(KINABUKASAN....)
(NICOLE'S POV)
TOK! TOK! TOK!
"Princess Nicole, gumising na po kayo. Nakahanda na po ang almusal."
Naririnig ko ang boses ni Manong Randy. Akala ko panaginip lang yun pala tinatawag na talaga nya ko.
"Princess Nicole."
"Opo, gising napo ako Manong Randy." Bumaba na ko sa kama at dumiretso sac r para makapaghilamos. Pagkatapos nun, lumabas na ko at pumunta sa dining area.
"Kamusta po ang tulog Mahal na Prinsesa?" Naupo na ko.
"Okay naman po ako." Napansin kong wala si Prince Kyle. "Si Prince Kyle po?" Sumisilip ako sa pinto ng kwarto nya. Baka galit parin sya sakin kaya ayaw nyang sumabay.
"Ah. Maaga po syang umalis. May bibilhin lang daw. Mauna na daw po kayong mag-almusal."
Ganun? Saan naman sya pumunta? Binilisan ko ang pagkain ko. Pagkatapos nun, naligo na ako at nagbihis para hanapin sya. Birthday nga pala nya ngayon.
(KYLE'S POV)
Maaga akong umalis sa townhouse. May bibilhin kasi ako para sa dinner namin mamaya ni Nicole. Hindi ko na inutos kay Randy. Baka malaman pa nya ang gagawin ko. Medyo nagiguilty ako sa ginawa ko kay Nicole kagabi kaya babawi ako. Ngayong birthday ko.
Naglalakad-lakad ako sa may tianggihan ng may babaeng akong nakabangga.
TUGSH!
Natumba yung babaeng nakabangga ko. Inilahad ko ang kamay ko para tulungan sya.
"I'm sorry miss. I nev— Dana." Medyo nagulat ako ng makita kong si Dana ang babaeng nakabanggaan ko. "Okay ka lang? Sorry. Hindi kita napansin."
"Hi Kyle. Okay lang hindi naman ako masyado nasaktan."
Tumungo ako. "Mm." Tinignan ko kung may kasama sya. "Si Anthony?"
"Uhm, iniwan ko sya sa Hotel. Tulog pa kasi sya nung umalis ako. Ah by the way, Happy Birthday." Nginitian niya ko.
Ngumiti din ako kahit konti. "Thankyou. Hindi mo nakakalimutan."
"Pano ko naman makakalimutan yun? E yun ang special day mo na sinicelebrate natin taon-taon. Except today." Medyo na patingin sya sa may likuran ko. "Where's Nicole? Kasama mo ba sya?"
"Ah, wala. Tulog parin sya nung umalis ako. Saka, sinadya ko na rin na umalis mag-isa. May surprise dinner kasi ako para sa kaniya."
Napatungo sya.
"Ah, well. Okay. Mukhang mamimili ka pa. Ako, tapos na. Uhm, gusto mo bang samahan kita?"
Matagal na kaming magBestfriends ni Dana kaya hindi na ko nakatanggi sa kanya. Kahit na nagkaroon kami ng misunderstanding at iniwasan namin ang isa't isa. "Sure."
(NICOLE'S POV)
Kanina pa ako palakad-lakad ditto sa may tianggihan. Hinahanap ko kasi si Prince Kyle. Sabi kasi ni Manong Randy, may binili lang daw.Sigurado akong ditto lang yun namili ng kung ano. Nahihilo na ko paikot-ikot ditto. Hindi pa naman pamilyar ang lugar na to sakin. Bahala na. Makikita ko naman yun ditto e.
BINABASA MO ANG
My Little Miss Princess
Ficção AdolescenteSi Nicole ay isang 14y/o na commoner highschooler sa isang pinakasikat at pinakaluxurious na school sa kanila. Ang Royal Academy, kung saan ang mga anak ng mga pinakamataas at iginagalang na tao sa lipunan ay doon nag-aaral. Isang chef/tagapagluto s...