CHAPTER 20

7.6K 135 4
                                    

(NICOLE'S POV)

Huuuuuuuuuuuuuuuuuu~ Naman. Grabe, ang cute-cute talaga niya kahit na masungit sya. :"> Nakakahiya naman naalala nya parin yung kinuhanan ko sya ng litrato. Tapos ngayon, nahuli naman nya kong sinusundan ko sya. Ang galing talaga sa timing nitong si Anthony.

Pabalik na ko sa building namin. Kinikilig na parang ewan. Kahit pahiyang-pahiya na ko, nagagawa ko pang kiligin.

Pero bakit ganun? Parang may mali ata. Nung una, bigla nalang tumigil si Prince Kyle sa pang-aasar sa kin nung tinawag sya ni Anthony. Tapos, kanina rin bigla rin syang tumigil sa pang-aasar nya sakin ng tinawag ako ni Anthony. Hindi man lang sya umalma. Prinsipe sya diba? Tapos isang tawag lang sa kanya ni Anthony—Haaay!

 Napakamot ako sa noo ko.

"Bakit ko ba iniisip yun? Wala naman akong pakielam dun e."

Nakarating na ko sa classroom.

(KYLE'S POV)

"And by the way Bro! Just so you know,  Yung babaeng cute na yun. She's Nicole Solomon."

Hindi na ko makapagconcentrate sa klase dahil kanina ko pa naiisip ang sinabi nitong si Anthony. Naiinis ako sa kanya. Hindi ko naman nabanggit ang pangalan na  yun sa kanya, pero naiinis parin ako dahil sa nalaman ko.

"Kilala mo yung babaeng yun?"

"Ah sya? Oo, recently ko lang naman sya nakilala. She's a 1st year highschool. Haha! Wag kang mag-isip dyan ng masama ah. Hindi ako child abuse."

Child abuse??? Oh my god! Ako pa ata ngayon ang child abuse. Ano bang nakain ng amang hari at sa isang Bata ako balak ipakasal? Urgh! Kainis.

"Prince Kyle are you okay?"

Ano ng gagawin ko ngayon? Sa linggo na yung kasal na sinasabi ng hari?  Ikakasal ako sa isang bata? 17 na ko at malapit na rin mag 18. Ano bang usually age ng 1st year, 14. 14?? Hindi naman ganun kalayo ng agwat. Pero, bata parin yun.

Napahawak na ko sa ulo ko. Sumasakit sa sobrang pag-iisip.

"Prince Kyle? Are you okay?"

Bigla kong iniangat ang ulo ko.

"Ah yes, ma'am? I'm sorry." Yung prof ko, nasa tapat na ng desk ko. At ang lahat ng classmate ko, nakatingin sakin. Mukhang kanina pa ata ako napansin nito na hindi nakikinig sa kanya.

"Are you okay? Is there something wrong? Masama po ba pakiramdam niyo?" Imbes na sungitan nya ko, nag-alala pa sya. Oo nga pala Prinsipe ako kaya normal na hindi mag-alala sya kung wala man ako sa sarili ko.

"Ah. Sumakit lang po yung ulo ko. Pero I'm okay na po. I'm sorry ma'am."

"Are you sure Prince Kyle? I-Eexcuse na lang kita sa buong class mo para makapagpahinga ka." sabi niya.

"No-no ma'am. I'm sure okay na po ko." Kahit na hindi talaga. Kahit anung gawin ko hindi ko kayang makapagconcentrate.

"Okay, Let's continue our lesson."

*

*

*

*

*

*

(DANA'S POV)

(A/N: Yessss! Congratulations, nabigyan ko na din ng POV si Dana. :D)

Natapos na ang class namin. May next subject pa kami kaya nandito parin kami sa classroom at hinihintay ang next prof namin.

Napalingon ako kay Kyle. Parang may gumugulo kasi sa isip nya ngayon kaya parang kanina hindi sya okay nung nilapitan  sya ng prof namin kanina. May hindi ata sya sinasabi sakin.

Tinitingnan ko lang sya mula ditto sa kinauupuan ko. Medyo magkalayo kami ng upuan. Malalim na naman ang iniisip nya. Napansin ko na sya recently na madalas syang may malalim na iniisip. Ayoko naman syang tanungin kung bakit. Prinsipe parin naman sya at ayokong makielam kung anoman ang gumugulo sa kanya ngayon.

At isa pa. Matagal ko na syang kilala pero hanggang ngayon, hindi ko masabi-sabi sa kanya na gusto ko sya higit pa sa pagiging kaibigan. Ayokong umamin sa kanya. Baka kasi mabigo lang ako. Baka hindi nya ko gusto at may iba syang nagugustuhan. At hanggang kaibigan lang talaga ang turing nya sakin. Pero wala naman syang nakukwento tungkol sa babaeng nagugustuhan nya. Hindi kaya yung ang iniisip nya sa pagkakataong to? Kaya hindi nya masabi-sabi sakin?

Haaay. Napasubsob na lang ako sa desk ko.

"Hi Dana!"

Napaangat ako ng ulo ko.

"Anthony ikaw pala. Okay lang ba si Kyle?"

"Ah. Ewan ko. Kanina okay naman sya e. Pero ngayon ewan ko kung bakit sya nagkaganyan."

Wala talaga tong pakielam sa kapatid nya kahit kelan.

"Uhm, Dana. Sabay tayo mamaya kumain."

"Huh? Ah-eh, baka kasi kailangan ako ni Kyle. Kung gusto mo sa VIP Room ka narin kumain. Diba dun Karin naman kumakain."

Ewan ko. Ayoko talagang kasama tong si Anthony. Ibang-iba sya kay Kyle. Si Kyle, ang tipo kong lalake. Prinsipe rin naman sya. Kaya lang ako lang at si Kyle ang nakakaalam tungkol dun. Pero ang kilos nya parang taga-kanto.

Biglang tumayo si Kyle sa kinauupuan nya.

"Please, pakisabi na lang sa mga Prof natin na masama ang pakiramdam ko."

Palabas na sya ng room.

"Teka Kyle!" Sinundan ko sya.

"Kyle!"

Huminto naman sya.

"Uhm, hatid na kita sa parking lot."

Nginitian nya ko.

"Dana, stay here. Kaya ko pa naman. Baka mapagod ka lang. Sige ingat ka."

Tuluy-tuloy na sya sa paglalakad nya. Haaay, Mas inintindi nya parin ako.

Napangiti na lang ako.

"Ingat ka din Kyle..." Pabulong ko sa sarili.



My Little Miss PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon