(ANTHONY'S POV)
"Hi Kyle! Tara may class na tayo."
Nilapitan ni Kyle si Dana. Ako nandito sa gilid. Hanggang tingin na lang kay Dana. Kainis! Bakit ba hindi ko masabi kay Dana na gusto ko sya? Tapos palagi pang mas gusto niyang kasama si Kyle kesa sakin.
Naglalakad na ko sa may hallway.
Bigla akong huminto. "Tsk! Tinatamad na ko pumasok." Bigla akong nabadtrip sa nakita ko.
Liliko na sana ako palabas ng building.
"Si Nicole yun ah?"
Ewan ko, bigla na lang ako nawala sa pagkabadtrip ko. Patakbo akong pumunta sa direksyon nya. Umikot ako sa kabilang way para sa likod na lang nya ko dadaan.
Sinilip ko kung anong ginagawa nya. Nasa likod nya ko kaya hindi nya ko napapansin.
Mm. Oo nga pala may quiz sila ngayon. Teka? Bakit sya nandidito sa labas?
"AH! Nakakainis naman. Hindi ko na tuloy maalala yung mga sinagot ko dito. Kainis naman."
Napailing at natawa ako sa kanya.
"Mahirap ba?"
Bigla syang napalingon sakin.
"Huh? Ikaw pala Anthony." Medyo gulat sya ng nakita nya ko.
Umupo ako sa katapat nyang upuan.
Kinuha ko ang testpaper nya.
"Patingin nga ko. Mukhang nahihirapan ka dyan sa quiz nyo."
Pinigilan nya kong makuha ang papel nya.
"Hindi! Ah-eh. Baka kasi Makita ka ni Ms. Young. Mamaya isipin nun tinuturuan mo. Pangalawang test ko nga nga to e." Pabulong na nyang nasabi yung huling nyang nasabi.
Narinig ko yun. Pangalawang beses?
"Teka, bakit ka nga pala dito nagtetest?" Tanong ko.
"Uhm, akala kasi ni Ms. Young nangongopya ako kaya pinalabas nya ko. Kinuha nya yung testpaper ko tapos pinasasagutan nya ko ulit ng bago." Simangot niyang pagkakasagot.
Bigla akong natawa sa reaksyon ng mukha nya.
"Hahahahahahahahahaahahaha!" Hawak ko pa ang tyan ko.
"Ssssh! Ano ba? Wag kang maingay. Mamaya marinig tayo ni Ms. Young e." Palinga-linga sya sa direksyon ng classroom nila. Di naman masyado kalayuan.
Tuloy parin ako sa pagtawa ko.
"hahahaahahahahahaha!"
"Ano ba? Wag ka nga sabing maingay e. Anthony!"
Bigla akong natahimik. Napansin ko kasing parang maiiyak na sya sa inis. Kaya tumahimik na ko.
"Sorry na."
Ngumiti ako at kumurot sa ilong niya.
Ang cute-cute ni Nicole. Kaya siguro nawala na lang bigla ang badtrip ko nung Makita ko sya. Haaaaaay. Kung si Dana lang tong kaharap ko, mas masaya sana ako.
Tinignan ko na lang sya habang nagsasagot sa paper nya.
^____________^
*___________*
Mm? -_____O
Teka, parang pamilyar sakin ang bagay na yun ah.
Tinitigan ko ulit yun.
O________O
"Anthony bakit?" Tanong ni Nicole.
Iniwas ko ang tingin ko sa bagay na yun.
"Ah? Wala-wala." Sabay napaisip ako.
Oo nakita ko na nga yun. Pero bakit nasa kanya yun? Hindi kaya?
"Nicole! Sorry!" May dalawang babae ang lumapit kay Nicole.
"Nicole, akin na yan. Time's up na daw e. Pinakakuha na ni Ms. Young yung papel."
"Haaaay. Okay oh." Inabot ni Nicole yung papel nya dun sa isang nyang classmate.
"Sorry talaga Ni—"
Biglang napatingin sakin yung isang nyang classmate na babae.
"Ah! S-sige, sige Nicole. May klase pa pala ako. Sige mauna na ko. Bye!" Tumalikod na ko sa kanila.
"Anung ginagawa nun dito?"
Naglalakad na ko palayo sa kanila. Hindi na nawala sa isip ko yung bagay na nakita ko kay Nicole.
(KYLE'S POV)
"Nasaan na naman si Anthony?" bulong ko. Habang lumingon ako sa buong classroom. Wala nga si Anthony. Pasaway talaga. Mukhang mauuna pa kong grumaduate sa isang yun ah.
"Okay. Let's start with our less—"
"Ma'am. I'm sorry I'm late."
TSSS. Si Anthony. Agaw eksena talaga to kahit kelan. Dirediretso syang pumunta sa desk nya. Tapos napatingin sya sakin.
"I thought nagcutting class ka naman, good thing at mukhang nagbago ang isip mo." Napailing na lang ako.
*
*
*
*
Natapos na ang class namin. Lunchbreak na. Pagbreaktime na dumideretso na ko sa VIP Room. At doon na ko nag-sspend ng private time ko. Syempre, kasama si Dana. Pero kadalasan, nadodoon din si Anthony. Kaya hindi ako nakakapagpahinga mabuti sa sobrang annoying nya.
"Uhm Kyle, Mauna ka na muna. Dadaan muna ko sa library e." Sabi ni Dana.
"Okay sure. I'll wait for you na lang sa VIP Room."
"Okay." Lumabas na sya ng classroom.
Palabas na rin ako ng classroom.
At naglalakad na ko papuntang VIP Room.
"Kyle sandali!"
Okay boses ni Anthony yun. Di ko sya pinansin dirediretso lang ako.
"Sandali lang naman." Naabutan nya ko at sabay inakbayan.
"Bakit ba?"
"About dun sa sinabi mo kanina? Sabi mo ikakasal ka na diba?"
Tinanggal ko yung pagkakaakbay nya sakin. Nakakainis talaga. Nakalimutan ko na nga yun kahit papano e. Pinaalala naman nito.
Imbes na sagutin ko ang tanong nya, dumirediresto lang ako sa paglalakad ko.
"Do you know who is she?" Tanong ni Anthony.
"No. At wala akong pakelam kung sino man sya."
Hindi ko na sya narinig pang nagsalita. Nakarating na ko sa VIP Room.
Sinalubong ako ng apat na utusan mula sa palasyo. At kinuha ang dala kong bag.
"Prince Kyle, nakahanda na po ang tanghalian nyo."
BINABASA MO ANG
My Little Miss Princess
Fiksi RemajaSi Nicole ay isang 14y/o na commoner highschooler sa isang pinakasikat at pinakaluxurious na school sa kanila. Ang Royal Academy, kung saan ang mga anak ng mga pinakamataas at iginagalang na tao sa lipunan ay doon nag-aaral. Isang chef/tagapagluto s...