(KYLE'S POV)
Maaga akong nagising. Ewan ko kung bakit. Hindi na nga ako masyadong nakatulog kagabi.
"Ano? Natauhan ka naba sa nangyari sayo? Hah! Tama lang sayo yan. Gawan mo ng paraan to Kyle. Kung ayaw mong mawalan ng pwesto sa palasyong to."
Haaay! Wala naman akong pakelam sa pwesto ko ditto sa palasyo e. Hindi ko naman ginusto to. Sino bang nag-isip na ipakasal ako sa gantong kaagang edad ko? Hindi ko na tuloy alam gagawin ko ngayon. Simula ng kinasal ako, naging masyadong magulo na ang buhay ko. Pero hindi ko naman maitatangging, kahit papano, naging malapit na k okay Nicole. Bigla akong napatingin sa tapat ng laptop ko, kung san nakita ko na naman ang picture naming ni Nicole.
FLASHBACK
"Ikaw? Ikaw ang kumukuha ng litrato ko?"
"Ah eh, Prince Kyle, P-pasensya tala—" Tatakbo nasana sya kayang nahuli ko na ang braso nya.
"At sa tingin mo, san ka pupunta?" Takot na takot ang itsura nya.
"P-Pasensya na po talaga."
Napatingin ako sa Pin nya. Freshman nga.
"Hindi mo ba alam na bawal ang kuhanan ng litrato ang prinsipe kapag pribado nyang oras? Ha!"
Kinuha ko yung cellphone na hawak hawak nya.
"Akin na yan!" Pilit nyang kinikuha sakin yung cellphone nya habang pang-aasar na nilalayo ko ito.
"Akin na sabi yan Prince Kyle! Akin na yaaaaaaan."
Nakakatuwa, ngayon lang sa tanang buhay ko na manghuli ng ganito at asarin.
END OF FLASHBACK
Napangiti ako ng bigla ko yung maalala. Yun ang unang pagkikita namin ni Nicole. Hindi ko pa alam na sya ang ipapakasal sakin nun. Napakulit na talaga noon pa. At inis na inis narin pala ako sa kaniya nun. Tinignan ko naman ang ibang picture namin sa kasal nun.
FLASHBACK
"Ikaw! Sinusundan mo ba ko?"
Bigla syang napalingon at gulat na gulat ang mukha nya ng makita nya ko. Natatawa ako sa itsura nya pero pinapanindigan kong suplado ako. Pero sa loob loob ko, tawang-tawa na talaga ako sa babaeng to.
"H-Ha? Ah-eh K-Kasi N-naliligaw ako." Napataas ang kilay ko.
"Anong sabi mo? Naliligaw ka? Naliligaw o talagang sinusundan mo ko? Kanina pa kita nahahalata." Habang papalapit ako sa kanya.
Hindi sya makapagsalita. Pausog sya ng pausog patalikod. Hanggang sa masandal na sya sa pader.
"P-prince Kyle. K-Kasi, G-gusto—" Naalala ko na. Eto rin yung babaeng nahuli kong kinukuhanan ako ng litrato nung isang araw.
"Nung isa araw, kinuhanan mo ako ng litrato. Tapos ngayon, sinusundan mo naman ako. Makulit ka talaga—"
END OF FLASHBACK
Biglang dumating si Anthony nun time na yun. Haaay! Ano bang gagawin ko? Hindi ko na maalis ang makulit na yun sa isip ko. Parang syang bisyo na ang hirap alisin sa buhay. Pero ko sya kakausapin? Ganung ayaw na nya sakin?
BINABASA MO ANG
My Little Miss Princess
أدب المراهقينSi Nicole ay isang 14y/o na commoner highschooler sa isang pinakasikat at pinakaluxurious na school sa kanila. Ang Royal Academy, kung saan ang mga anak ng mga pinakamataas at iginagalang na tao sa lipunan ay doon nag-aaral. Isang chef/tagapagluto s...