(NICOLE'S POV)
"Ginabi ata ang Papa mo ngayon. Wala pa sya ah." Nakasilip si Mama sa may pintuan at inaabangan ang pagdating ni Papa. Habang ako namomoblema. Si Papa kasi ang tipong hindi ganun kadaling mapaniwala. Tapos, alam nya kung nagsisinungaling ang isang tao o hindi.
Pumasok na si Mama. Mukhang napagod na sa paghihintay.
"Anak, pakitawag mo na lang ako kapag nandyan na ang Papa mo ah. May gagawin lang ako sa likod bahay."
"Opo."
Papasok na ko sa kwarto ng biglang tumunog ang gate. Nakita ko si Papa. Nakita nya ko. Pero parang hindi sya nagulat ng makita nya ko.
"Papa!" Masaya ko syang sinalubong at nagmano. Hindi sya tumingin sakin. Dirediretso lang sya sa sofa pagmag-alis ng sapatos nya.
"Tama nga ang narinig ko, nakauwi ka na nga kayo."
"Po?" Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Papa. May alam na kaya sya sa nangyari?
Bigla syang napatingin sakin. "Sabihin mo sakin Nicole, totoo bang nakikipagkita ka kay Prince Anthony habang nasa hongkong kayo?"
Naramdaman ko na lang na biglang tumulo ang mga luha ko. At biglang pumasok si Mama.
"Honey nandito ka na pala. Nakita mo na pala ang anak mo. Alam mo bang hinatid sya rito ni Prince Anthony. Nag-paiwan daw si Kyle sa hongkong at pinapaiwan muna dito si Nicole satin." Sabi ni Mama.
"Nicole! Sagutin mo ang sinasabi ko!" Biglang sumigaw si Papa. Kaya mas lalo akong naiyak. At nangninig ang mga kamay ko.
"Honey! Bakit mo sinisigawan si Nicole?"
"Grace wag ka munang makikisali dito! Hindi mo alam ang totoo!"
Napatingin ako kay Mama at nakita kong nagtataka na sya. Nilapitan na ako ni Papa at hinawakan ako sa braso.
"Anak? Totoo bang niloloko mo si Prince Kyle?"
"Hindi po totoo yan!" Umiling ako ng sabihin ko yun habang patuloy sa pagdaloy ng luha sa mga mata ko. "Hindi ko po magagawa yun Papa." At napahagulgol na ko.
Lumapit sakin si Mama at hinawi ang kamay ni Papa na nakahawak sa braso ko.
"Ano ba honey! Ano bang sinasabi mo dyan!" Hinahawi ni Mama ang buhok ko na tumatakip sa mukha ko. "Anak, ano bang nangyari talaga?"
"Mama, Papa, ayoko na po."At napayakap ako kay mama habang inilalabas ko ang lahat ng masakit na nararamdaman ko. "Hindi naman po ako mahal ni Prince Kyle e."
"Anak, baka nabibigla ka lang sa sinasabi mo. Normal lang na magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa mga mag-asawa."
Napaiiling ulit ako. "Hindi po, Hindi nyo naman po kasi alam kung ano ang totoo. Hindi nya po ko mahal. Mama, binabalewala nya po ako." Nakita ko si Papa na parang naiiyak habang nakikita nya kong nasasaktan. "Ayoko na po. Hindi lang naman ngayon nangyari to e. Hindi nyo po kasi ako nakikitang umiiyak. Pero Mama!" Napabuntong hininga ako. "Nasasaktan na po ako. Palagi nya na lang po akong ginaganito. Ni hindi nya magawang mag-alala sakin. Kaya hindi po totoong nakikipagkita ako kay Anthony. Si Anthony po ang nakakintindi sakin. Kaya wag nyo pos yang husgahan." Napatakbo ako sa loob ng kwarto na patuloy na umiiyak.
"Honey san ka pupunta?"
(PAPA'S POV)
"Honey san ka pupunta?"
Mabilis akong lumabas ng bahay. Isa lang ang nararamdaman ko sa oras na to. Hindi ko kayang nakikitang sobrang nasasaktan si Nicole. Nadudurog ang puso ko. Bilang ama nya, karapatan kong malaman at maliwanagan kung ano ba ang totoo. Kaya nagmamadali akong papunta sa palasyo. Kahit gabi na alam ko papasukin parin nila ako.
Papasok na ko sa palasyo ng makita ko si Prince Kyle sa may garden na nag-iisa. Hindi ko pa sana sya lalapitan at pupunta muna sa kusina ng palasyo ng bigla nya akong makita at tawagin.
"Papa!" Patakbo sya saking lumapit.
Pinipigilan ko muna ang galit ko. Mamya kasi mali lang ang nasasabi ni Nicole. Nginitian ko sya. Napansin kong may hinahanap sya na kasama ko.
"Nasa bahay si Nicole." Mahinahon kong pagkakasabi.
"Ah ganun po ba." Mababa nyang pagkakasabi. Sabay tumalikod sakin.
"May problema ba sainyo ng anak ko?"
Napahinto sya sapaglalakad at humarap muli sakin.
"Si Nicole po. Hindi ko sya maintindihan kung bakit hindi sya umuwi ditto sa palasyo. Bigla na lang pos yang nagdesisyon na dun sya sainyo uuwi. Ah sige po. Matutulog na po ako." Tumalikod ulit sya sakin.
"Hindi mo ba aalamin kung ayos lang sya? O nakauwi ba sya ng maayos?"
Humarap sya ulit sakin. At napangiti. "Hindi na po. Nasa inyo lang naman po sya e. Kaya alam ko pong maayos sya. Saka babalik din po yun dito. Sige po." Tumalikod na ulit sya at naglalakad na palayo sakin.
Bigla na lang ako napaayos ng kamao ko. Eto ba ang totoong Prince Kyle? Pati sakin wala syang pakelam? Hindi ko na napigil pa ang nararamdaman ko. Napatakbo ako sa kaniya at sinuntok sa mukha.
"Aaaaah! Wala ka ba talagang pakielam sa anak ko!" Nasampal at nasuntok ko na sya. Pero hindi sya sakin pumapalag. "Bakit ka ba ganyan?! Ha! Nagtiwala ako sayo na hindi mo sasaktan ang anak ko! Pero bakit ganito ang ginawa mo! Alam mo bang sobrang nasasaktan si Nicole sa nangyayari? Bakit hindi mo man lang magawang pakinggan ang totoong nangyari?!" Napahinto na ko sa pagsuntok at pagsampal sakaniya. Wala akong pakielam kung prinsipe sya. Sa oras na to, ang anak ko ang inagrabyado nya at hindi ko yun mapapalagpas. Hingal na hingal akong napatigil.At naramdaman kong medyo kumalma na ako. "Bakla ka ba? Bakit mo nagagawang balewalain ang anak ko? Sa ginawa mong pakikipag-usap sakin kanina, naramdaman ko ngang wala kang pakielam sa kanya. Alam mo bang nasasaktan akong makita ang anak kong nasasaktan ng sobra? Hindi mo alam nadudurog ang puso ko." Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Nakita ko ang mga magulang ni Prince Kyle kasama ng mga bodyguard. Pero hindi nila ako pinagbawalan sa ginagawa ko. Alam kong naiintindihan nila ang nararamdaman ng isang amang katulad ko. Napatingin ulit ako kay Prince Kyle. "Alam mo ba ang sinabi ni Nicole? Ayaw na nya. Sumusuko na sya. Pero bakit ko nga ba nasasabi to sayo?" Napabuntong hininga ako. "Kung sa anak ko nga pala wala kang pakielam sa nararamdaman nya, pati siguro saming mga magulang nya ay wala kadin pakielam. Hindi ko ginawa to para makaganti para kay Nicole. Ginagawa ko to para lang malaman mo na ako ang tatay nya. Naalala mo naman siguro ang sinabi ko sayo. Kahit na pabiro yun. Matino akong kausap. Hindi kita pinipilit na ayusin ang gulo nyong dalawa. Ang gusto ko lang, malaman mo ang nararamdaman ko. At matauhan ka." At umalis na ko sa harap ni Prince Kyle. At nagbigay galang sa mga magulang nya.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
"The only man a girl can defend on, is her father."
Maraming salamat po sa mag patuloy na nag-aabang at naghihintay sa mga i-aaupdate kong chapters. Saka welcome sa mga bagong readers! J :*
BINABASA MO ANG
My Little Miss Princess
Ficção AdolescenteSi Nicole ay isang 14y/o na commoner highschooler sa isang pinakasikat at pinakaluxurious na school sa kanila. Ang Royal Academy, kung saan ang mga anak ng mga pinakamataas at iginagalang na tao sa lipunan ay doon nag-aaral. Isang chef/tagapagluto s...