CHAPTER 30

7.2K 129 12
                                    

(ANTHONY'S POV)

Naglalakad na ko papasok sa school.

"Honey, mag-iingat ka! Ba-bye! Ikamusta mo ko kay Nicole kapag nagkita kayo ah!"

Napahinto ako sa tapat ng bahay nina Nicole. Naabutan ko ang Mama at Papa nya. Oo nga pala, hindi na dito nakatira si Nicole. Napansin ako ng Mama ni Nicole. Ngumiti at yumuko ako sa kanya at sabay naglakad na ulit ako. Napaisip ako habang naglalakad. "Kamusta na kaya si Nicole sa palasyo?" Nakakamiss din pala ang makulit na yun makasabay sa pagpasok.

Biglang nagvibrate ang phone ko. May nagtext.

"Si Dana." Mahina kong pagkasabi.

From: Dana Radcliffe <3

Anthony, daanan mo ko. Sabay tayong pumasok. Hintayin kita. :)


(NICOLE'S POV)

Hindi ako masyado nakatulog sa unang gabi ko dito. Ewan ko kung dahil siguro nakatulog na ko ng mahaba pagkarating ko dito, o namimiss ko sina mama at papa. Tapos, iniisip ko pa kung anong gagawin ko mamaya sa school. I'm sure sandamakmak na bulung-bulungan ang maabutan ko sa Royal Academy. Kinakabahan ako. >__<

*TOK! TOK! TOK!*

"Princess Nicole, si Randy po ito. Nakahanda na po ang almusal."

Ay! Oo nga pala. Nakalimutan ko.

"Ah opo sige po. Lalabas na po ako."

Paglabas ko, sumilip ako sa kwarto ni Prince Kyle.

"Uhm, Manong Randy. Si Prince Kyle po?"

"Kanina pa po sya nasa Dining, kayo na lang po ang hinihintay."

O___O

"Ha? Talaga po?" Tumungo sya. "Haaaay! Nakakainis naman to si Prince Kyle. Di man lang ako kinatok." Naglalakad na kami papunta sa Dining.

"Narito na po ang mahal na Prinsesa."

Ano ba naman to si Manong Randy, sinabi pa. Nakatingin sila sakin. >__<

Ganito ba talaga? Kailangan inaannounce na nandito na ko? Grand entrance tuloy ako. Inusog ni Randy ang upuan at pinaupo ako.

"Sorry po kung nahuli po ako." Nakakahiya naman. Kasama ko sa hapagkainan ang buong pamilya ni Prince Kyle. Tapos, di man lang ako kinatok nito. >__<

"Kamusta ang unang gabi mo dito Princess Nicole?" Nakangiting tanong sa kin ng mahal na reyna ang lola ni Prince Kyle.

"Okay naman po, Kamahalan. Medyo nanibago lang po ako." Nginitian ko rin sya.

"Mabuti naman kung ganun. Hayaan mo't masasanay ka rin."

Tumungo at ngumiti na lang ako. Hanep, hindi na ko kumikilos para kunin at abutin ang mga pagkain mga utusan sa palasyo na ang kumikilos, kulang na lang subuan na lang nila ako e.

"Salamat po." Sabi ko sa isang utusan na umasikaso sa kin. Tumungo lang sya sakin. Susubo na sana ako ng biglang tumayo si Prince Kyle.

"Tapos ka na Hijo?" Tanong ng mahal na hari.

"Opo, mauna na po kami sa inyo. May exam pa po ako kaya kailangan na po naming umalis." Hinawakan ako niya ko sa braso. Kaya napatingala ako.

"Teka, hindi pa ko kumakain. Saka ikaw lang naman ang may exam e. Kami wala." Kakainin ko na sana yung isang pirasong hotdog pero hinila niya ko ulit.

My Little Miss PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon