(NICOLE'S POV)
Bigla akong napabalikwas sa pagkakahiga ko.
"Huh? Anong nangyari?" Lumingon ako kaliwa't kanan.
Nasa loob na ko ng kwarto ko. Wala na kong naririnig sa labas na nag-uusap. Nakaalis na kaya sila? Tumayo ako at naglakad papuntang pintuan. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto ko para silipin kung may tao pa ba.
Mm? Nakapatay na mga ilaw. Tulog na sina Mama at Papa. Ano kayang nangyari?
Lumabas ako ng kwarto ko. At sumilip sa kwarto nina Mama at Papa. Tulog na tulog na silang dalawa.
"Brrrr~...."
Napahawak ako sa tiyan ko.
"Haaay grabe, gutom na ko. Hinimatay nga pala ako kanina."
Naalala ko na naman yung mga nangyari kanina.
Sinampal ko ang sarili ko baka kasi nananaginip lang ako.
"Aw! Hihi." Napahampas ako sa ulo ko. "Hindi pala panaginip yun. Totoo pala. TSK! Teka, nagugutom na ko. May pagkain pa kaya?"
Pumunta ako kusina at binuksan ang refrigerator.
"Wala? Wala man lang pagkain? Puro tubig lang tong nandito."
Isinara ko na ang ref.
"Brrrr~..."
"Haaay. Nagugutom na talaga ako. Anong oras na ba?"
Napatingin ako sa cellphone ko.
"12 na? May bukas pa kayang tindahan?"
(ANTHONY'S POV)
"Anthony! Una na kami. Ingat sila sayo! Hahaha!"
"Hahaha! Sige Ingat din kayo mga pre! Bukas ulit."
Naglalakad na ko pauwi sa tinutuluyan kong apartment. Hindi na ko umuwi pa ulit sa palasyo. Baka mapag-initan na naman ako ng Amang hari kapag nahuli nya kong umuwi ng ganitong oras.
"Brrrrr~..."
Ooooppps. Teka, kumain naman ako ah. Ba't gutom na naman ako.
Dumiresto na lang muna ako sa convenience store malapit dito.
"Goodevening sir!"
Bati sakin ng pumasok ako sa convenience store. Dirediretso lang ako sa paglalakad papasok.
Nakarating ako sa pinaka dulo.
"Hmm.. Ano kayang masarap?"
Nasa tapat ako ng ice cream fridge. Namimili kung anong masarap kung Rocky Road ba o Cookies N' Cream?
"Goodevening ma'am!"
Narinig ko na naman yung babaeng bumati sakin kanina. May pumasok ulit. Wala masyadong tao ngayon dito sa convenience store. Midnight na kasi. Tulog na mga tao.
Hmmm. Di ako makapili. Nakapamulsa na lang ako sa tapat ng fridge.
"Rocky road? O Cookies N' Cream?"
Haaaay ewan. Pareho ko kayong gusto. Parang bata naman akong nag-iisip kung ano ba talaga. XD
"Cookies N' Cream! Masarap yan."
Mm? Bigla kong napalingon sa nagsalita sa likod ko.
"Nicole?"
"Anthony?"
Medyo napangiti ako dahil sabay pa kami nagsalita.
"Bakit nandito ka? Gabi na ah." Tanong ko sa kaniya.
"Ahh. Kasi. Nagugutom ako. Wala na kasing pagkain sa bahay. Saka dyan lang naman ako nakatira e. Ikaw?" tanong naman niya sakin.
Kumuha ako ng dalawang Rocky road at dalawang cookies and cream na ice cream at dinala sa counter para bayaran. Bumili ng noodles si Nicole. Sabay kaming lumabas ng convenience store.
"Saan ka nakatira?" Tanong ko kay Nicole.
"Dun lang sa kanto." tinuro niya yung kanto. "Ikaw saan daan mo?"
"Dito ako sa kabila."
"Ahh." sabi niya. "Ahh. Kasama mo mga magulang mo?"
Oo nga pala. Hindi niya pa alam na magkapatid kami ni Kyle.
"Hindi. Masyado silang mataas di nila kayang pumunta sa lugar ko."
Napatingin siya sakin at nagtaka.
"Mataas?" Napatingala siya. "Nasa langit?"
Napangiti ako.
"Oo parang ganun na nga." sinagot ko siya na parang natatawa.
"Ewan ko sayo niloloko mo ko. Teka sabi mo dun ang way mo, malapit na ko sa bahay."
"Hinatid talaga kita. Pwede naman akong umikot e."
Bigla siyang huminto sa isang gate.
"O dito na ko. Ingat ka. Babye!" binubuksan na niya yung gate.
"Sandali lang." pinigilan ko siya. At humarap ulit akin. Iniabot ko yung plastic ng binili kong ice cream. Tigdalawa naman ang binili ko kaya binigay ko sa kaniya yung dalawa. "Dahil tinulungan mo kong pumili ng ice cream. Ito yung para sayo. Pero gabi na. Bukas mo na lang to kainin. Baka sumakit pa lalamunan mo."
Kinuha niya yung plastic. At ngumiti.
"Salamat."
"Osige, uwi na ko. Bye!"
Patakbo akong umalis palayo sa bahay nila Nicole.
BINABASA MO ANG
My Little Miss Princess
JugendliteraturSi Nicole ay isang 14y/o na commoner highschooler sa isang pinakasikat at pinakaluxurious na school sa kanila. Ang Royal Academy, kung saan ang mga anak ng mga pinakamataas at iginagalang na tao sa lipunan ay doon nag-aaral. Isang chef/tagapagluto s...