(NICOLE'S POV)
"Ikaw ah! Di mo sinasabi samin kung bakit ka nagpaiwan dun." Pang-aasar ni Laurie.
"Iniwanan nyo kaya ako dun. Hindi ako nagpaiwan no." Pag-irap ko naman sa kanila.
"E sino yung Anthony na yun?" Tanong naman ni Pamela.
Haaaaaaay. Para naman akong prime suspect sa dalawang to. Nasa kaliwa ko si Laurie at si Pamela naman nasa kanan.
"Hindi ko alam, hindi ko sya kilala." Totoo naman e. Ngayon ko lang sya nakilala.
"E bakit magkahawak kayo ng kamay?" Pang-aasar sakin ni Laurie.
"Oo nga tapos bigla mong inalis nung nakita mo kami." Sinabayan naman ni Pamela.
Napahawak na ko sa mukha ko sa sobrang hiya. Alam kong hindi ako titigilan ng dalawang to.
"E kasi nakipagshakehands sya sakin. Nagulat ako nung makita ko kayong dalawa." Pag-eexplain ko naman. "T-teka nga." Napahinto kami sa paglalakad at tinignan ko sila pareho. "Bakit ba ko nag-eexplain sa inyo?" Sagot ko sa kanila.
"Okay, ang totoo nyan, hindi na ko nagulat nung makita kita na kasama nung Anthony. Dahil sya ng pumapangalawa kay Prince kyle na heartthrob dito. Kaya di na ko magtataka kung may gusto ka sa kanya." Bigla kaming napalingon ni Pamela kay Laurie.
"So kilala mo pala sya? Pero teka! Hindi ko sya gusto no." Haaay, hindi naman talaga e.
"Wala lang nasagap ko lang to. Classmate sya ni Prince Kyle. Hay nako girl, deny ka pa. Okay lang yan." Likas ding tsismosa tong si Laurie e.
"Hindi ko nga sya gusto e." Pagpipilit ko.
"Hahaha! Okay okay. Si Prince Kyle nga pala ang Prince Charming mo." Sagot ni Laurie.
Nagtawanan silang dalawa ni Pamela. Haaaay. Kung may iba lang sana akong makakasama e. Pero okay narin. Mabait naman sila kahit papano.
(SA BAHAY)
(PAPA'S POV)
"Honey, paabot naman ng gunting oh."
"Eto na honey ko."
Day-off ko ngayon kaya nakakatulong sa pagtatabas ng damo dito sa bakuran.
"Oh honey, uminom ka muna ng juice oh. Mamya na yan."
"Salamat honey."
Huminto ako sa pagtatabas at uminom ng juice.
Maya-maya patakbong bumalik sakin ang asawa ko.
"Honey, honey!"
"Oh bakit?"
Bakas sa mukha nya ang takot at kaba.
"Magandang umaga ho. Mang Robert."
Nasamid ako ng makita ko ang lalaking nasa gate.
S-si Randy?! Ano naman ang ginagawa nila ditto?
Biglang bumukas yung pinto ng isang kotse.
"Honey, S-si King Martin."
Dali-dali akong pumunta sa gate para pagbuksan sya ng gate.
"T-tuloy po kayo."
Pinauna namin pinapasok sa loob ng bahay si King Martin.
"Upo po kayo kamahalan." Sabi ng asawa ko.
"Salamat." Nakangiti naman sya ng naupo sya.
"Ah-Kamahalan, kape po? O juice?" Alok ko naman.
"Ah hindi na, salamat. Maupo kayo, gusto ko kayong makausap." Sabi nito.
Naupo naman kaming dalawa.
Inilibot nya ng tingin ang buong bahay namin.
"P-Pasensya na po kayo. Maliit lang po ang bahay namin."
Tumingin sya samin. At inilibot ulit ang tingin na parang may hinahanap.
"Nasaan ang anak nyo?" Tanong ng Mahal ng Hari.
"Ah eh, nasa eskwelahan po sya ngayon. Sa Royal Academy po sya nag-aaral." Sagot ko.
"Uhm, Sabi nga ni Randy." Tango nito.
Tumingin na sya samin ng diretso.
"Wala ba kayong litrato nya?"
"Litrato po? Honey kunin mo yung picture ni Nicole sa kwarto nya." Pabulong ko kay Grace asawa ko. At nagmadaling pumunta sa kwarto ni Nicole.
"Nicole ba ang pangalan niya?"
Tumungo ako.
"O-opo, kamahalan."
Tumawa sya.
"Haha! Robert, wag mo na kong tawaging kamahalan. Magkaibigan tayo di ba? Saka magiging magbalae na rin naman tayo."
Napakamot ako sa noo.
"Ay, hehe.. Syempre po—"
O_____________O
Napatigil sa paglalakad si Grace sa nasabi ng Hari.
Magbalae?
"M-Magbalae po?" Sabay kami ng asawa ko sa pagsabi.
"Oo, ang anak nyong si Nicole ang magiging Prinsesa ng anak kong si Kyle. Tama naman diba? Balae?"
Napalunok ako.
Kinuha nya ang picture ni Nicole na hawak ni Grace.
"Eto ba si Nicole? Ang magiging prinsesa ni Kyle?" Napangiti siya habang tinitignan ang litrato ni Nicole..
"Siya nga po kamahalan." Sagot sa kanya ni Randy.
"Napakagandang bata. Hindi na ko magtataka, maganda rin ang nanay."
Ano? Totoo ba to? Akala ko, matagal pa. Pero, Bata pa ang anak ko.
BINABASA MO ANG
My Little Miss Princess
Fiksi RemajaSi Nicole ay isang 14y/o na commoner highschooler sa isang pinakasikat at pinakaluxurious na school sa kanila. Ang Royal Academy, kung saan ang mga anak ng mga pinakamataas at iginagalang na tao sa lipunan ay doon nag-aaral. Isang chef/tagapagluto s...