CHAPTER 43

6.1K 91 7
                                    

(KYLE'S POV)


"Prince Kyle, Okay na po ang lahat. Sigurado po akong mapapasagot nyo na ang nililigawan nyo."

Napangiti lang ako sa sinabi ng manager ng restaurant na to. Isang Filipino restaurant ang nirent ko para lang samin ni Nicole. At sinabi ko rin sa manager na asawa ko ang makakasama ko ditto. Sinabi ko lang na nililigawan ko palang sya. At pasasagutin ngayong gabi.

"Thankyou. Tatawagan ko na lang kayo kapag may problema." Umalis na sya sa harapan ko. Okay na ang lahat. Isa na lang ang hinihintay kong dumating.

Pinagplanuhan ko mabuti ang lahat ng to bago ko ginawa. Kaya maaga akong dumating ditto para icheck lahat kung ayos na ba. Gusto ko kasing maging memorable ang gabi na to para sakin. First time kong icecelebrate ang birthday ko na si Nicole ang kasama ko.

Napatingin ako sa wrist watch ko. 7pm na. Asan na kaya si Nicole? Naalala ba ni Randy yung ibinilin ko sa kaniya? Di bale, baka natraffic lang. 7pm pa lang naman e. Hindi pa ko ganun katagal naghihitay.

(NICOLE'S POV)


Napansin kong parang wala pa kong nakikitang restaurant sa dinadaanan namin. Nako baka jinojoke time lang ako ni Dana ah.

"Dana, dito ba talaga daan papunta dun? Bakit parang ang layo na ata natin?" Napasilip ako sa labas. Puro, puno at halaman lang ang nakikita ko.

"Hindi ba nasabi ni Kyle na nag-iba na ang location ng dinner date nyo? Ah siguro sinusurprise ka nya."

Napatingin ako sa kaniya. Parang iba na nararamdaman ko. Kinakabahan na ko.

"Sabi niya sa restaurant daw e. Nireserve nya daw yun para samin. Hindi naman niya nasabing naiba na pala."

Bigla kaming huminto sa gitna ng isang park. Malayo na sa townhouse to. At hindi ko narin talaga alam ang lugar na to. Walang katao-tao sa park na hinituan namin. Tinignan nya ko.

"Baba na." Nakangiti nyang sabi sakin.

"Dito ba talaga? Bakit parang wala namang tao dito? Saka hindi mukhang may mangyayaring dinner date dito." Hindi ako mapakali. Nakakatkot talaga yung lugar as in. Madilim iisa lang ang post eng ilaw. Mukhang papundi na. Tapos, mapuno.

"Dito yun. Maniwala ka sakin. Kaya walang tao kasi nga may surprise nga diba? Hintay ka na lang dyan. Ayun!" May tinuro sya. "Ayun! May bench dun oh. Maupo ka muna dun. Hintayin mo na lang sya. Wag kang mag-aalala, hindi ako aalis. Sasamahan kitang mahintay."

Hmmm. Mukha namang nagsasabi sya ng totoo e. Saka bakit ko ba sya iniisipan ng masama? Porket ba sinupladhan nya ko nung una?

"Okay." Bumaba na ko. "Dyan ka lang ah. Sasamahan mo ko maghintay."

"Oo promise." Itinaas nya ang kanang kamay niya.

"Okay, iwan ko muna yun bag at cellphone ko dito." Pumunta na ko sa may bench at naupo.


(RANDY'S POV)

Pababa na ko. Nako, baka nainip na sa paghihitay si Princess Nicole sakin. Nakalimutan ko kasi kung saan ko nalagay yung cellphone ko. Tapos, lowbatt pa.

Nakarating na ko sa may garahe.

"Kamahalan pasensya n—" Huh? "Nasaan  na sya?" Napalingon ako sa kaliwa at kanan pero wala sya. "Princess Nicole! Princess Nicole! Nasan po kayo?" Hindi kaya nauna na sya dahil sa sobrang tagal ko? Tsk! Nako patay. "Paano ba to? Lowbatt pa ko. Pano ko matatawagan si Prince Kyle. Bwiset ba't ngayon pa?" Bumalik ulit ako sa loob para icharge ang cellphone ko.

My Little Miss PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon