CHAPTER 35

6.4K 123 6
                                    

(KYLE'S POV)

"Kyle, I love you. I really love you."

"Kyle, I love you. I really love you."

"Haaay..." Napabuntong hininga ako at napahawak sa ulo.

Bakit ba ganito? Bakit ko sinabing mahal ko sya bilang kaibigan kahit alam ko naman na higit pa dun ang nararamdaman ko para sa kaniya? Nalilito ako. May asawa na ko at kahit may asawa na ko, alam ko sa sarili ko na sya parin ang nangingibabaw sa puso ko. Alam ko nasaktan sya sa nasabi kong yun. Pero mas lalo syang masasaktan kapag sinabi ko pa ang totoo. Mahihirapan lang sya sa sitwasyon namin. At ayokong mangyari yun.

Biglang dumating si Nicole. Dirediretso lang sya naupo sa tabi ko. Hindi ko sya pinansin.

"Uhm. Prince Kyle. Thank you nga pala ulit ah. Perfect ako sa assignment ko sa algebra."

Tinignan ko sya at nakangiti sya sakin. Hindi ko pinansin kung may sinasabi man sya. Wala ako sa mood para makipagkwentuhan sa kaniya, Naiiinis ako kapag nakikita ko sya. Kung hindi sana nangyari to, si Dana parin sana ang kasama ko at hindi sya.

"Prince Kyle, malapit na pala ang Birthday mo. Hindi ko alam na this week na pala ang Birthday mo. Nalaman ko lang kay Prince Anthony."

Nag-uusap parin pala sila ni Anthony. Hindi ko ulit sya pinansin. Naiinis na talaga ako. Marinig ko palang ang boses nya, naiirita na ko. >___<

"Prince Kyle? May problema ka ba?"

Pumikit na lang ako at sinubukang umidlip. Baka sakaling makalimutan ko na ang nangyari kanina.

"Prince Kyle? Kumain ka na ba?"

"Pwede bang manahimik ka! Sa twing darating ka na lang dito, ang ingay-ingay mo! Hindi ko gustong makipag-usap sayo, okay? Hindi tayo close para tanungin mo. Kung wala rin namang magandang sasabihin yang bibig mo, pwede bang manahimik ka na lang?"

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Wala na kong pakialam kung masaktan ko man sya sa nasabi ko. Rinding-rindi na ko. Tumahimik na sya.



(NICOLE'S POV)

Pauwi na kami sa palasyo pero hindi kami nagkikibuan. Naiinis ako sa kaniya. Bigla nya kong sinigawan nung nasa VIP Room kami. Parang tinatanong ko lang naman sya. Saka sabi nya, pwede ko lang syang kausapin kapag nasa VIP Room kami e. Ano naman kayang problema nito? Ang sungit na naman nya bigla. Ayoko na syang kausapin. Pakiramdam ko, bumababa ang tingin ko sa sarili ko kapag ginaganyan nya ko. Pag badmood sya, pakiramdam ko sakin nya sinisisi lahat ng nagpapabadtrip sa kaniya. Pagtinatanong ko naman sya, hindi nya ko sasagutin. Parang kumakausap lang ako sa hangin.

Nakarating na kaming palasyo. Nauna syang bumaba sakin at dirediretsong pumasok sa loob. Ang laki ng problema nun palagi. Binelatan ko sya habang naglalakad sya palayo.

"Sungit! Haaay."

"Magandang hapon po Princess Nicole."

Yumuko lang ako sa bumati sakin. Naglakad na papasok. Papunta na sana ako sa kwarto ng makita ko sa Garden si Anthony at kumakaway.

"Anthony?" Pabulong ko.

Nilapitan ko sya at nginitian nya ko. Umupo ako sa tabi nya. Mukhang dito na sya dumiresto pagkatapos ng klase nila. Nakauniform pa kasi sya.

"Bakit ngayon lang kayo?" Tanong nya sakin.

"May tinapos kasi si Prince Kyle sa may VIP Room e. Dito ka na ulit?"

"Hindi. Napadaan lang. Namiss kita e. Yung kakulitan mo." Kinurot nya ang ilong ko. Kaya medyo napangiti ako.

Napansin nyang medyo napasimangot ako.

"Oh? Bakit? May problema ka ba?"

Umiling ako at ngumiti.

"Wala naman. Pagod lang ako." Napayuko ako.

Hinawakan ni Anthony ang baba ko at iniangat nya.

"Weh? Sigurado ka? E bakit ganyan ang mukha mo? Nicole, pwede mo kong sabihan ng problema mo. Tungkol san ba? Kay Kyle Ba?"

Napangiti ako ng konti.

"Thank you Anthony ah. Kung wala ka, hindi ko alam kung sino ang pwede kong kausapin dito. Wala naman akong problema. Miss na miss ko na kasi sina Mama at Papa. Ilang araw ko na kasi sila hindi nakikita e. Hindi ko alam kung kelan ko pa sila pwedeng dalawin."

O__O

Hinawakan nya ko sa kamay.

"Halika, puntahan natin sila." At hinila nya ko palabas ng palasyo.

"Teka, sandali baka magalit sakin si Prince Kyle dahil di ako nagpaalam." Habang naglalakad kami palayo sa Garden.

"Wag kang mag-alala, akong bahala sayo. Kasama mo naman ako e." Ngumiti sya. Hayyy. Anthony. Bakit ba hindi ako makatanggi kapag nginitian mo na ko.



(ANTHONY'S POV)

Pagbaba na pagbaba namin sa kotse kanina, agad na kinatok ni Nicole ang gate nila. Excited na excited na makita ang mga magulang nya.

"Mama! Papa! Nandito po ako!"

Kanina pa kami kumakatok sa tapat ng bahay nila. Pero walang nagbubukas samin.

"Mama! Papa! Si Nicole po ito. Nandito napo ako! Mama! Papa!"

Tinitignan ko sya habang kumakatok. Sobrang miss na nya talaga sila. Kaya lang malas. Mukhang wala pa sila ditto.

"Mama! Papa!" Bigla syang tumigil. At humina ang boses nya. "Mama... Papa... Nasan po kayo?" Humarap sya sakin na sobrang nanlulumo. "Anthony. W-wala sina Mama at Papa."

Bigla ako nakaramdaman ng lungkot para sakaniya. Sobrang gusto na nya makita ang mga magulang niya kaya lang mukhang wala sila ngayon. Wala akong nagawa kundi yakapin na lang sya. At naramdaman kong umiiyak na sya.

"Tahan na. Balikan na lang natin sila sa susunod na araw. Baka maypinuntahan lang sila ngayon."

Kahit wala syang salitang sinasabi alam kong malungkot na malungkot sya. Umasa kasi syang makikita na nya ngayon ang mga magulang niya.

"Tara, kain na lang tayo ng Ice cream."

Bigla syang umalis sa pagkakayakap sakin. At pinunasan ang mga mata.

"Talaga? Lilibre mo ko?"

Napangiti at napailing ako.

"Haha! Ice cream lang pala magpapatahan sayo." Pinunasan ko ang mukha nya. At hinawakan ko ulit sya sa kamay. "Halika na."

Naglalakad na kami papuntang convenience store na malapit dito.

"Thank you talaga Anthony. Ang bait-bait mo sakin. Hindi ko alam kung pano kita pasasalamatan. Sana kasing ugali mo na lang si Prince Kyle."

"Haha! Ugali lang? Sana ako na lang. Hahaha. Joke lang." Medyo napangiti ulit sya. "Wala yun. Basta ikaw. Malakas ka sakin e."

Naglalakad na kami papuntang kotse. Hindi ko alam pero pakiramdam ko masaya ako sa sinabi nyang yun. Yung pakiramdam na kung pwede lang bawiin yung joke na yun at sabihing totoo yun. Pero para sa kanya joke lang talaga. Pero para sakin, Hay ewan! Di ko na maintindihan yung sarili ko. Basta gusto ko lang sya mapasaya ngayon na namimiss nya ang parents nya. Sa mga oras na to, hindi ko alam kung bakit ko nga ba nagagawa to sa kanya. Basta ang alam ko lang masaya ako kapag nakikita ko sya. Ayokong nakikita syang malungkot dahil sya ang nagpapasaya sakin. Kapag badtrip ako, makita ko lang sya, okay na ko.

My Little Miss PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon