CHAPTER 14

7.7K 177 1
                                    

(KYLE'S POV)

Nagbabasa ako ng mga lessons. Habang palakad-lakad naman si Randy sa harap ko.

Sinisundan ko sya ng tingin. Hindi na ko mapakali ditto. Nahihilo na ko sa kanya.

"Randy! Ano bang problema mo't palakad-lakad ka dyan? Maupo ka nga."

Huminto naman sya.

"Uhm. Kamahalan—"

Biglang bumukas ang pinto ng silid ko.

Pumasok ang amang hari.

"Kamahalan." Napatayo ako.

"Uhm lalabas po muna ako—"

Pinigilan nya si Randy na lumabas.

"Randy, manatili ka dyan."

Napayuko lang si Randy. Teka, ano bang meron?

"Maupo ka muna Prince Kyle. May kailangan tayong pag-usapan."

Naupo na ko.

"Tungkol po ba saan? May problema po ba Ama?"

Napangit sya.

"Wala, walang problema Prince Kyle. May sasabihin lang ako sayo."

Nakinig na lang ako.

"Ano po ba ang gusto nyong sabihin? Mahalaga po ba? Nag-aaral po kasi ako."

Tumungo sya.

"Mm."

"Matagal ko na tong pinag-isipan at napag-usapan na namin ito ng iyong Inang Reyna. Alam mo naman na ikaw ang susunod na magiging hari ng bansang to. At hindi natin masasabi kung hanggang kelan nalang ang buhay ko."

Napakunot ako ng noo.

"Ama? Ano pong ibig nyong sabihin? May karamdaman po ba kayo?"

Umiling sya.

"Hindi, wala. Wala akong karamdaman. Napagdesisyunan ko lang na ipakasal ka na sa lalong madaling panahon."

"Ah ganun po ba."

O_________O

"Ano?!" Napatayo ako sa gulat.

"Prince Kyle."

"Anong sabi nyo? Kasal? Ikakasal na ko?"

"Prince Kyle. Wag mo akong pagtaasan ng boses. Ama mo ako."

"P-pero. Hindi ko pa kaya. Hindi ba pwedeng makapagtapos muna ako? Bakit, bakit po ba pabigla-bigla kayo magdesisyon? Alam rin to ng inang reyna?"

Napahawak ako sa noo ko. Ano bang narinig ko? Totoo ba to?

Napatingin ako kay Randy. Hindi sya makatingin sakin. Alam kong alam nya to.

"Makinig ka muna Prince Kyle. Huminahon ka muna. Hindi mo ko naiintindihan e."

Napabuntong hininga ako.

"Kung ikakasal man ako, kanino? Sino sya? Kilala rin ba ang Pamilya nya? Isa ba sya sa mga babaeng pinakilala nyo sakin noon?"

Hindi talaga ako makalma. Sino ba naman ang hindi maiinis kapag sinabihan kang ikakasal ka na, sa edad mong 17? Saka mag-18 pala ako.

Tumayo sya.

"Nag-aaral din sya sa Royal Academy. At sigurado akong magugustuhan mo sya."

Nag-aaral sa Royal Academy? Sino? Si Dana kaya? Kung sya man, hindi na ko tututol pa.

"Siya si Nicole Solomon. Ang anak ng matalik kong kaibigan nung highschool. Makikilala mo rin sya."

"Nicole Solomon?! Ano namang kinalaman nya at sino sya?"

"Napunta sa pamilya nya ang singsing na ipinamana sakin ng Inang Reyna noon. At ang kautusan na kung kanino man mapunta ang singsing na yun, ay sya ang susunod na mapapangasawa ng susunod na Prinsipe. Kaya, Tapos na ang pag-uusap na to. Wala na kong mga tanong pa na sasagutin."

Lumabas sya sa silid.

"Pero Ama—"

Tuluyan na syang nakalayo.

Napaupo ako sa sobrang inis.

"Kamahalan, pasensya na po kung di ko nasabi sa into ang bagay na to. Mahigpit po akong pinagbawalan ng hari na mabanggit po ito sa inyo."

Napasama ang tingin ko kay Randy.

"Lumabas ka muna Randy!"

"Masusunod po."

Pagkalabas ni Randy, nasipa ko ang lamesang nasa harapan ko.

My Little Miss PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon