CHAPTER 8

7.9K 162 3
                                    

Sinisipat sipat ko ang singsing sa kamay ko.

"Wag nyo sabihing may gusto sa inyo yun ah. Akala nyo lang bestfriend sya. Pero, may secret feelings po pala sya sa inyo." Pabulong ko kay papa.

Bigla syang tumawa. "Hahahaha! Ano bang pinag-iisip mo dyan. Lalaking-lalaki yun. Saka magandang lalaki yun. Habulin sya nung bata-bata pa kami."

"Ganun po ba? Haha. E nasan na po sya ngayon?" pag-uusisa ko.

"Ewan ko, wala na kong balita nung grumaduate kami nung highschool." Medyo nalungkot sya sa pagsabi nyang yun.

"Nandito na ko!"

Napalingon kami pareho ni Papa. Si Mama nandyan na. Sinalubong ko sya.

"Oh. Eto Nicole ang pangako ko sayong cellphone."

Nanlaki at kuminang ang mga mata ko ng makita ko at inabot sakin ni Mama ang cellphone koooooooo.

"Wow! Thank you po Mama!" Hinug at kiniss ko sya.

Excited na ko magamit ang cellphone ko.

"Oh Papa, eto para sayo. TADAAAAAAA!" masayang pagkakasabi naman ni Mama.

"Wow! Mama sang sweet mo naman. May bago na kong relo. Muah!" Hinalikan ni papa si mama sa pisngi.

"Hay papa naman e. May make-up pa ko."

Di ko na sila pinapansin basta ako, excited na kong Makita ng cellphone ko.

My Little Miss PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon