(NICOLE'S POV)
Galit parin ba sya sakin hanggang ngayon? Tinignan ko si Anthony. "Sorry Anthony ah. Kung pwede sana umalis ka muna. Wag muna tayo mag-usap. Sorry." Umakyat na ko at sinundan si Prince Kyle.
Pumasok sya sa kwarto niya. Pero bago pa nya masara ang pinto, pinigilan ko nay un ng kamay ko.
"Nicole, lumabas ka sa kwarto ko pwede?" Mahinahon na pagkakasabi niya. Pero alam ko galit sya. Bakit ba nagagalita sya kapag nakikita nyang magkasama kami Anthony? Dapat nga ako ang magalit sa kanya ngayon e. Dahil nakita ko sila kanina ni Dana na magkasama. Pero hindi naman mahalaga yun e. Dahil siguro magkaibigan lang sila. Katulad namin ni Anthony.
"Sorry pero... Hindi ako lalabas hanggat di mo sinasabi kung bakit ka nagagalit." Napaharap sya sakin.
"Diba sinabi ko sayong wag kang lalapit o makikipag-usap man lang kay Anthony? Bakit ba ang hirap para sayo na sundin yon? Bakit magkasama na naman kayo?" Galit na ang tono ng boses nya.
"Hinatid nya lang ako dito," Pagpapaliwanag ko. "Hinahanap kita kanina. Pero nakita ko kayo ni Dana na magkasama." Iniwas ko ang tingin sa kaniya. "Masaya kayong magkasama. Hindi na ko lumapit. Dahil—Dahil baka makaistorbo lang ako. Tapos nakarating ako sa park. Bigla na lang dumating si Anthony. Hindi naman ako nakikipagkita sa kaniya e."
Nakita kong medyo huminahon na ang aura niya.
"Nakita mo kami ni Dana?" Tumungo lang ako. Hinawakan nya ko sa magkabila kong balikat. "Bakit di mo ko tinawag? O nilapitan man lang?"
Umiwas ulit ako ng tingin sa kaniya. "Nakita kitang masaya." Hindi ko na tinuloy ang sunod na sasabihin ko dahil alam kong bigla na lang akong maiiyak. At ayokong makita nya kong umiiyak. Pero nagawa ko paring masabi yun. "Dun lang kitang nakitang ganun kasaya Prince Kyle. Iba ang mga tingin mo sa kaniya. Iba kapag kasama kita. Basta, ibang-iba sa lahat ng ipinapakita mo sakin. Kung ibang tao ang makakakita sa inyo, masasabi nilang bagay na bagay kayong dalawa." Hindi ako makatingin sa kaniya habang sinasabi ko yun sa kaniya.
Binitwan na nya ko sa balikat. Bigla kong narinig na bumubungisngis sya. Kaya napatingin na ko sa kaniya.
Aanong nakakatawa sa sinabi ko? Kanina galit sya, tapos ngayon tumatawa naman sya. Haaaay! Bakit ba sya ganyan? >___< Ako naman ngayon ang naiinis sa kaniya.
"Wag mo sabihing, pinagseselosan mo si Dana?" Natatawa parin sya. "Nagseselos ka kaya imbes na lapitan mo ko, tumakbo ka palayo?" Tuloy parin sya sa pagtawa niya.
"Nakakatawa ba?" Inirapan ko sya. "E ano naman ngayon kung nagseselos ako? May karapatan naman ako ah. Bakit ikaw? Hindi ka ba nagseselos?"
Tumigil sya sa pagtawa.
"Ako? Magseselos?" Napacrossed arms sya. "Hindi na si Kyle Neil ang taong to, kapag nagselos ako."
Anong ibig nyang sabihin? Hindi pa sya nagseselos? Abnormal ba sya at di nya pa nararamdamang magselos? TSSSSSS.
"Saka, hindi mo dapat pinagseselosan si Dana. Dahil si Dana, bestfriend ko sya mga bata pa lang kami. Normal lang na makita mo ko na ganun kasaya dahil kaibigan ko sya. Bakit ikaw ba hindi ka masaya kapag kasama mo mga kaibigan mo? Saka ikaw ang asawa ko. Palagi tayong magkasama."
Ipinaliwanag nya sakin ang lahat. Pero bakit ganun? Iba parin ang nararamdaman ko sa Dana na yun. Pakiramdam ko, hindi basta kaibigan lang ang tingin sa kaniya ng babaeng yun. Ang lagkit ng mga tingin nya kay Prince Kyle e.
BINABASA MO ANG
My Little Miss Princess
Fiksi RemajaSi Nicole ay isang 14y/o na commoner highschooler sa isang pinakasikat at pinakaluxurious na school sa kanila. Ang Royal Academy, kung saan ang mga anak ng mga pinakamataas at iginagalang na tao sa lipunan ay doon nag-aaral. Isang chef/tagapagluto s...