ang anak ay may nakatakda ng asawa para rito." Dagdag ng Mahal ng Hari.

Bigla kong naiangat ang ulo ko. Nakita ko ang hari nakangiti,

"K-kamahalan?"

Napatayo sya at lumapit sa akin.

"Ako na mismo ang pupunta sa kanila. Gusto ko makilala ang batang babae iyon sa lalong madaling panahon."

May pahabol pa sya.

"Hangga't maari, ako at ikaw lamang sa silid na ito lamang ang usapan na to. Wag na wag mong maibabanggit sa prinsipe ang pinag-usapan natin. Malinaw?"

Tumango ako.

"Masusunod po kamahalan."

(NICOLE'S POV)

Natapos na kaming kumain ng hapunan.

"Gawin mo muna ang mga assignments mo bago mo asikasuhin ang cellphone mo ah." Sabi sakin ni Mama.

Oo nga pala. Nabuksan ko na ang cellphone ko.

Isang Samsung X44 (ECHOS WALA NAMAN NYAN. XD)

"Opo Ma."

Papasok na ko sa kwarto ko ng makita ko si Papa.

Mm? Pansin ko, kanina pa si Papa tahimik. "Papa, may problema po ba?"

"Ah wala, wala. Hehe, wag mo na kong initindihin. Gawin mo na yung mga assignments mo."

Okay, hindi ko na sya kinulit pa.

Pumasok na ko sa kwarto ko at hinarap ang mga librong sobrang kakapal.

My Little Miss PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon