CHAPTER 51

6.8K 149 7
                                    

(ANTHONY'S POV)

Pagkatapos kong makitang okay na ulit sila ni Kyle, inaamin kong nalungkot ako. Pero at the same time, masaya na rin para kay Nicole. Ayoko syang nakikitang malungkot palagi. Gusto ko, masaya kahit na masakit para sakin. Naglalakad na ko pauwi sa apartment ng biglang may bumusina mula sa likod ko.

*BEEP-BEEP!*

Paglingon ko, hindi pamilyar na kotse sa paningin ko. Napahinto ako. Akala ko kasi dadaan sya. Pero huminto din sya at may biglang binababa ang salamin ng bintana. Nakita ko ang pamilyar na mukha. Nakangiti sya sakin at kumakaway pa.

"Hi Anthony! Pauwi ka naba?" Tanong nya sakin.

"H-ha? Ah Oo. Sige." Lumakad na ulit ako. Pero napansin kong sinusundan ako ng kotse.

"Anthony, sandali lang. Hindi mo ba ako kilala?" Patuloy parin ako sa paglalakad. Napalingon ulit ako.

Nakangiti parin sya. Teka, kilala ko to e. Hindi ko lang talaga matandaan. Huminto ulit yung kotse. "Anthony? Hahaha. Si Laurie to no. Hindi mo ba ako namumukhaan? Ako yung cute na classmate ni Nicole. At the same time, bestfriends kami." Habang nakapalumbaba sya dun sa may bintana ng kotse.

Bigla ko syang naalala. "Ay! Oo nga pala. Ikaw? Bakit nga pala? May kailangan ka?"

Napailing sya. "Nothing, uhm. San ba ang bahay nyo? Halika sabay kana dun rin naman ata ang way namin e."

"Ay hindi na. Salamat na lang. Malapit narin naman ako e. Sige bye." Naglakad na ulit ako. Hindi ko na napansin pang sumunod ang kotseng yun. At isinuot na lang ang earphone at nakinig na lang sa music habang naglalakad. Ang boring, hindi ko na ulit kasi makakasabay si Nicole ngayong bati na ulit sila ni Kyle.

Napansin ko na parang may sumusunod sakin. Pero hindi ko muna yun pinansin. Baka ibang tao lang. Lumiko nako, pero napansin kong lumiko din sya sa direksyon ko. Kaya binilisan ko ang lakad ko. Pero binilisan nya rin ang lakad nya. Mas lalo kong binilisan ang lakad ko para makapagtago sa puno. Napansin kong hindi na sya nakakasunod sakin. Malapit na ko sa puno na pagtataguan ko. Pagtago ko, nakita kong babae ang sumusunod sakin? Huminto sya sa tapat ng punong tinataguan ko. Hindi ko makita yung mukha nya kung sino, nakatalikod kasi sya.

"Ngek? Nasan na sya? Ang bilis naman nyang maglakad." Bigla syang napalingon sa puno. Kaya napatago ako kaagad. At napapikit pa nung kamuntikan nya akong makita. Pero teka? Kilala ko yun ah? Napasilip ulit ako, dahan-dahan akong sumilip sa may direksyon niya.

"Bulagaaaaaa!" Natumba ako sa gulat ng makita kong nakasilip na sya sa punong pinagtataguan ko. "Hahahahaha!" Sabay tawa nyang malakas habang napahawak ako sa beywang ko na masakit.

"Laurie? Ikaw ba yung sumusunod sakin kanina pa?" Tanong ko sakaniya habang nakaupo parin ako sa semento. Sabay tumayo na ko at pinagpagpag ang sarili.

"Oo, hindi mo kasi ako pinagbigyang ihatid ka e. Kaya bumaba ako sa kotse tapos sinundan ka nalang." Pasaway na batang to oh. Ano kayang kailangan nya sakin?

"Ganun ba? Hindi ako pumayag kasi, malapit narin naman ako e. Ayun oh," Itinuro ko ang apartment. "Dyan na lang ako. Kaya sige, mauna na ko sayo ah. Umuwi ka na. Bumalik ka na sa kotse mo." Naglakad na ulit ako.

"Teka lang!" Hinabol nya ako. Kaya napahinto ulit ako sa paglalakad. At humarap sa kaniya.

"Anong bang kailangan mo?" Hindi naman ako galit ng sinabi ko. Pero medyo nakukulitan lang ako.

