(NICOLE'S POV)
"Nicole anak! Bumangon ka na dyan. Kailangan mo ng mag-asikaso. Pupunta dito yung mga pinadala ng palasyo para sa kasal nyo bukas!"
Urghhhh.. Si Mama naman e. Natutulog pa ko. Inaantok pa ko. Panay syang katok ng katok.
"Anak! Sige na bumangon ka na dyan. Dali na!"
Pasuray-suray akong napabangon sa kama. Ang sakit ng ulo ko. Inaantok pa kasi ako e. Daig ko pang may hang-over sa sobrang pagkabangag ko. Anong oras na kasi ako nakatulog.
"Nicole! Ano ba? Gigising ka pa ba dyan?"
"Gising na po!" Bumaba na ko sa kama. At kinuha ang tuwalya na nakasabit sa upuan. At lumabas na ko.
(KYLE'S POV)
"Kamahalan, pinapatawag na po kayo ng Mahal na Hari para sa almusal."
Lumabas na ko sa silid ko at papunta na ko ng hapag kainan. Kumpleto na sila. As usual, ang kapatid kong pasaway lang ang wala dito. Akala ko ba, umuwi na sya. Wala na naman dito.
"Magandang umaga mahal kong Prinsipe." Bungad na bati sakin ng Mahal kong ina.
"Inang Reyna, Nakabalik na po pala kayo." Kagagaling lang nya sa isang meeting sa kalapit bansa. Kaya ngayon lang ulit sya nakabalik.
"Kamusta ang tulog mo? Maayos ba?" Tanong niya.
"Hindi po masyado. Marami pong gumugulo sa isipan ko." Habang humihigop ako ng Tsaa.
"Siya nga pala. Bukas na ang kasal mo Hijo. Gusto ko sana makilala ang magiging Prinsesa." Sabi ng Mahal ng reyna.
"Wag na po. Makikilala nyo naman po sya bukas e."
"Ah sya nga pala Prince Kyle." Bigla naman nagsalita si Ama. "Kailangan mong pumunta sa bahay ng iyong mapapangasawa para tulungan ang mga ipinadala ko doon para sa kasal niyo bukas."
Bakit ba kung kelan bukas na ang kasal na yun. Saka nya ipinadala ang mga yun?
"Kamahalan? Bakit ako? Hindi ba't kayo ang nagplano nun? Saka bakit kailangan pang pumunta pa ako dun?"
"Hindi ba't ikaw ang ikakasal? Natural lang na ikaw at ang iyong mapapangasawa ang mag-aasikaso nun."
Oo nga't ako ang ikakasal. Pero sino ba ang nagplano nito? Hindi ko naman ginusto to e.
Nauna na kong matapos sa kanila. Alam kong pagagalitan lang ako nito kapag hindi ko sya sinunod.
Papunta na ako sa lobby ng makasalubong ko si Dana. Oo nga pala. Nakalimutan kong tuwing sabado ay nagkikita kami ni Dana para lumabas. Pero ngayon, nakalimutan ko yun dahil sa mga bagay na to.
"Kamahalan, mauna na po ako sa sasakyan." Umalis si Randy at naiwan kaming dalawa ni Dana.
"Goodmorning Kyle! Mabuti at bihis ka na. Alis na tayo?" Ipinasok nya ang kamay nya sa braso ko. At nakangiti pa.
"Uhm, Dana. I'm sorry. Nakalimutan ko kasing sabihin sayo na hindi pala tayo matutuloy ngayon."
Bigla nawala ang mga ngiti nya.
"Ah, ganun ba? Uhm, ganito na lang. Where are you going? Sasama na lang ako. I promise to behave." Ngumiti ulit sya. Habang nakahawak sa braso ko.
"Dana kase, hindi pwede e."
Bigla nyang inalis ang pagkakahawak nya sa braso ko. At napasimangot sya.
BINABASA MO ANG
My Little Miss Princess
JugendliteraturSi Nicole ay isang 14y/o na commoner highschooler sa isang pinakasikat at pinakaluxurious na school sa kanila. Ang Royal Academy, kung saan ang mga anak ng mga pinakamataas at iginagalang na tao sa lipunan ay doon nag-aaral. Isang chef/tagapagluto s...