CHAPTER 16

7.6K 140 5
                                    

(KYLE'S POV)

Nakakainis, nakakainis, nakakainis talaga! Urgh! Bakit ba kasi sakin nangyayari to? Hindi mawala sa isip ko yung mga sinabi ng Amang hari sakin.

"Kyle Goomorning!"

Ano baaaa?! At isa pa sa nagpapagulo ng isip ko, hindi ko alam kung sino bang Nicole Solomon na yan. Kainis!

"Kyle? Are you okay?" Kinalabit ako ni Dana. Medyo nagulat ako sa kanya.

"Dana, I-ikaw pala. Kanina ka pa ba dyan?"

"Uhm No. Kararating-rating ko lang. Okay ka lang ba? Mukha atang may gumugulo dyan sa isip mo?" Ngumiti lang ako. Okay na ko. Makita ko lang si Dana, nawawala na lahat ng problema ko.

Ngumiti din sya. "Dinadaan mo na naman ako sa pasmile-smile mo e."

"Wala naman. May naalala lang ako. Saka, anyway hindi naman importante yun e."

Kung si Dana lang sana ang babaeng pakakasalanan ko, masaya sana ako ngayon. Bakit ba kailangang ibang babae pa? Hindi ko pa nga nasasabi kay Dana na gusto ko sya. Ayokong mapunta sya kay Anthony ng ganunganun na lang. Pero Paano na? Ngayong ikakasal na ko sa taong di ko man lang nakikilala at nakakasama.


(NICOLE'S POV)

"Nicole.."

"Nicole.."

"Nicole.."

Napakamot na ko sa ulo ko. Namaaaaaan. Si Laurie tinatawag ako.

Nagku-quiz na kami kay Ms. Young. Si Laurie, panay tawag sakin. Nasa likod ko kasi sya. Pinaglayu-layo kasi kami ngayon. Napalingon na ko sa kanya.

"Bakit ba?" Bulungan porsyon kami ngayon. Kapag narinig kami ni Ms. Young na nag-uusap, baka di kami pagquiz-sin.

"Anong sagot sa number 20?"

"Ha?"

Ang hina naman kasi ng boses. Bingi pa naman ako.

"Anong sagot sa number 20?" Inulit nya.

Okay nagets ko na sya. Tumingin ako kay Ms. Young, ayun busy sa pagbabasa.

Tumingin na ko sa papel ko. Tapos lumingon ulit ako kay Laurie.

"Letter—"

"Nicole? What are you doing? Kanina pa kita napapansing panay kang lingon dyan."

Patay na! Dahan-dahan kong nilingon ang ulo ko. Si Ms. Young nakatayo sa tapat ng desk ko at nakapameywang. Napakagat ako sa labi ko.

"Nangongopya ka ba?"

"No Ma'am! Hindi po." Napailing ako.

Kinuha ni Ms. Young ang testpaper ko.

"Here!" Binigyan nya ko ng panibagong questioner.

"Go out at dun ka magtake ng quiz mo sa may corridor."

Kinuha ko ang papel.

"Yes ma'am."

Nakatingin sakin si Laurie habang papalabas ako ng classroom.

"Kainis naman. Hindi naman ako nangongopya e. Si Laurie dapat ang umulit." Inis na inis akong lumabas ng classroom.

Naupo na ko malapit sa may lobby may lamesa at upuan naman kasi dun. Hindi ganun kalayo sa classroom namin.

"Ulit na naman tuloy ako."

Magsisimula na ko ulit magsagot.

"Ang pogi talaga ni Prince Kyle no."

"Super! As in!"

Ang ingay naman ng mga babaeng nakatambay dito. Paano ko makakapagconcentrate?

Teka? Prince Kyle ba kamo?

"Prince Kyle! Helloooo!"

"Prince Kyle! Papicture naman!"

Bigla akong napalingon sa may gilid.

Jusmiyo marimar! Ayun! Nandoon nga si Prince Kyle, nakikipagkwentuhan sa mga classmate niyang lalaki. Siya lang ang tanging nakaupo sa kanila Prinsipe nga naman oh! At nakacrossed legs pa. XD

Nakapalumbaba ako at napatitig sa kanya. Ang pogi nya talaga. Everything happens for a reason talaga. Kaya ako napalabas ng di oras para Makita ko si Prince Kyle.

^_____^

^_____^

O__________O

Tumingin sya sa direksyon ko. Anong gagawin ko? >_______<

Hindi ko alam ano bang magiging reaksyon ko?

"H-Hi!" Naghi at kumaway na lang ako. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko.

>___________<

Siomai gulay! Ngumiti sya at kumaway din sakin?

"Hi Kyle! Tara may class na tayo."

Mm?

Bigla naman tumayo si Prince Kyle sa kinauupuan nya at lumapit sa babaeng nakatayo sa tapat ng kinauupuan ko.

=________=''

"Nandyan na ba yung Prof natin?"

"Nandyan na sya pero di pa pumapasok sa classroom."

Biglang napatingin sakin si Prince Kyle.

O_________O

Tinakip ko bigla yung papel ko sa mukha ko. =______="

Nakalagpas na silang dalawa sa pwesto ko. At dahan-dahan kong tinanggal yung pagkakatakip ko sa mukha ko.

"Ano bang ginawa ko? Hindi pala ako yun. Nakakahiya naman." Habang kinokotong-kotongan ko yung sarili ko. Ang adik ko talaga. Para talaga kasing sakin sya nakatingin nun e. Malay ko baaaa? KAHIYA. >_____________<

"Makapagquiz na nga lang."







My Little Miss PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon