CHAPTER 27

6.8K 123 2
                                    

(ANTHONY'S POV)

"The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try again later. Toot-toot."

"The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try again later."

"Dana! Bakit di mo sinasagot ang tawag ko?" kanina pa ko palakad-lalad sa labas ng bahay nina Dana, at sinusubukang tawagan sya. Kaya lang hindi nya yun sinasagot, Dinial ko ulit ng number nya.

"Come on Dana! Come on. Pick up the phone!" Biglang naputol ulit ang tawag. "SH*T!" Napahawak na ko sa ulo ko.

"Ano po Prince Anthony? Sumagot po ba si Senorita?"

"Hindi nya sinasagot e. Ano po bang nangyari?"

Papunta na sana ako sa hotel kung saan ang reception ng kasal ni Kyle ng mapadaan ako dito sa bahay nina Dana. Naabutan kong nasa labas lahat ng maids nila. Sabi ni Manang pinalabas daw sila ni Dana dahil gusto nito mapag-isa. Isa lang ang alam kong dahilan kung bakit. Napanood na nya siguro ang kasal ni Kyle.

"Wala ba kayong susi?"

"Wala po e. Sobrang nataranta na po kaming lahat ng bigla kaming palabasin ni señorita Dana e."

Napabuntong hininga na ko at tinignan ang gate nina Dana. Wala ng ibang paraan kundi akyatin to.  Hinubad ko ang coat na suot ko.

"Okay, please hold this Manang."

"Prince Anthony, ano pong gagawin nyo?"

"Manang wala ng ibang paraan kundi akyatin tong gate."

"Sige po. Mag-ingat po kayo."

Dahan-dahan akong umakyat sa pader. Nakarating ko na ang pinakatuktok ng gate at tumalon pababa. Pagtapos ay binuksan ko na ang nakalock na gate. Kaya nakapasok na rin sina Manang. Tumakbo na ko sa kwarto ni Dana. Pagkarating ko sa kwarto niya, hindi ko kaagad sya nakita. Sobrang kalat at ang gulo ng kwarto nya. Halos, wala na sa ayos ang lahat. Inilibot ko ang mga mata ko. Then I saw her. She's crying at the corner. While her feet Is full of blood. Tumakbo ako papunta sa kaniya.

"Dana? Dana? Anong nangyari sayo? Bakit puro dugo ang paa mo?" Tapos nakita ko sa side na puro bubog galing sa basag na baso.

Iniangat nya ang ulo nya at dali-dali nya kong niyakap habang umiiyak.

"Anthony..."

Hinimas-himas ko ang buhok nya, para medyo kumalma sya.

"SSsshh. It's okay, it's okay. Tahan na. Dadalhin kita sa hospital ah. Kailangan magamot ang sugat mo."

"Ayoko. Ayoko Anthony. Hindi naman malalim to e." Patuloy parin sya sa pag-iyak.

Kumawala sya sa pagyakap niya sakin. I wipe her tears.

"Pinag-alala mo ko. Kami nina Manang."

"I just wanted to be alone. Ang sakit kasi Anthony. Ang sakit, sakit. Mahal na mahal ko si Kyle. Anthony. Kung alam ko lang na mangyayari to. Sinabi ko na sana sa kanya na mahal ko sya." Niyakap nya ko ulit.

Parang gusto ko na rin umiyak ng marinig ko yun mula kay Dana. He loves Kyle. Alam ko naman yun matagal na. Inexpect ko na rin yun. Pero, hindi ko alam na mas masakit  pala kapag sa mismong taong mahal mo narinig ang mga salitang yun. Nakita kong sobrang nasasaktan si Dana sa nangyayari. Parang gusto ko makasuntok ng tao sa nakikita ko kay Dana. Alam naman siguro ni Kyle gusto sya ni Dana. Well, isa syang napakalaking manhid kung di nya yun maramdaman.



My Little Miss PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon