CHAPTER 7

8.5K 182 17
                                    

(KYLE'S POV)

"Magandang hapon po kamahalan."

"Magandang hapon po Prince Kyle."

"Magandang hapon po Prince Kyle."

"Magandang hapon po kamahalan."

Sa dami ng utusan sa palasyo, paulit-ulit na lang ang naririnig ko. Nakauwi na ko galing sa school.

Huminto ako bago pumasok sa silid ko.

"Nasaan si Randy?" Tanong ko sa isang utusan.

"Kamahalan, kasalukuyan po syang nasa silid ng  mahal na hari. May mahalaga daw po—"

"Papuntahin nyo sya rito sa silid ko ngayon din."

"Masusunod po."

Pumasok na ko sa silid ko.

Pagpasok ko, dumiretso ako sa may bintana at napatingin sa malayo.

"Kamahalan, naririto po ang mahal na reyna."

"Sige, papasukin sya." Pumunta ako sa sala sa loob ng silid ko.

"Kamusta ang unang araw Prince Kyle?" Bati sakin ng mahal ng reyna.

Ang akala ko ang aking inang reyna si lola pala. Inakay ko sya sa pag-upo.

"Ayos lang po kamahalan. Namiss ko po pumasok. Bakit po kayo naparito? Ako na lang sana ang pumunta sa silid niyo." sabi ko.

"Naku, lalo mo lang ipinaparamdam sa kin na matanda na ako." Pangiting sagot niya.

Napangiti ako.

*TOK! TOK! TOK!*

"Prince Kyle narito na po ang tagapagbantay nyong si Randy." sabi ng tagasilbi.

"Sige papasukin sya."

"Pagpasensyahan na po niyo mahal na prinsipe kung ngayon lang po ako nakarating." Yumuko sya. "May mahalaga po ba kayong ipagagawa?" Si Randy.

Biglang tumayo ang reyna.

"Kamahalan? Aalis na kayo kaagad?" tanong ko sa kaniya at bigla akong napatayo.

"Oo, kinamusta ko lang naman sa unang araw ng eskwela ang gwapo kong apo." sagot niya.

Napangiti ako. "Sige po, ako nalang ang pupunta sa silid mo para dalawin ka."

Inalalayan sya ni Randy hanggang sa may pinto.

"Randy!" Tawag ko sa kaniya pagkalabas ng mahal na reyna.

"Opo kamahalan." Sagot naman niya.

Nahiga na ko sa kama.

"Gawin mo ang lahat ng Takdang aralin ko. Nandyan sa lamesa. Mamaya ko na lang aaralin lahat yan pagkagising ko."

Napakamot sya sa ulo.

"S-Sige po. Masusunod po."

Napangiti ako at napailing. Saka naidlip na ko.



(NICOLE'S POV)

Nakauwi na ko. Hay salamat. Sobrang dami ng nangyari ngayong araw.

"Nandito ka na pala anak. Halika meryenda ka na." Sakto. Naabutan ko si Papa nagluluto ng meryenda. "Kamusta ang first day sa Royal Academy?" tanong ni Papa.

"Ayos naman po." Napangiti ako nang maalala ko bigla si Prince Kyle. Ikukwento ko na sana.

"Anak akin na ang kamay mo." sabi ni Papa. Kahit nagtataka ako, ibinigay ko din ang kamay ko.

May nilabas si Papa sa bulsa nya.

Mm?

Singsing?

Sinuot ni Papa sa yung singsing sa may left ring finger ko.

"Papa? Di ko naman po birthday ah." Habang tinititigan ko yung singsing.

Ang ganda. Isang gold ring na may corona sa center at may crystals. Mukhang mamahalin.

"Bigay ng bestfriend ko yan nung highschool pa kami." Sabi ni Papa habang pinagmamasdan ang singsing sa kamay ko.

Mm? Bestfriend?

"Pero, bakit po nya binigay sa inyo to? Sa tingin ko po, napakamahal nito e."



My Little Miss PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon