(ANTHONY'S POV)
Breaktime. Kaya patakbo akong pumunta sa building nina Nicole. Gusto kong siguraduhin kung kasama o hindi sya ni Kyle. Papalapit palang ako sa classroom nila ng salubungin ako nung dalawang palaging kasama ni Nicole.
"Hinahanap mo si Nicole? Wala sya ngayon e. Sabi ng prof namin, nagleave daw siya." Sabi nung singkit na babae.
Nagleave? So, kasama talaga sya ni Kyle. San kaya sila nagpunta? Bakit hindi ako tinext ni Nicole? Anong binabalak ni Kyle, e sa Friday na ang birthday nun.
"Ah ganun ba? May sinabi ba si Nicole sa inyo kung saan sya pupunta?"
"Uhm, hindi e. Kaya lagot samin yun pagbalik nya. Bakit nga pala natanong mo? May kailangan ka bas a kaniya? Kung gusto mo, ibilin mo na lang samin. Kaming ng bahala magsabi kay Nicole."
"Ah, wala naman. Sige sige salamat." Umalis na ko.
Haaaay! Bakit ko ba inaalam kung saan sila pupunta? Tsk! Nakakainis naman kasi tong si Kyle. Di ko maintindihan yung ugali. Pati tuloy sarili ko di ko rin maintindihan. Nag-aalala lang naman ako para kay Nicole. Baka awayin ulit sya ni Kyle. At iwan na lang sya kung san man sila nagpunta. Ang tanga ko naman kasi. Sabihin ko ba namang tawagan o text nya ko kapag inaway na naman sya ni Kyle. Kaya ayun, siguro hindi pa sya inaaway ni Kyle kaya hindi nya pa ako tinatawagan. Haaaay! Ewan. --______-- Mag-aayos pa pala ako ng gamit ko.
(NICOLE'S POV)
"Prince Kyle. Ay este Kyle! Kumain ka lang ng kumain. Wag kang mahihiya samin ah. Saka pagpasensyahan mo na ang ulam namin. Hindi kasi yan katulad sa palasyo."
"Ayos lang po. Wag po kayong mag-aalala, hindi po ako maselan sa pagkain. Saka si Papa po ang tagapagluto sa palasyo, kaya alam ko pong masarap po ito."
Hindi parin ako makapaniwalang ginawa ni Prince Kyle to para makita ko sina Mama at Papa. Masaya ako ngayon dahil nakita ko ulit sila at nakasama ulit sa hapagkainan. May bonus pa ang kasiyahan ko dahil kasalo namin ang pinakamamahal ko. :"> Ang saraaaaap. Pakinggan na tinatawag nya rin na Mama at Papa ang mga magulang ko. Pakiramdama ko, ngayon ko pa lang lalong nakikilala ang totoong pagkatao nya. Saka, namiss ko kumain sa normal na hapagkainan at naranasan ulit maging normal na tao. Sa palasyo kasi hindi ako makain ng marami kapag kaharap ko ang mga magulang ni Prince Kyle e. Maraming ngang pagkain sa lamesa, kaya lang kakapiranggot magsikain ang mga yun. Parang paligsahan sila sa pagdiet. Haaaay! Nandito ako ngayon sa bahay namin. Kaya hindi ko na muna dapat iniisip ang palasyo. Kasama ko ang mga pinakamamahal ko sa buhay. Haaaay Prince Kyle. Alam mo, ang totoo nyan mas masaya naman talaga ako kapag kasama kita e. Ikaw kasi yan. Makita lang kita masaya na ko. Di mo na kainlangan pang patunayan pa sakin yun.
"Saan ba ang balak nyong pumunta pagkatapos nyong magstay ditto?" Pag-open-up ni Papa ng topic medyo tahimik kasi ang lahat habang kumakain.
"Si Nicole po ang bahala kung saan man nya gustong pumunta." Sabay tingin sakin,
"Ha? Ba't ako?" Hindi naman ako nagplano nito e.
"Ganun pala anak e. Diba nung bata ka pa. Pinipilit mo kami ng Papa mo na pumunta ng Hongkong para makapunta sa Misty Land?" Sabi ni Mama.
"Honey, anong Misty Land? Disney land." Pagcocorrect ni Papa.
"Oo tama nga dun nga, Sa Disney Land. Pagkakataon mo nayan."
BINABASA MO ANG
My Little Miss Princess
Teen FictionSi Nicole ay isang 14y/o na commoner highschooler sa isang pinakasikat at pinakaluxurious na school sa kanila. Ang Royal Academy, kung saan ang mga anak ng mga pinakamataas at iginagalang na tao sa lipunan ay doon nag-aaral. Isang chef/tagapagluto s...