(PAPA'S POV)
Pagkatapos nilang mailabas si Nicole, binitawan na kami nung mga lalaking tagapalasyo.
"Ano bang problema nyo samin? Pinadala ba kayo ng Hari dito para guluhin kami?" Tanong ko.
Umupo naman na parang walang nangyari yung lalaki.
"Maupo po muna kayo." Sabi niya.
Naupo naman kami ng asawa ko. Biglang kumalma ang buong bahay. Nagsitigil sa paghahalungkat ng mga gamit namin ang mga ibang tauhan.
"Hindi ko kayo maintindihan, pumasok kayo dito sa bahay namin at naghanap ng kung anu-ano. Nang hindi naman namin alam kung ano ba hinahanap niyo.Pagkatapos bigla kayong kakalma dyan." Sabi ko sa kaniya.
May inabot na folder yung isang tauhan sa kanya at inilapag sa lamesa na harap namin.
"Pasensya na ho kayo. Ako nga pala si Mr. Randy Sayles ang tagapagbantay ng Prinsipe." Ipinakita nya yung ID nya. Galing nga sya sa palasyo.
"Oh ano naman? Sa palasyo din ako nagtatrabaho at tagapagluto naman ako." Sabi ko naman sa kaniya.
"Alam ko ho. Kayo si Robert Solomon hindi po ba?" Bigla kong napakunot noo. "Ang papel na nasa harapan nyo ay ang file nyo sa palasyo. Kaya namin nalaman kung saan kayo makikita."
Kinuha ng asawa ko ang folder.
"Wag po kayong mag-aalala. Hindi po namin sasaktan o kung anuman na gagawin sa anak nyo. Gusto lang ho namin kayo makausap." dagdag ni Randy.
May inabot na naman na maliit na papel yung kasamahan nya sa kanya.
"Pinapunta kami ng mahal na hari dito para hanapin sa inyo ito." Inilapag nya ang maliit na papel sa lamesa ulit.
"Kung ano man to, wala akong kinukuha sa palasyo." Sabi ko.
"Tignan nyo po muna. Ang sabi ng mahal na hari, na sa inyo daw yan."
Kinuha ko na lang maliit na papel na may pagtataka.
O______________________O
Ang singsing?
Dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko.
"Honey? Wala naman ako nakita na meron ka niyan ah." Tanong sakin ni Grace.
Anong kinalaman ng singsing ni Allen sa mahal na hari?
"Nasa inyo parin po ba ito?" Tanong ni Randy.
Di ako makasagot. Ano bang sasabihin ko? Hindi naman talaga akin to e. Kay Allen to ibinigay nya lang sakin.
"Ah-eh, ano bang meron sa singsing nato? Kung sakaling nasa akin man ito?" Yun na lang ang nasabi ko.
"Hindi ko po masasabi pa." Sagot naman ni Randy
"Huh? Panong hindi? Paano kung wala na sakin to?"
May kinukuha sya sa isang tauhan nya. Pero bago nya pa nya yun makuha nagsalita na ko.
"Teka! Na sa akin pa to! Wag kayong bubunot!" Nanginginig na ko sa takot. Mamaya bigla na lang kaming saktan mahirap na.
Bigla naman syang tumawa ng malakas.
"Hahahahah! Mang Robert masyado naman kayong nadadala sa mga action movies." sabi ni Randy
Yung inaabot pala sa kanya e, mga papel lang.
"Pero, nasabi nyo na nasa inyo pa ang singsing na yan. Hindi ko na pala pahihirapan pa ang sarili ko." Ibinalik nya ulit yun.
"Pero, hindi naman ho talaga sakin yun e. Binigay lang sakin yun ni Allen yung kaibigan ko." Paliwanag ko sa kaniya.
"Tama nga." Sagot niya.
"Eh? Anong tama?"
"Nasan nga pala ang singsing?" Tanong niya muli.
"Nasa anak ko. Nakasuot sa kanya." Naalala ko, kakabigay ko lang yun kay Nicole kanina.
Tinawagan nya ang tauhang naglabas kay Nicole.
"Pakicheck sa kamay ng bata kung nandyan ang singsing."
"Hoy! Wag mong gagalawin yan!" sigaw ni Nicole yun. "Opo nandito sout-suot nya." sagot ng nasa kabilang linya.
"Okay." Pinatay na nya ang telepono.
"Ano bang meron sa singsing na yun at ganun na lang kadesididong malaman ng hari na nasa akin yun?" Pagtataka ko.
"Ang mahal na hari ay ang kaibigan nyong si Allen."
O_____________O
"P-pero, paanong—"
"Nung nag-aaral pa sya nung elementary at highschool, wala syang kaalam-alam na isa syang maharlika. Nalaman na lang nya yun ng nagtapos na sya ng Highschool. At dinala sya ng mga magulang nya sa palasyo. Allen ang pangalan nya nun, at pinapalitan ito ng mga magulang nya ng Martin. At ang singsing, ibinigay sa kanya iyon ng mahal na reyna nung walong taon palang sya." Paliwanag ni Randy.
"Oh Tapos? E anong meron sa singsing?" Sumabat bigla ang asawa ko.
"Teka, wag ka munang sumabat." Tumingin ulit ako kay Randy. "Ang ibig mong sabihin, ang kaibigan kong si Aallen ang hari ngayon? Teka ano nga bang meron sa singsing? Kukunin na nya yun? Ibabalik ko."
"Hindi ho." Sagot ni Randy.
"Huh? E anong ginagawa nyo rito? Hindi nyo naman pala kukunin e. Susmaryosep." Napahilamos ko sa mukha ko ang kamay ko.
"Malaki ang ginagampanan ng singsing na iyon. Ang singsing na yun ay sumisimbolo sa henerasyon ng mga Hoffman. Ang nakasulat sa aklat ng palasyo, na kung kanino man o kung sinomang binigyan ng singsing na iyon, siya ang susunod na mapapangasawa ng susunod na prinsipe." Sagot ni Randy.
"Yun naman pala e." Sabay pa kami ng asawa ko.
O______O O_______O
"Ano?! Ang ibig bang sabihin, e mapapangasawa ng prinsipe ang anak namin?!" sabay ulit kami.
Napatungo na lang si Randy.
Tumingin sakin si Grace. "Papa! Mag-aasawa na ang baby natin?"
"Hindi pa yun sigurado." Sabi ko.
Pagkatapos nun wala na kong nasabi pa.
BINABASA MO ANG
My Little Miss Princess
Roman pour AdolescentsSi Nicole ay isang 14y/o na commoner highschooler sa isang pinakasikat at pinakaluxurious na school sa kanila. Ang Royal Academy, kung saan ang mga anak ng mga pinakamataas at iginagalang na tao sa lipunan ay doon nag-aaral. Isang chef/tagapagluto s...