CHAPTER 19

7.4K 147 6
                                    

(ANTHONY'S POV)

"Nasabi po sakin ni Prince Kyle na ikakasal na sya. Pero Ama, ako ang panganay. At ako dapat ang magmamana ng trono niyo!"

Alam ko naman na mangyayari na to sa simula palang. Wala naman akong interes kung kanino man nya ipapasa ang paghahari nya. Pero ngayon, parang natauhan na ko. Karapatan na ang ipinaglalaban ko.

May konting galit akong nararamdaman. Dahil sa pagkakataong ito, kailangan ko kunin ang karapatan ko. Bakit ba palagi na lang si Kyle?

Tumingin ang mahal na hari sakin ng may galit na mababakas sa mukha niya.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo Anthony?" Napailing sya. "Ikaw? Nakikita mo ba ang sarili mo? Hindi sa katangian mo ang nakikita kong pagmamanahan ng trono ko. Wala ka na namang interes diba? Pero ba't ngayon parang nagbago na ata ang pananaw mo sa buhay? Ayusin mo muna ang buhay mo bago mo ipagmalaki sakin na karapatdapat ka nga."

Napalakas na ang boses ko.

"Pwes! Sino?! Si Kyle ba? Si Kyle ba ang karapatdapat? Bakit ba palagi na lang sya?! May karapatan ako para mamuno sa bansang to sa darating na panahon. Ipaglalaban ko yon! Ipaglalaban ko kung ano ang nararapat para sakin!"

Umalis na ko sa harapan ng hari. Baka kung ano pang masabi ko. At makalimutan kong tatay ko sya.

Nakakainis! Kahit kelan, hindi nya ko pinanigan. Nagtataka pa sya kung bakit ako ganito? Pwes! Ipapakita ko sa kaniya na ako ang mas karapatdapat na pumalit sa pwesto nya kesa sa paborito nyang anak.

Naalala ko bigla ang bagay na nakita ko kay Nicole kanina.

"Hindi pa kilala ni Kyle kung sino ang pakakasalan nya." Napangiti ako.

(KINABUKASAN SA SCHOOL)

(NICOLE'S POV)

Maaga akong nakarating sa school. Wala pa sina Pamela at Laurie.

^______^

^______^

^______^

Tinititigan ko muna ang Picture ni Prince Kyle sa Cellphone ko. :">

Teka? Sa kabilang building lang naman sya diba?

^_______^ Hihihihi. :">

"Hindi naman siguro masamang Makita ka diba?" Para akong sirang kinakausap ang picture ni Prince Kyle. XD



(KYLE'S POV)

Napaaga ata ako sa pagpunta ng school. Mabuti narin to wala pa masyadong estudyante.

Pasakay na ko sa elevator ng may napansin akong anino na parang sumusunod sakin. Paglingon ko.

Wala.

Dirediretso na lang ako sa may elevator at di ko na lang pinansin.

Nakarating na ko sa 4th floor kung san ang room namin. Oo nga maaga pa nga talaga. Wala pang mga estudyante kundi mga professors pa lang ang nakakasalubong ko.

"Goodmorning Prince Kyle!"

Tumungo lang ako.

"Aga nyo po Prince Kyle ah! Goodmorning po!"

Tungo lang ako ng tungo. Masyado pa kasing maaga at nakakatamad pang magsalita.

Dalawang rooms pa bago ko marating ang classroom namin.

Maya-maya, may narinig akong yapak ng sapatos mula sa likod ko. Lumingon ulit ako.

WALA? -__- Minumulto na ata ako ah.

Dumirediresto na lang ako ulit sa paglalakad.

Mm? Meron ulit akong naririnig na may sumusunod talaga sakin.

Pasimple akong lumiko sa isang classroom at nagtago sa pintuan. Sumilip ako kung sino ba ang sumusunod sakin kanina pa.

Mm? =____O

"Asan na yun? Ang bilis naman nya maglakad."

Hindi nga ko nagkakamali may sumusunod nga talaga sakin. Akala ko minumulto na ko. Huminto sya sa tapat ng pinto kung san ako nagtatago.

Teka? Pamilyar ang babaeng to ah.

Palinga-linga sya. Hinahanap nya ko.

At ng tumalikod sya saka na ko lumabas. Nakatayo na ko sa likod nya. At sya, naghahanap parin sakin. Natatawa ako pero pinipigilan ko lang.

"Ikaw! Sinusundan mo ba ko?"

Bigla syang napalingon at gulat na gulat ang mukha nya ng makita nya ko. Natatawa ako sa itsura nya pero pinapanindigan kong suplado ako. Pero sa loob loob ko, tawang-tawa na talaga ako sa babaeng to.

"H-Ha? Ah-eh K-Kasi N-naliligaw ako?"

Napataas ang kilay ko.

"Anong sabi mo? Naliligaw ka? Naliligaw o talagang sinusundan mo ko? Kanina pa kita nahahalata." Habang papalapit ako sa kanya.

Hindi sya makapagsalita. Pausog sya ng pausog patalikod. Hanggang sa masandal na sya sa pader.

"P-prince Kyle. K-Kasi, G-gusto—"

Naalala ko na. Eto rin yung babaeng nahuli kong kinukuhanan ako ng litrato nung isang araw.

"Nung isa araw, kinuhanan mo ako ng litrato. Tapos ngayon, sinusundan mo naman ako. Makulit ka talaga—"

"Nicole?"

Napalingon kami pareho.

Si Anthony na naman? Bakit ba parati na lang syang sumusulpot sa kapag tuwang-tuwa na ko sa pananakot dito.

Pero teka? Anong sabi nya? Tinawag nyang Nicole ang makulit nato?

Tumakbo yung makulit na babae papunta kay Anthony.

"Anthony! Buti dumating kana. I-Ikaw kasi hinahanap ko e."

"Talaga? Bakit may kailangan ka ba?"

Napatingin naman sakin yung babaeng makulit.

"Ah-eh......................................... Wala! Sige aalis na ko. Babye!" Tumakbo na ng tuluyan yung babaeng makulit.

"Teka!" Pagpipigil naman ni Anthony dun sa babae.

Napatingin sya sakin. At naglakad na sya. Dinaanan nya lang ako.

"Kilala mo yung babaeng yun?" tanong ko kay Anthony.

Napahinto sya at lumingon sakin.

"Ah sya? Oo, recently ko lang naman sya nakilala. She's a 1st year highschool. Haha! Wag kang mag-isip dyan ng masama ah. Hindi ako child abuse." With matching sarcastic smile.

Freshman? Hindi naman siguro sya yung tinutukoy ng amang hari. Hindi naman nya ko siguro ipapakasal sa isang batang katulad nun. Hehe, No. Nagkakamali lang ako. Maraming Nicole sa school na to. At isa lang sya dun.

"And by the way Bro! Just so you know, Yung babaeng cute na yun. She's Nicole Solomon. Sige, una na ko sa room."

At iniwan na nya kong nakatayong mag-isa sa gitna ng hallway.

What did he say?!

"And by the way Bro! Just so you know,  Yung babaeng cute na yun. She's Nicole Solomon."

"She's Nicole Solomon."

"She's Nicole Solomon."

"She's Nicole Solomon."

My Little Miss PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon