CHAPTER 26

6.8K 129 5
                                    

(KYLE'S POV)

Dumating na ang araw na kinatatakutan ko. Kinatatakutan ko dahil ngayon malalaman na ni Dana na ikakasal na ko. Hindi ko alam kung ano bang sasabihin ko pagkatapos nya tong mapanood sa TV. Dahil live coverage ang kasal namin. Lahat ng TV network sa pilipinas at iba pang bansa, nandidito. At I'm sure eto at eto lang ang magiging laman ng balita. Mixed emotions, alam naman nating hindi ako masaya, kaya for the sake of being a Royal at susunod na magiging hari ng bansang to, kailangan. Sa totoo lang I have a choice, pwede naman akong tumakbo at magpakalayo-layo dito. Pero ayokong madisappoint ang parents ko. Lalo ng isa ang pamilya namin sa iginagalang at tinitingala.

Tumunog ang phone ko.

Anthony Calling..

"Hello kuya? Where are you? Supposedly, nandito ka to help me."

"Yes I know. Kaya nga ko tumawag para sabihing hindi ako makakarating dyan. May some reasons lang akong ginagawa. Don't worry, pupunta ko dyan after ng wedding. Bye!"  Binaba na nya ang cellphone nya.

Ano naman kayang gagawin nya? Kahit man lang pumunta sya dito sa kasal na to.

"Kamahalan. Narito po ang iyong amang hari at reyna."

"Sige papasukin mo sila."

Pumasok silang pareho sa silid ko.

"Handa ka na ba Prince Kyle?" Kung pwede lang sumagot ng hindi.

"O-Opo. Kamahalan." At nagsmile ako ng fake.

"Naku napakagwapo mo talaga mahal kong anak. Hindi ko akalaing sa ganito kaagang edad, mag-aasawa ka na." Habang inaayos ng mahal kong ina ang colar ng americana kong suot.

"Halika na't mauna na tayo. Baka mauna pa sayo ang prinsesa mo."

Sabay-sabay kaming lumabas ng palasyo.



(NICOLE'S POV)

"Ayan, ang ganda-ganda mo na Nicole. Ikaw na ang pinakamagandang Prinsesa sa balat ng lupa." Si Mama, inaayos ang buhok ko, kahit kanina pa naman yun maayos gawa ng make-up artist na pinadala ng palasyo.

"Anak, minsan lang to mangyari na maikasal ka. Kaya ngumiti ka naman dyan. Sige ka, baka umatras si Prince Kyle pagnakita ka nyang ganyan. Ang pangit-pangit mo paghindi ka ngumiti." Si Papa nasa gilid ko. Sinusubukan akong pangitiin kasi kanina pa ko hindi kumikibo at hindi man lang magawang ngumiti.

Ngumit naman ako kahit papano. Si Papa at Si Mama, nakikita kong masaya sila para sakin. Masaya narin ako. Naramdaman kong may bumagsak na luha sa mga mata ko.

"Oh? Bakit ka naman umiiyak? Masisira ang make-up mo." Pinunasan ni Mama ang luha ko. Bigla ko syang niyakap. Niyak ko sya ng mahigpit. Mas lalo dumami ang bumabagsak na luha sa mga mata ko. Hindi ko alam kung kelan ko ulit mayayakap ng ganito si Mama. Kasi pagkatapos nito, sa palasyo na ko maninirahan. Hindi ko na masyadong makikita sina Mama at Papa.

"Anak...." Niyakap din ako ni Papa. Nang maramdaman ko ang yakap nya, hindi ko na napigilan pa ang sarili kong humagulgol.

Sa oras na to, naramdaman kong bata pa nga ako, habang yakap-yakap ang mga magulang ko. Hinayaan lang nila ako na umiyak habang yakap ko sila. Dahil alam ko na parepareho lang kami ng nararamdaman. Pinapatatag lang nila ang sarili nila para makita kong masaya sila para sakin. Mas lalong lumakas ang iyak ko. Ewan naalala ko kasi na hindi ko na maaabutan sila pag-uwi ko galing school. Hindi ko na maabutan ulit si Papa na nagluluto ng meryenda para sakin. Iba na ang uuwian ko. Iba na ang kwartong hihigaan ko. Hindi na ko makakauwi ulit dito.

My Little Miss PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon