(NICOLE'S POV)
"Nicole, anong sagot dito?"
Ewan ko parang wala ako sa mood para mag-aral ngayon. Nakatitig lang ako kay Prince Kyle habang nagrereview ng mga lessons. Masaya ako dahil hindi na sya katulad ng dati. Pero may isang bagay na masyadong nagpapalungkot sakin. Malapit na kasing grumaduate si Prince Kyle sa Royal Academy e. Nalulungkot ako. Dahil kung kailan masaya na ako ulit. Saka naman hindi na kami magkakasama at makakapagsabay pumasok sa school.
"Nicole? Okay ka lang ba?" Hinawakan nya ako sa baba.
Ngumiti ako.
"Mm, Oo naman. Nasan na nga ba tayo?" Pagiwas ko sa tanong nya.
Hinarap nya ulit ang mukha ko sa mukha nya.
"Alam kong hindi ka okay. Kilala kita Nicole. Ano bang iniisip mo? Kanina pa kita napapansin sa school e." Kitang-kita kong nag-aalala sya sakin. Hindi ko alam na kanina nya pa pala ako napapansing tahimik.
"Uhm, kasi." Tinitigan ko sya ng mabuti. Sabay niyakap ko sya.
"Oh bakit?"
"Ilang araw na lang kasi, gagraduate ka na e."
Bigla syang napabungisngis. At umalis ako sa pagkakayakap sa kaniya.
"Yun yung kanina mo pa iniisip?" Tumungo ako at napayuko.
"Hindi ka ba masayang gagraduate na ako?"
"Ah? Syempre masaya. Kasi, magsisimula ka ng pasukin yung gusto mo sa buhay." Ngumiti ako. Pero kahit nakangiti ako, hindi ko talaga maiwasang maging malungkot. At isiping magkaiba na ng eskwelahan ang papasukan naming sa susunod na taon. Iniangat nya ang ulo ko. Nakita ko syang nakingiti sakin. Ang ngiting lagging nagpapasaya sa pakiramdam ko. Ang ngiti na kahit kelan hindi ko pagsasawaan.
"Yun naman pala e. Pero bakit sa itsura mo parang hindi naman ata?"
Napakagat ako sa labi ko at pilit na itinatago ang nararamdamang lungkot. Isa pa, iba na ang school nya, sigurado akong marami na syang makakasalamuhang mga tao. At syempre mga babae. Hindi ko kaya kapag makikita ko syang may mga kasamang babae. Kahit na sabihing classmate o kaibigan lang. Pano na lang yung mga katulad ni Dana. Ayoko maulit ulit yun. Hindi ko masabi yung mga posibleng naiisip ko.
"P-Pano kasi." Mas lalo syang napatitig sakin. "Hindi na tayo magkasama sa isang school. Tapos..."
"Tapos?" Tanong nya.
"Tapos, m-maka-k-kilala ng ibang babae." Sabay iniwas ko yung tingin ko sa kaniya. "Hindi naman impossible yun diba? Kasi University na ang papasukan mo sa susunod na taon. Sigurado akong mas maraming babae ang magkakagusto sayo dun. Saka.."
"Saka?" Tanong nya ulit.
"Saka, mas- mas – mas magaganda sila." Haaay! Bakit ba kasi hindi nalang kami sabay grumaduate. Bakit ang tagal ko pa. >__<
"Yun lang?" :) Bigla akong napatingin sa kaniya na nakangiti parin.
"Anong yun lang?" Pagtataka ko sa kaniya. ~__~
Bumaling sya ng tingin sa may study table nya. Hui! Yun lang ang reaksyon mo? Haaay. Tsk! Hindi nga malayong mangyari yung mga iniisip ko?
"Hindi yun sapat na dahilan. Para malungkot ka." Ha? Hindi ba yun sapat? Anung ibig mong sabihin? T__T Tumingin ulit sya sakin. "Nicole, ikaw ang asawa ko. Magkasama parin tayo dito sa palasyo. Umaga, tanghali, at gabi, magkasama tayo. Yun nga lang sa susunod na taon, hindi na madalas. Dahil magiging busy na ko sa College. Pero, wag mong isiping pababayaan kita. Nandito parin ako." Hinawakan nya ako sa kamay. "Sabay parin tayong magrereview. Kahit magkaiba tayo ng lessons, tutulungan parin kita. At kung iniisip mo na makakahanap ako ng iba, malabong mangyari yun. Ayoko ng maramdaman yung suntok ni Papa no." napangiti sya. "Hindi joke lang. Seriously, wala na akong mahahanap na katulad mo. Ikaw lang ang nag-iisang Nicole e. Ikaw lang ang Nicole na masarap yumakap, maglambing. Higit sa lahat wala ng mas kukulit pa." Sabay pingot sa ilong ko.
BINABASA MO ANG
My Little Miss Princess
Teen FictionSi Nicole ay isang 14y/o na commoner highschooler sa isang pinakasikat at pinakaluxurious na school sa kanila. Ang Royal Academy, kung saan ang mga anak ng mga pinakamataas at iginagalang na tao sa lipunan ay doon nag-aaral. Isang chef/tagapagluto s...