"Ah, wala. Sige na nga. Bye bye!" Nakangiti sya habang tumatakbo palayo sakin.

"Haaay, pasaway na bata." Napapailing ako habang nakangiti  at tinitignan sya palayo. Kaya tumuloy na ako sa apartment.


(NICOLE'S POV)

"Papa, Mama, sorry po talaga sa nagawa ko kay Nicole. Lalong lalo na pos a inyo Papa. Hindi ko man lang naisip na sobra din po kayong masasaktan sa nangyari. Pinapangako ko po sainyo, na hindi na po ulit to mauulit."

After class, dumiretso kami ditto sa bahay para ipaalam ni Prince Kyle, na babalik na ko ulit sa palasyo. At para makausap narin sina Mama at Papa.

"Wag mo na akong intindihin Kyle. Basta, wag sanang puro pangako nalang yan. Gawin mo. Ayoko na talagang mauulit to. Sa susunod, baka hindi na lang yan ang abutin mo." Nakangiti si Papa ng sinabi nya yun.

"Ah kaya pala Papa, kayo po pala ang may dahilan kung bakit may pasa ang mukha ni Prince Kyle ah."

"Haha! Wag ka ng magalit kay Papa, kung hindi dahil ditto, hindi ako matatauhan." Nakangiti nyang sabi sakin.

"Hala Osya, sige na. Baka gabihin pa kayo. Eto na ang mga gamit ni Nicole." Inaabot ni Papa yun kay Manong Randy.

"Sige po. Uuuwi ko napo si Nicole. Pasensya na po talaga kayo." \

Niyakap ko si Papa at Mama bago pumasok sa kotse. At sumunod narin si Prince Kyle sa kotse.

Nakabalik na kami sa palasyo. Dumiresto na kami sa kwarto para makapahinga na.

"Haaaaaay. Namiss ko to ah." Paikot-ikot ako ng pumasok sa kwarto. At napaupo sa sofa. Tumabi sakin si Prince Kyle. At tinignan nya ako ng seryoso. Bigla nalang tumibok ang puso ko ng napakabilis. Sa sobrang excitement ba to? XD

"Ang kwarto lang ba ang namiss mo?" Tinitignan nya ako na parang bata. Ano bay an, kinikilig ako. Hahahaha! >.<

Napangiti ako sakaniya at bigla ko syang niyakap habang nakaupo kami pareho. "Syempre ikaw din. Super pa. Miss na miss na miss na miss na miss kita Prince Kyle." Pagkatapos nun mas niyakap nya pa ako ng mahigpit. Haaaay, Ang sarap namaaaaaaaan.

Nagulat ako ng bigla nya akong inihiga sa sofa. O__O At tinitigan ng nakakalokong tingin. >___< Anong gagawin nya? Napapikit na lang ako.

Narinig ko syang tumawa. Kaya napamulat ulit ako. O__O

"Hahaha! Bakit pumipikit?" Tanong nya habang patuloy parin sya sa pagtaawa nya. "Akala mo siguro, hahalikan kita no?" >___<" Haaaay!

"Hindi no!" Napaupo ulit ako at nagcrossed arms sabay pout. Bigla nyang inilapit ang mukha nya sakin at ipinatong sa balikat ko. At sabay...

*Muah!*

O___O 

Hinalikan nya ko sa cheeks. Okay. *BLUSH*  Napalingon ako sa kaniya. Pasimpleng tinatago ang ngiti nya. Napangiti ako at hinalikan ko din sya sa cheeks nya. Nagulat sya ng ginawa ko yun.

O__O  Reaksyon nya.

^___^ Reaksyon ko.

"I Love You!" Sabi ko sakaniya. Napatingin sya sakin. At inihiga na naman ako sa sofa. Tinitigan na naman nya ako ng nakakaloko katulad kanina. Pero alam ko na to. "Hahaha! Alam ko na yan niloloko mo na nam—" 

O_____O

"Haha! Ayan nakabawi na ko. I Love You More." Sabay tumayo na sya at naglalakad na papunta sa kwarto nya. "Magbihis ka na. At sabay tayong mag-aaral."

O____O

Dahan-dahan akong napaayos ng upo. At napahawak ako bigla sa lips ko. Ang daya nya! Nakadalawa na sya ah.  Sabay ayun na kinilig na ko ng tuluyan. At napapahampas sa mga throw pillow sa sofa.





My Little Miss PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon