CHAPTER 2

10.3K 233 5
                                    

(SA SCHOOL)

Hay! Nakarating din sa wakas. Pagpasok ko, nakapila ang lahat base sa year and section. Pero yung iba, nandito pa sa gate. Ano kayang hinihintay nila ditto?

"Shocks! Hahanapin ko pa pala yung pila ko." Napakamot ako sa noo ko.

Medyo maraming estudyante kaya nahihirapan akong hanapin ang pila ng mga new students.

"Excuse me?"

Napalingon ako sa kumalabit sakin sa likod. Isang magandang babae. Mukha rin syang freshman.

"Mm?" Nginitian ko sya.

"Uhm, I'm a new student here e. Alam mo ba yung pila ng mga Freshman?" tanong niya.

"Ah tamang-tama. Freshman din ako e. Kung gusto mo, sabay na tayong hanapin yung pila."

"Really? Sure." Nginitian nya ko. Ang cute nya, medyo singkit sya at maputi pa. Nako saan pamilya kaya to galing.

Habang naglalakad kami tinanong ko sya.

"Nga pala, anung section mo?"

"Uhm, section Diamond."

"Oh talaga? Classmate pala tayo. Diamond din ang section ko e."

Section diamond ang pinakamataas na section sa school na to. Sa section din yun naiipon ang mga matatalino at mapeperang estudyante. Ako? Scholarship kaya napunta ako dun.

"Oh my god! By the way I'm Laurie Yu. From McDevitt Academy." Pakilala niya.

McDevitt Academy? Yun yung pumapangalawa sa school na to ah.

"Talaga? Galing kang McDevitt Academy?" Ano ba? Ang dyahe naman kung sasabihin kong galing ako sa Mababang paaralan ng Emilio Aguinaldo.

"Ah ako nga pala si Nicole Solomon. Nice meeting you Laurie." -______- Di ko na lang sinabi. Talung-talo ang school na pinaggalingan ko.

"Nice meeting you too Nicole!" Napakasmiling face nya. :3

Nakarating na kami sa pila.

"Hello classmates!" Bati ni Laurie sa mga classmates namin.

Nakakahiyang makisama sa kanila. Para kasing allergic sila sa mga commoner na katulad ko.

-________-

Maya-maya nakarinig na ko ng mga tilian at hiyawan. Parang may celebrity na dumadating.

Mula sa hindi kalayuang gate, may pumasok na mga kotse. Tapos may mga convoy pang mga nakamotor. At huling pumasok ang isang itim na pajero.

"OMG! He's here! Nandyan na syaaaaaaaaaa!"

"Grabe namiss ko sya!"

"Prince Kyle! I missed you!"


Prince Kyle? Oo nga pala may nag-aaral na prince at princess dito. Sabi ni Papa dito din daw nag-aaral ang mga anak ni King Martin at Queen Deanna. Pero di naman nya nabanggit kung anung pangalan nila.

E eto kayang si Prince Kyle, saan naman syang angkan galing?

"My goooosh! I really love you Prince Kyle!"

"Marry me! I can be your Princess!"

Naturingang mga high profiles ang mga pamilya, tinalo pa nila yung mga nag-aaral sa public kung makatili.

Mas lalong lumakas ang tilian ng bumaba na yung Prince Kyle na sinisigaw nila.

O_________O

Napatulala ako.

Prinsipeng prinsipe ang tindig nya. Matangkad, matangos ang ilong makinis, maputi na kasing puti ng gatas. Lahat na ata ng katangian ng isang prinsipe na gusto ko nakita ko sa kanya. >___<

"Nicole! Ang pogi nyaaaaaaaaaaa." Si Laurie habang niyuyugyog ang braso ko.

Hindi ko maiaalis ang tingin ko sa prinsipeng yun.

"Nicole?"

Hindi ko parin sya pinapansin.

Hanggang sa dumaan na sa harap ko ang prinsipeng yun.

Naiwan na kong nakatulala parin. Habang sinisinghot ang halimuyak niya.

"Nicole?!" Sinigawan ako ni Laurie sa tenga ko.

"Ay butete! Bakit mo naman ako sinigawan Laurie." Hinawakan ko ang tenga ko.

"Haay, sayang naman." Biglang lumungkot ang mukha niya.

"Sayang? Bakit sayang?" Nagtataka ko sa pinasasabi nya.

"Narinig ko kasi na graduating na pala dito yang si Prince Kyle. 1st and last year na natin sya makikita dito."

Talaga? Graduating na sya? Hay sayang nga. Ano ba iniisip ko, hindi rin naman ako mapapansin ng isang prinsipeng katulad nun.

After assembly, dumiretso na kami sa classroom.

My Little Miss PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon