CHAPTER 37

6.8K 135 5
                                    

(KYLE'S POV)


Hindi naman sa binabalewala kita, hindi ko lang matanggap nung una na ikaw na ang makakasama ko habambuhay. Susubukan ko na mahalin ka, kagaya ng pagmamahala ko kay Dana na hindi ko naipakita at naparamdam sa kaniya. Pero hindi ko alam kung madali. Pero alam kong makakalimutan ko din sya.

Nakapasok na sya sa kwarto niya. Hindi ko alam kung bakit ko nasabi sa kaniya at ganun ang inasal ko. Siguro, dahil narin sa inis na makita ko syang masaya kasama ni Anthony. Inamin naman nya yun. Ang hindi ko lang matanggap na ako ang asawa nya pero sa ibang lalake sya masaya.

TOK! TOK! TOK!

"Sino yan?"

"Kamahalan, ang mahal na hari po."

"Sige papasukin mo sya."

Pumasok ang amang hari.

"Nasaan, si Prinsesa Nicole? Natutulog naba sya?" Naupo sya sa katapat kong upuan.

"Siguro po."

"Siguro? May problema ba sa inyo?"

"Wala po kamahalan. Uhm, hindi pa po kami nakakapaghapunan. Magpapahatid po sana kami ng pagkain ditto."

"Ah sandali. Naparito nga pala ako para tanungin ka sa nalalapit mong kaarawan. May binabalak na kami ng iyong ina. Gusto sana naming imbitahin ang lahat ng mag-aaral sa Royal Academy. Para naman masak-"

"Wag!" Ayoko. Siguradong may mga media na naman sa araw na yun. Ayoko ng masyadong maraming tao. Hindi ako nag-eenjoy kapag ganung kadaming tao.

Napahindto sya sa sinabi ko.

"Bakit? Hindi mo ba gusto? O baka naman may binabalak ka na para sa sarili mo?"

Matagal ako bago makasagot. Wala naman akong naiisip gawin sa birthday ko. Hindi ko iniintindi masyado yun. Madadagdagan lang ang edad ko. Anong masaya dun? Ayokong tumanda. Bigla kong naalala yung mga sinabi k okay Nicole kanina.

"Ah! Meron po. Kung pwede po sana, sakin po muna yun."

"Uhm, okay." Lumapit sya sakin at inakbayan ako. "Sige, aalis na ko. Ako ng bahala sa pagpapahatid ng hapunan nyo. Saka sa iniisip mong gawin sa birthday mo, ako na rin ang bahal kung anoman yan." Lumabas na sya sa kwarto.


(NICOLE'S POV)


Ikot sa left. Ikot sa right. Tihaya. Dapa. Ikot sa ulit sa left. Sa right ulit. At tihaya.

"Haaaay!" Napaupo ako sa pagkakahiga ko. "Bakit ba ang hirap matulog?"

Kinilig lang ako, di na ako matulog? Gaaah! Si Prince Kyle naman kasi. Ang galing-galing akong pakiligin e. Ako naman ang bilis-bilis ko naman kiligin. >___<

"Brrrrr~..."

Napahawak ako sa tiyan ko. "Oo nga pala. Di pa nga pala ako naghahapunan. Kaya siguro di pa ko makatulog." Bumaba ako sa kama at ibinaba ang yakap-yakap kong unan.

Lalabas muna ako, baka sakaling may gising pa at makakuha ng pagkain. Papalabas na ko ng kwarto. Pagkabukas ko, nakita ko si Prince Kyle, may dala-dalang tray ng pagkain at akmang kakatok palang sa kwarto ko.

"Prince Kyle."

Dirediretso syang pumasok sa loob ng kwarto ko at inilapag ang tray sa may kama.

My Little Miss PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon