(NICOLE'S POV)
Haaaaaay. :"> Hindi ko akalaing masasabi ko kay Prince Kyle yun. Hindi ako nahihiya. Kasi yun ang totoo kong nararamdaman e. Masaya ako kahit san pa kami pumunta. Basta kasama ko sya. Tapos, niyakap nya ko. Yun ang unang pagkakataon na niyakap nya ko ng may saya sa nararamdaman ko. Pero hindi ko parin lubos maisip na nandito din si Anthony. May kasama kaya sya?
"Nicole, halika na. Pupunta na tayo sa townhouse." Hinawakan nya ko sa kamay.
Talagang aalis kami ditto sa hotel? Sayang naman. Ang ganda-ganda pa naman ditto e. Gusto ko pa sana magstay na lang ditto. Kaya lang baka magalit si Prince Kyle sakin. Iwan pa ko nun ditto. Nakalabas na kami ng kwarto ng may makasalubong kaming dalawang tao. Isang lalaki at isang babae. Teka, parang si Anthony yun ah. Oo nga sya nga. Pero sino yung babaeng kasama niya? Infairness, maganda sya ah. Parang nakita ko narin yung kasama nyang babae. Nang papalapit na kami sa kanila, hinawakan ng mahigpit ni Prince Kyle ang kamay ko. At dirediretso lang kami sa paglalakad. Napansin ko yung babaeng kasama ni Anthony, na nakatingin sya kay Prince Kyle. Pero hindi naman sya pinansin ni Prince Kyle. Ngumiti lang sakin si Anthony ng malagpasan na namin sila.
Napatingin ako kay Prince Kyle, seryosong-seryoso sya. Magkakilala kaya sila nung Babaeng kasama ni Anthony? Parang makatingin kasi sa kaniya yung babae parang magkakilala sila. Naiilang naman akong tanungin sya baka hindi naman sila magkakilala nag-aasume lang ako.
Nakarating na kami sa labas ng Marco Polo Hongkong hotel at sumakay na sa kotse.
"Uhm, Prince Kyle? Okay ka lang?"
Tumingin sya sakin at ngumiti.
"Okay lang ako. Bakit?"
"Ah wala." Tumingin na sya ng diretso sa may unahan.
Bakit ganun? Iba nararamdaman ko. Pakiramdam ko talaga, may something dun sa babaeng kasama ni Anthony nung nakita namin sya. Haaay! Wag ko na nga lang isipin yun. Nandito kami para mag-enjoy hindi para mag-isip ng kung anu-ano.
(DANA'S POV)
Naglalakad na kami pabalik ng kwarto ni Anthony na may makakasalubong kaming dalawang lalaki at isang babae. Malayo palang malakas ko ng nararamdaman ang tibok ng puso ko. Hindi kasi ako pwedeng magkamali sa nakikita ko. Totoo ba to? Si kyle? Kasama nya si Randy at yung isang babae. Yun siguro ang asawa nya.
Katapat na namin sila. Hindi nga ko nagkamali, si Kyle nga ang lalaking nakita ko. Tinignan ko sya. Pero hindi nya ko tinignan. Hindi ko alam kung hindi nya ko napansin, o sadyang iniwasan nya kong tignan. Bakit ba ganito? Nagsisimula na nga akong makalimutan sya pero nagkita parin kami ditto? Sinasadya ba talaga ng tadhanang makita ko si Kyle kasama ng babaeng dahilan ng pagkakasira ng pagkakaibigan namin?
"Dana? Are you okay?"
"A- y-yes I'm okay. Hindi ko lang inaasahan ang makikita ko."
"Halika na. Bumalik na tayo sa kwarto mo. Pahinga ka muna. Mamaya labas tayo." Ngumiti sya sakin. "Okay ba?"
Ngumiti ako at tumungo. "Mm."
Naglalakad na ulit kami pabalik sa kwarto. Thank God at hindi ako nagsising sinama ko si Anthony. Kahit pano napapangiti nya ko.
(KYLE'S POV)
"Wow! Mas maganda pa pala dito e."
Patakbong pumunta si Nicole sa may terrace. Humarap sya sakin at nakangiti. Saka tumalikod ulit.
BINABASA MO ANG
My Little Miss Princess
JugendliteraturSi Nicole ay isang 14y/o na commoner highschooler sa isang pinakasikat at pinakaluxurious na school sa kanila. Ang Royal Academy, kung saan ang mga anak ng mga pinakamataas at iginagalang na tao sa lipunan ay doon nag-aaral. Isang chef/tagapagluto s...