(DANA'S POV)
"Anthony, wake up. Anthony." Kinakalabit ko sya. Malapit na kasi kaming bumaba. Para makapagready na rin.
"Anthony?"
Dahan-dahan syang nagmulat ng mata.
"Mm? Malapit na ba tayo?" Habang kinukusot ang mga mata at humihikab pa.
"Uhm yes, magready ka na."
Nakakatuwa talaga to si Anthony. Sandali lang naman ang byahe papuntang Hongkong e. Parang pagod na pagod pa sya.
(NICOLE'S POV)
"Mm." Nagising ako sa naramdaman kong sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Umaga na pala.
O______O
"Waaaaaah!" Nalaglag ako bigla sa kama ng makita ko ang mukha ni Prince Kyle katapat ng mukha ko.
"Aray ko!" Natama ang likod ko sa may side table pagkalaglag ko. Hinihimas-himas ko ang likura ko. "Awwww..." >___<
Bigla namang nagising si Prince Kyle at napaangat ang ulo ng makita nya ko sa baba ng kama.
"Anong nangyari sayo? Nalaglag ka parin? Niyakap na nga kita buong gabi para lang wag kang mahulog. Nahulog ka parin." Bigla syang tumayo at kinuha ang tuwalya na nakahanger sa may cabinet.
Niyakap? Nya ako? :">
"Maligo ka na pagkatapos ko. Sa labas na tayo mag-almusal." Sabay lumabas na sya sa kwarto.
"Ang sakit talagaaaaaa." Hawak ko ang likuran ko. Bigla akong napangiti ng maalala ko yung sinabi nya. "Yakap nya ko buong gabi?" Kinuha ko yung unan sa kama at itinakip sa mukha ko. Sobra akong kinikilig. :"> Ang aga naman nya kong pinasaya kahit ang sakit ng pagkalaglag ko. ^____^
Bigla syang sumilip sa pinto.
"Sya nga pala. Hindi ko alam na naglalaway ka pala ah." Sabay alis ulit nya.
O____O
Waaaaaaaaaaah! Nakakahiya. >____<
Natapos na kami mag-asikaso sa sarili namin. Inilabas na ni Manong Randy ang mga bagahe naming at hinatid kami nina Mama at Papa sa may labas ng bahay.
"Mama, Papa, alis na po kami. Maraming salamat po sa pag-aasikaso po samin."
"Naku, wala yun. Dapat lang na gawin namin yun. Basta, ingatan mo si Nicole ah. Wag na wag mo yang papaiyakin. Kapag umiyak yan, Ay! Patahanin mo na lang ah." Pabiro ni Papa. At nagtawanan naman sila. --______--
"Papa naman e. Akala ko pagtatanggol nyo ko."
Niyakap ako ni Papa. "Haha! Syempre naman. Alam ko naman kasi na hindi magagawang paiyakin ng isang Prinsipe ang anak namin. Dahil pinalaki sya ng isang Hari at Reyna e. Malaki ang tiwala ko kay Kyle." Inakbayan nya si Prince Kyle. "Ako ang makakatapat nito. Kung sakaling mangyari yun." Pabiro ni Papa.
Napangiti lang si Prince Kyle sa sinabi ni Papa.
"O sya, sige na mauna na kayo. At baka mahuli pa kayo sa flight nyo. Basta mag-iingat kayo ah. Dumalaw ulit kayo ditto pag may pagkakataon." Sabi ni Mama.
BINABASA MO ANG
My Little Miss Princess
Genç KurguSi Nicole ay isang 14y/o na commoner highschooler sa isang pinakasikat at pinakaluxurious na school sa kanila. Ang Royal Academy, kung saan ang mga anak ng mga pinakamataas at iginagalang na tao sa lipunan ay doon nag-aaral. Isang chef/tagapagluto s...