(KYLE'S POV)
"Congrats Prince Kyle!"
"Congratulations Prince Kyle! You're still our Prince!!"
Panay congrats ng mga nakakasalubong ko. Nakakainis dahil paulit-ulit. Nakarating na ko sa classroom namin. Napatingin ako sa desk ni Dana. Wala pa sya. Dumiretso na lang ako sa upuan ko. Para silang nakakita ng multo ng makita nila ako. Ano bang nagbago? Kinasal lang naman ako. Hindi ko na lang sila pinansin. Alam ko naman ang nasa utak nila e. Dahil kahapon lang nangyari ang kasal kaya fresh pa sa kanila ang nangyari.
Napalingon ako ng dumating si Dana. Mag kasama sila ni Anthony? Inalalayan sya sa pag-upo ni Anthony. Mukhang okay naman sya, nagtatawanan pa sila ng dumating sila. Nakaramdam ako ng galit. Parang gusto kong manapak. Gusto ko pa naman syang kausapin dahil alam kong magagalit sya sakin. Pero, hindi pala. Parang wala lang nangyari. Pero hindi nya ko pinapansin. Hindi ko kayang makita sila ni Anthony na magkasama.
Napatingin sakin si Dana. Nagkatitigan kami. Ngumiti ako ng bahagya. Pero bigla nyang iniwas ang tingin nya sakin. Nakakains! Ngayon palang na ganito na sakin si Dana, hindi ko kaya. Matagal kami naging maging magkaibigan. Hindi ako papayag na ganun-ganun na lang biglang hindi na nya ko papansinin.
(DANA'S POV)
"Hahahaha! Grabe, hindi ko kinaya yung nakita natin kanina."
Napatingin ako kay Kyle at nahuli ko syang nakatingin din sakin. Tapos, bigla syang ngumiti. Pero bigla akong umiwas sa kanya. Hindi ko nakakalimutan ang nangyari kahapon. Masakit parin sakin na makitang ikinakasal sya sa ibang babae.
"Next time, Dana. Wag na tayong dadaan dun ah. Grabe talaga. Hahaha!"
Ngumiti lang ako habang nagkukwento si Anthony. Napalingon ulit ako kay Kyle, pero hindi na sya nakatingin sakin. Ang totoo nyan, kahit si Anthony ang kausap at kasama ko. Hindi ko maiwasang hindi maisip si Kyle. Nakakapanibago lang kasi, magkasama kami sa iisang classroom pero hindi na kami nagpapansinan. Ngayon lang kami nagkaganito ni Kyle. Dati, kapag nagkakatampuhan kami, lalapitan nya lang ako. Okay na. Pero hindi nya ko nilapitan. Nginitian nya na lang ako. Pero hindi parin sapat para makalimutan ako yun. Hindi ko tanggap na iba na ang sitwasyon ngayon.
"Dana? Are you listening?"
"Yes, yes, Ano nga ba ulit yun? I'm sorry."
Ngumit sya. At tumingin sa direksyon ni Kyle. "I know. It's Kyle right?"
"I'm sorry Anthony, I ju—"
"No it's okay. Alam ko naman e. Don't worry about me. Naiintindihan kita." Nakangiting pagkasabi ni Anthony.
"Thankyou Anthony. Palagi mo na lang akong iniintindi."
"Magkaibigan tayo diba?"
Ngumiti ako sa kaniya.
(KYLE'S POV)
(VIP ROOM)
"Alam mo ba kanina, akala ko galit sakin yung mga classmates ko. Kasi iniiwasan nila ako e. Napaemote tuloy ako sa unahan nila. Tapos, nung umiyak na ko, lalabas na sana ako sa classroom namin kasi hindi ko na kinakaya yung nangyayari. Biglang pumasok yung tatlong classmate kong lalaki. May dala silang isang bouquet ng flowers, balloon, tapos eto, may regalo pa. Tapos bigla silang nagtayuan tapos nagpalakpakan pa. Yung iba may hawak na banner, tapos sina Laurie at Pamela, nilapitan ako saka niyakap. Tapos sabi ni Pamela na pakana daw ni Laurie yun para surpresahin ako. Tapos—"
"Pwede bang manahimik ka dyan?! Wala ka bang kapaguran? Nakakainis ang boses mo."
Nakakabwisit, pagpasok palang nya dito, yan at yan na ang kinukwento nya, hanggang ngyon hindi parin sya tapos. Rinding rindi na ko sa boses nya. Gusto ko pa naman mapag-isa pero dahil nandito sya, hindi ko yun magagawa.
BINABASA MO ANG
My Little Miss Princess
Teen FictionSi Nicole ay isang 14y/o na commoner highschooler sa isang pinakasikat at pinakaluxurious na school sa kanila. Ang Royal Academy, kung saan ang mga anak ng mga pinakamataas at iginagalang na tao sa lipunan ay doon nag-aaral. Isang chef/tagapagluto s...