(NICOLE'S POV)
"Nicole, Dalian mo na dyan. Uwing-uwi na ko."
"Konti na lang matatapos na. Eto oh isang check na lang. Okay tapos na."
Mr. Peppermint na yan. Ang tagal ko daw kasi magtapon ng basura kaya eto, ako ang inutusan magcheck lahat ng papers namin. Kainis. Trip na trip nya ko e. Hindi tuloy ako nakapagtext kina mama na malelate ako ng uwi. Buti na lang sinamahan ako nina Pamela at Laurie.
"Sir tapos na po ako."
"Okay you can go home na. Iwan mo na lang dyan ako na magrerecord." Mabuti naman at naisip mo yun. Matusok ka sana nyang pusher.
"Ouch! Sh*t!"
Ayan ang bilis ng karma. XD
Naglalakad na kami palabas ng faculty room.
*Toot-toot!*
"Ooops, wait may nagtext lang."
From: Mama <3
Nicole, wer na u? Umuwi ka na.
"Sino yan?" Si Laurie talaga. Sinisilip kung sino nagtext sakin.
"Si Mama, pinapauwi na ko. Uhm, Pamela, Laurie sorry ah. Thank you sa paghihintay. Mauna na ko sa inyo. See you next week! Bye!" Tumakbo na ko pababa hanggang sa makalabas na ko ng school.
*
*
*
*
*
*
*
Malapit na ko sa bahay. Mm? Malayo palang tanaw ko na yung mga kotse sa tapat ng bahay namin. Anong meron?
Hindi nga ko nagkamali, ang daming kotse. Parang pamilyar tong mga kotseng to ah.
"Teka? Eto yung mga kotse nung mga Men in black na pumunta sa bahay namin nung dati. Ano na naman ginagawa nila dito?" Naalala ko bigla yung text ni Mama. "Naku, kaya siguro pinapauwi na ko ni Mama, baka may nangyayari ng masama sa loob!"
Nagmadali akong pumasok sa loob ng bahay namin. May bitbit pa kong dos por dos. Ang daming men in black na naman ditto. Pero ba't parang wala naman nagaganap na kumosyon sa loob? Cool na cool pa silang nakatayo na parang mga istatwa. Tuluy-tuloy ako hanggang malapit na ko sa pinaka pinto ng bahay namin.
"Mama? Papa? Ano—"
O________________O
"Anak mabuti dumating ka na." Pangbungad sakin ni Papa.
Hindi ko maibuka ang bibig ko. Pero anong ginagawa ditto ni Prince Kyle? At kasama pa nya si King Martin? Hindi kaya isinumbong nya ko? Tungkol sa mga ginawa ko sa kanya? Nakuuuuuuuuuuuu. >________<
Biglang tumayo si King Martin.
O_____O Eto na hahatulan nya na kooooooooooo. T______T
Mm? Ngumiti sya sakin.
"Sa wakas at nakita na rin kita. Mas cute ka pala sa personal hija."
"P-po? Ano pong—" Bigla akong hinila ni Mama sa kanila.
"Halika dito maupo ka na."
"Mama? Ano pong meron ngayon? Akala ko po kung anong nangyari sa inyo dahil dun sa text niyo e." Bulong ko kay Mama.
"Mukhang wala na tayong hinihintay. Si Deanna kasi ay nasa out of town ngayon kaya hindi naming sya kasama. Umpisahan na natin ang pamamanhikan."
O_____O
>_____<
Ano daw? Pamamanhikan? Pero sino?
O______O
"Ano po?! Mama? Papa? Ano pong ibig sabihin nito?" Bigla akong napatayo sa pagkakaupo ko.
"Ah-eh anak. Kaya nandidito ang Mahal na hari at si Prince Kyle, dahil sa. Dahil kasi ano."
"Ano po?" Pambitin naman to si Papa e.
"Hindi mo ba nagegets? Ikakasal ka na." Sabat naman ni Prince Kyle.
Napatingin ako sa kanya.
"I-ika-ikakasal na ko?"
5
4
3
2
1
Black out.
BINABASA MO ANG
My Little Miss Princess
Teen FictionSi Nicole ay isang 14y/o na commoner highschooler sa isang pinakasikat at pinakaluxurious na school sa kanila. Ang Royal Academy, kung saan ang mga anak ng mga pinakamataas at iginagalang na tao sa lipunan ay doon nag-aaral. Isang chef/tagapagluto s...